Tuesday, December 27, 2005

Christmas Text

Andami kong natanggap na greetings ngayong Pasko. Kahit hanggang ngayon ay may natatanggap pa rin ako. Sino kaya ang nagbroadcast ng cellphone number? Yung iba kasi ay mga unregistered number pero andun naman ang name ko!! Yung mga galing lang sa Globe ang pinadalhan ko ng reply. Bakit? Eh naka-unlimited kasi ako!! Hahaha!!!!

Pero eto ang napansin ko sa mga pinadala nila. 98% ng natanggap ko ay puro recycled Christmas greetings. Recycled kasi pare-pareho!!! Word for word!!! Mas marami pa ang daliri ko sa mga nagpadala ng original. Ayoko kasi nung message na "May this Christmas brings you peace, blah-blah-blah...." Mas feel ko pa yung "Oy, calc!!! Merry Christmas. Regalo ko?" Mas may Christmas spirit ang dating sa akin...

Eh ano naman ang ginawa mo sa mga na-receive mong messages?

Syempre, binasa ko, konting reflection tapos binura ko na agad!!! Di naman kasi ako nagtatago ng message. Sayang sa inbox space!!! Hahahaha!!!!

Tuesday, December 20, 2005

Peace

Hahaha!!! Saktong isang buwan... Nakakalito kasi kung ano ang ilalagay ko... Pero, Im back, kaya eto na ang uli ang mga posts ko...

Officemate: Ano bang gusto mong regalo this Christmas?
Calculus: World Peace!!!
Officemate: Yun namang pwede kong ibigay sa yo...
Calculus: Pwede namang ibigay ang world peace ah
Officemate: Pano?
Calculus: Di ba nga sabi sa kanya, "Let there be peace on earth and let it begin...
Officemate: ...with meeeee"
Calculus: Kita mo na!!!

Sunday, November 20, 2005

Jeepney Stickers

Classic:
"Barya lang sa umaga"

Sigurista:
"Bata, matanda
May ngipin o wala
Hustuhin ang bayad
Bago bumaba"

Suplado:
"Ang katok ay sa pinto
Ang sutsot ay sa aso
Ang para ay sa tao"

Bolero:
"Basta driver, sweet lover"

Panggalit sa mga Gabriela:
"Pag maganda, libre
Pag pangit, triple"

Saturday, November 12, 2005

Problem Solving

There is nothing like a good problem to spark the intellect. To open the mind to new possibilities, new ways of seeing things. Of course, one must always confront self-doubt and fear. But that is a small price to pay for the exhiliration of finding the perfect solution.

Friday, November 04, 2005

Rush

Psychiatrist: NASAAN NA ANG BLOG MO!!!!!

Calc: Eto na nga at ginagawa ko na!!!

Psychiatrist: DALIAN MO!!!!

Calc: Hwag mo naman akong madaliin. Natataranta ako!!!

Sunday, October 09, 2005

Astrology

Pamangkin: Kuya, naniniwala ka ba sa astrology?
Calc: Hindi...
P: Bakit naman?
Calc: Eh Cancer kasi ang sign ko...
P: Eh ano naman ngayon?
Calc: Ang mga Cancerians kasi ay hindi naniniwala sa astrology!!!

Sunday, October 02, 2005

Multiply

Q: Ang katanungan ko po'y ganito, marunong po ba ng multiplication si Jesus?
Calc: Marunong sya syempre...
Q: Saan po mababasa sa bible yan?
Calc: Pakibasa sa disi-otso ng Mateo, bente-uno hanggang bente-dos...
H.I.: Eto po ang nakasulat,

Then Peter came to Jesus and asked, "Lord, how many times shall I forgive my brother when he sins against me? Up to seven times?"
Jesus answered, "I tell you, not seven times, but seventy times seven"


Calc: Seventy times seven!!! Marunong ba o hindi?
Q: Marunong po...
Calc: Amen?
Q: Amen!!

Monday, September 26, 2005

Request

Gusto ng parents ko na...
... magtipid ako.
... umuwi naman ako ng probinsya.
... hwag magpagabi sa lansangan.
... mag-ingat sa pagsakay-sakay sa mga bus.
... tumawag kung gagabihin.
... sundin ang mga hiling ng mga sisters ko.

Hiling ng mga sisters ko na...
... linisin ko ang kwarto ko.
... itapon ko ang basura.
... maglaro ng badminton.
... mag-iba na ng cable operator.
... bigyan sila ng pang-'shopping'.
... tumaya sa lotto.

Request ng mga tita ko na...
... i-print ang laman ng digital camera.
... magdala ng alcohol at tissue para sa kanila.
... magtrabaho na lang ako sa ibang bansa.
... hwag pumasok ng Sabado at Linggo dahil wala namang bayad.
... palitan na ang salamin ko
... iboto si Franzen sa Pinoy Big Brother.

Gusto ng mga officemates ko na...
... mag-aral akong magdrive.
... magconduct ako ng echo training sa HTML at Perl.
... gawin na ang version 3 kahit wala pang version 2.
... gumawa ng CSS para sa kanilang friendster profile.
... magpareserve ako sa ABS para makapanood sila ng ASAP.

At ang iba naman ay humihiling sa akin ng...
... autographed Footloose CDs
... laban sa Naruto video game
... isa pang 'inspirational' speech
... friendster acceptance
... share-a-load para makapag-text unlimited
... thesis advice
... movie watching
... blog update

Sa lahat ng mga ito ay isa lang naman ang gusto ko. Walang iba kundi world peace!!!

Sunday, September 18, 2005

Sonnet

I love you without knowing how, or when, or from where.
I love you straightforwardly, without complexities or pride;
So I love you because I know no other way than this

Very rare na makatanggap ka ng mga ganyang lines sa cellphone, di ba? Yung iba kasing mga quotes ay super coated ng asukal kahit langgam magkaka-diabetes. As a reward ay hindi ko muna dinelete itong message na 'to.

Wala sa dugo ko ang pagiging poetic pero that line was taken from Pablo Neruda's 100 Sonnets of Love XVII. The sonnet started like this...

I do not love you as if you were a salt rose, or topaz
or the arrow of carnations the fire shoots off.
I love you as certain dark things are to be loved,
in secret, between the shadow and the soul.

Do women of today still digs poetry? Maybe, maybe not. Pero kung ako ang magsasabi nyan sa harap ng girl, baka magdilim ang mga paningin nila!!!

Sunday, September 11, 2005

Advice

A fresh advice from my psychiatrist...

"Anything worth doing is worth delaying"


At dahil dyan ay next meeting na lang ang blog ko. Class dismissed!!!

Monday, September 05, 2005

Meralco Theater

Matagal-tagal din ang huli kong punta rito. Ito ang dahilan kung bakit di ko na matandaan kung nasaan ang theater. Dalawa lang ang alam ko...malapit ito sa Robinson's Galleria at may dumadaan na jeep dito. Eh di punta ako sa Galleria, ok. Punta ako sa may jeep terminal, ok. Since wala na akong idea kung saan ang theater ay kailangan na nating magtanong. At ang pumasok sa isipan ko na pagtanungan ay ang driver ng jeep na kasalukuyang nagpupuno ng jeep...

Calc: Manong, dadaan po ba kayo ng Meralco Theater?
Driver: Oo.

Ayos!!! Sakay na agad ako. Umupo ako sa tabi ng driver para kita ko yung both sides ng kalsada at para na rin di ako mahirapang maghanap.

Calc: Manong, pakisabi na lang po sa akin kung nasa Meralco na po tayo?
Driver: Oo.

Since nasa terminal ako, kailangang hintayin munang mapuno ang jeep. Inabot siguro ng mga twenty minutes bago napuno kasi mahina ang dating ng mga tao.

Matapos ang mahabang paghihintay ay umalis na kami sa terminal. Expected ko ay malayo yung lugar kaya todo bantay ako sa magkabilang side ng daan. Di pa nakakalayo ang jeep namin ay biglang tumigil ito sa pangatlong kanto.

Driver: Meralco theater na 'to. Tawid ka na lang sa kabila

Lingon ako sa direksyon na kanyang tinuro. Ano!!!! Nandito na tayo!!! Ang hirap talagang ipaliwanag. Aba'y mas matagal pa ang inupo ko sa jeep kaysa sa tinakbo nito. Wala pa ngang dalawang minuto yung tinakbo namin. Bumaba ako sa jeep ng gulat na gulat at di maipaliwanag ang gagawin. Syempre, nakakaasar yung nangyari. Eh kitang-kita ko pa ang Galleria, yung flyover at yung terminal!!! Pwede naman palang lakarin.

Panalo ka talaga, mamang driver. Eto ang isang kantang nararapat sa iyo...

"Mamang kay lupit
Ang puso mo'y di na nahabag"

Thursday, September 01, 2005

Ham Sandwich

Nakakatuwa itong math theorem na 'to. Bagay na bagay sya sa title ng blog ko.

The theorem states that the volume of any three solids can always be simultaneously bisected by a (n-1) dimensional hyperplane no matter where these three solids are placed or no matter what size or shape they are.

Nasaan yung sandwich dyan? Paanong naging applicable yan sa sandwich? Ganito... Three solids, yung dalawang slice ng bread at yung filling. Hyperplane naman ay yung knife cut.

Pinapakita ng theorem na ito na, with a single knife cut, ay pwede mong hatiin ang isang sandwich into exactly two halves. Ang galing, di ba? Very reassuring!!!! Panatag na ngayon ang loob!!!

Pero nakalagay ba dyan sa theorem kung saan ko dapat hatiin ang sandwich ko? Paano ang hati na dapat kong gawin para ma-maximize ko ang area ng fillings with respect to the area of the bread?

Yan ang problema ngayon. Ang sabi lang ng theorem ay pwede mong hatiin ang sandwich pero hindi nakalagay kung saan mo dapat hatiin.

Mahirap talaga ang kumain ng ham sandwich!!!

Sunday, August 28, 2005

Toast

Naobserbahan ko nung minsan ang paggawa ng kapatid ko ng toasted bread. Ganito yung ginagawa nya.(tawagin kong A, B at C para di nakakalito)

Ipasok si A at B sa toaster               (30 seconds)
Baligtarin at i-toast ang kabilang side (30 seconds)
Tanggaling si A at B. Ipasok si C        (30 seconds)
Baligtarin si C                                 (30 seconds)

2 minutes ang total time nya para makapagtoast ng tatlong tinapay. Meron bang mas mabilis na paraan? Aba'y biruin nyo, meron pala!!!

Ipasok si A at B sa toaster         (30 seconds)
Baligtarin si A at ipalit si C kay B  (30 seconds)
Palitan si A ni B at baligtarin si C  (30 seconds)

Three toasted bread in just ninety seconds!!! At alam nyo ba ang ibig sabihin ng aking natuklasan. Ibig sabihin ay kailan ko ng maglalabas ng bahay. Kung anu-ano na kasi ang naiisip ko!!!

Sunday, August 21, 2005

Scrabble!!!

Nitong mga nakalipas na araw ay kalaro ko ang officemate ko sa larong scrabble. Meron kasi syang scrabble program sa computer nya. Napansin ko din kasi na laging computer ang kalaban nya kaya niyaya ko ng one-on-one. Yung first game ay katuwaan lang muna. Pero ngayon ay race to 7 na ang laro, parang scrabble tournament.

Monday yata namin sinimulan yung game at currently ang standing score namin ay 6-0 in favor of my officemate. In tagalog, nilalampaso ako!!! Magaling ba yung officemate? Magaling syempre!!! Sa anim na game namin ay tatlong beses syang naka-scrabble samantala ako ay wala. Ako pa nga itong laging naghahabol sa score nya. She's really good also in letter placing.

Ang maganda pa nito ay may pustahan yung game namin. Libre ng pizza, hindi lang sya pati yung mga audience namin. Hahaha!!! Syempre, hindi mawawala sa tournament ang mga audience. At pag may audience, di mawawala ang kantyawan at asaran. Syempre, sa akin ang bagsak ng lahat ng asar. Ganon naman talaga yun? Panalo man o talo, ako pa rin ang sasalo. Hahahaha!!!!

Affected ba ako sa score na 6-0? Syempre, hindi!! Mas maganda nga ang laban ngayon para sa akin kasi "Nothing to lose but everything to gain". Pero ang nakakatawa nito ay yung barkada ko ang pinaka-affected sa score ko. Bakit daw pinaabot ko sa ganung score yung laban? Tapos sinermonan pa nila ako na hwag na kasi akong maglaro ng may partida. Eh kung hindi ko naman kasi lalagyan ay hindi naman ako mag-eenjoy. At tsaka may mga pagkakataon na mas malaki ang premyo pag ikaw ang natalo kaysa pag ikaw ang nanalo.

Tuloy ba ang game bukas? On-hold muna kasi hinihintay ko yung 'regression from the mean' ng officemate ko. Mananalo ba ako? Tingnan natin. Abangan sa susunod na blog....

Monday, August 15, 2005

On This Day

Here are the important events in history that happened on this day, Aug 15:

1057: In events later used by William Shakespeare in one of his greatest tragedies, the Scottish king Macbeth is killed by Malcolm Canmore, the son of King Duncan I, whom Macbeth had murdered 17 years before.

1534: Saint Ignatius of Loyola founds the Jesuits, a Roman Catholic order of men, in Paris, France.

1769: Birth of Napoleon Bonaparte

1939: The film version of The Wizard of Oz, starring Judy Garland as Dorothy, has its premiere in Hollywood, California.

1947: Indian independence from Britain is proclaimed, with the former colony partitioned into the two nations of India and Pakistan.

1969: On the opening day of the Woodstock Arts and Music Fair in upstate New York, promoters overwhelmed by the hundreds of thousands in attendance decide to waive admission fees.

2001: Astronomers announced the discovery of the first solar system outside our own.

2004: Calculus started blogging

Sunday, August 14, 2005

THS



Yang pic na yan ay schedule na galing sa isang kilalang computer school. Normal sya, di ba? Sa unang tingin siguro pero kung titingnan mong mabuti yung days, merong letter 'H'. Ano yung letter H? Anong araw ang nagsisimula sa letter H? Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday. Saan dyan ang araw na may letter H? Nung tinanong ko kung ano yung letter H, ang sabi sa akin ay 'Huwebes". ANO!!!!!!! Nasambit ko talaga ang pambansang mura ng Pilipinas nung malaman ko. Kakaiba talaga. Akala nyo dyan natatapos ang kwento? Hindi!!! Dahil eto pa ang mas malupit...

Ang nakalagay sa schedule ay "THS". Akala nya ay Thursday at Saturday ang klase nya. After a while ay tinanong sya ng classmate nya kung bakit di sya pumasok sa Tuesday class nya. Ang sabi naman nya ay wala namang tuesday sa schedule nya. Nung pinakita nya yung schedule list nya sa classmate nya ay doon nya nalaman na ang tunay pala nyang schedule ay "Tuesday Huwebes Saturday" at hindi "THursday Saturday" lang!!!

Panalo talaga!!!! May exam pa naman sila nung Tuesday!!! Hahaha!!!

Sunday, August 07, 2005

Guilty Ice Cream

Last night, di inaasahan, ay bigla kaming inimbitahan nung bagong kapitbahay namin sa condo. Wala pa kasi siguro yung kasama nya kaya gusto nya ng kausap. So, pumayag naman kami since tabing unit lang naman. Eh di kwentuhan, ako, yung apat kong kasama at tsaka sya. Maya-maya, sabi nya ay ikukuha nya kami ng ice cream para naman daw may kinakain kami habang nagkwekwentuhan. Doon ngayon iikot ang blog ko...sa ice cream na dinala nya.

Paglapag nung ice cream sa table, problema na agad. Apat na double dutch at isang ube. Bakit problema? Paborito nung apat ang double dutch!!! Simula pa lang yan. Pagkalapag kasi nung mga ice cream ay medyo nagkahiyaan pa. Wala munang kumukuha. Tuloy muna sa kwentuhan. Kwento, kwento, kwento... At habang nagkwekwentuhan nga ay kinuha na nung tatlo yung double dutch. Natira ngayon sa tray ay isang double dutch at isang ube.

"Kung kukunin ko yung ube, di ako mag-eenjoy pero at least di naman ako maguguilty. Pero kung kukunin ko naman yung double dutch, mag-eenjoy ako pero maguguilty naman ako sa pagkuha nito. Ano ang dapat kong gawin?"

Pero ang tanong, "dapat ba akong maguilty kung kukunin ko yung last na double dutch?" Kung ang kinuha sana ni Hi ay yung ube eh di puro double dutch na lang ang natira para sa amin. Lumalabas na medyo guilty si HI dahil ako ngayon ang pinapahirapan nya sa pag-iisip. Same goes don sa dalawa.

Lumalabas na ganito ngayon ang scenario, 80% ay mas gusto ang double dutch kaysa sa ube. Nung kinuha ni HI yung unang double dutch, ang chance ngayon na gusto nung tatlo yung double dutch ay 40% (.8 x .8 x .8 x .8). Ibig sabihin hindi masyadong guilty si HI sa pagkuha nung unang double dutch.

Yun nga lang pagdating sa akin, ang chance na gusto ni Q yung last double dutch ay naging 80% na!!! Pressured ngayon ako!! Pero kung iisiping mabuti, kasamang nagpataas ng chance yung mga naunang kumuha ng double dutch. Lumalabas na guilty rin dapat sila.

Sana pala ay sa simula pa lang ay nagtanong na ako kung sino ang may gusto ng ube. Para kung meron mang kumuha nito, libre ko ng kunin yung double dutch na walang guilty-guilty!!! Eh paano kung walang gustong kumuha nung ube? Dyos ko!! Pati ba naman yung ube, guilty!!!

Sasabihin ko na lang sana na di ako gutom. At least, para akong bayani. Gesture of selflessness. Kaya lang napansin ko na nakangiti yung tatlo sa akin. Parang alam nila yung iniisip ko...

Ganito ngayon ang ginawa kong move para maresolve ang problema. Ibubuhos ko lahat ng guilt sa bago namin kapitbahay. "Wala na bang double dutch? Bakit kasi ube yung isa?!" Panalo!!! Kinuha nyo yung ube at pinalitan ng double dutch. Haha!!! Panalo ang strategy ko pero pakiramdam ko ay yun na ang last time na iimbitahan nya ako. Tingin nyo?

Sunday, July 31, 2005

Dito lang yan

Namili ako ng mga anime CDs dito sa may StarMall. Sale kasi kaya dinamihan ko na ang bili para mura. Almost 450 rin yung binili ko. Inabutan ko 500 pesos yung saleslady. Tapos may ginawa yung saleslady sa inabot kong 500 pesos. First time kong makakita na ganon!! Biruin nyo, pinagpag nya yung 500 pesos don sa mga CD na nakadisplay. Tinanong ko sya kung ano yung ginagawa nya. Sabi nya sa akin ay para raw mahawa yung ibang CD at maging mabenta. Dito lang yan!!!!

-oo0oo-


Eto pa ang isang bagay na dito lang sa Pinas. Napapansin nyo ba minsan yung mga tindahan sa mall na may nakasabit na upuan sa pintuan? Kalimitan nyo 'tong makikita kapag sarado pa yung tindahan. Bakit kailangan pa yung upuan kung super kandado naman yung tindahan? Nakita ko ang sagot dyan nung minsang maaga ako sa mall. Kalimitan pala kasi ay tatlo ang lock ng isang store. Isa sa baba, isa sa gitna at isa sa taas. Madaling buksan yung lock sa baba at sa gitna. Ngayon yung lock sa taas kalimitan ay hindi abot ng magbubukas kaya kailangan nya yung upuan para maabot yung lock. Parang kwentong-barbero pero kung iisipin nyo nga naman, pinoy lang ang makakaisip ng ganyan. Dito lang yan!!!!

-oo0oo-


Customer: Miss, hanggang anong oras ang midnight sale nyo?
Saleslady: Hanggang 10 pm po...

Panalo talaga!!! San ka pa?!!

Sunday, July 24, 2005

Think Tank



Ang mga tumutulong sa akin sa oras ng pag-iisip. Multi-religion na, multi-cultural pa!!! May pwersa ng Christianism, Hinduism at Buddism. Samahan mo pa ng mga statue galing sa Easter Island. Idagdag mo pa si Mr. Wizard ng Enchanted Kingdom, ang mahiwagang "Pearl of Lao-Tze" at si General Grievous. Saan ka pa?!!!

Sunday, July 17, 2005

Physics of "Beating-The-Red-Light"

Kasabay ko nung minsan sa taxi ang isa sa mga "think tank" friends ko. Nung papalapit na kami sa intersection biglang naging yellow yung traffic light kaya ang ginawa nung driver namin ay binagalan nya yung takbo. Habang nakatigil yung taxi namin ay bigla ba naman akong binigyan ng ganitong question...

Q: Our taxi was running at 60 km/h. Nung papalapit na tayo sa intersection ay biglang naging yelow yung traffic light. Alam natin na it takes 2 seconds for the yellow light to turn to red. Estimate natin na mga 30 meters ang layo natin sa intersection. Given that the intersection is 12 meters away and you have an estimated maximum deceleration of -6 m/s2, should we stop or should we beat the red light?
Calc:(kunwari ay nag-iisip) Beat the red light dapat tayo.
Q: Yun naman pala. Eh di dapat nagbeat the red light na lang tayo.
Calc: Di pwede.
Q: Aabot naman tayo!!
Calc: Di talaga pwede.
Q: Bakit naman?
Calc: May pulis kasi sa kabilang kanto. Huli tayo sigurado!!

* Kita ko sa salamin na napangiti yung driver natin. At naiimagine ko rin na nakangiti kayo ngayon *

Thursday, July 14, 2005

Eye Blog

Nearsighted ka kung malinaw ang mga bagay na malapit sa yo at malabo naman kung malayo. Farsighted ka kung malabo ang mga bagay na malapit at malinaw naman ang mga nasa malayo.

oo0oo


Bakit pupil ang tawag sa gitna na mata? Ganito yan...
Ang original kasing meaning ng pupil ay "small child" o "doll". Pag tumingin ka sa mata ng iba, you see a small "doll-like" reflection of yourself. Ang galing, di ba?!!

oo0oo


Eh ano naman ang ibig sabihin ng 20/20 vision?
If you can still read clearly characters at a distance of 20 feet, then you have a 20/20 vision.

oo0oo


Duling: from the Malay juling meaning "cross-eyes"

Monday, July 11, 2005

Saturno: Bakit ang daming balat ng Maxx(candy) dito?
Placido: Iniipon ko kasi
Saturno: Bakit?
Placido: Eh di ba may contest sila. Yung may pera sa wrapper. Bubuuin mo yung letters.
Saturno: Eh hindi naman Maxx yun, Halls!!!
Placido: Hah!!! Kaya pala wala akong mabuong letter!

Pag-untugin ko kayong dalawa!!

oo0oo


Naisipan kong kumain kanina ng squidball. Kaya punta naman ako sa Ayala para bumili. Ang style ko kasi ay kuha lang muna ako ng kuha. Tsaka na ang bayad tutal sa may harapan lang naman ako ng stand pumupuwesto. Ang kaso nga lang bawal ang magtinda sa kahabaan ng Ayala. Hinuhuli ang vendor and kinukumpiska pa yung mga gamit. Eh di yun na nga, dumating yung mga guards. Eh di syempre takbuhan yung mga vendor kasi nga huhulihin sila. Ako naman nandon pa rin sa pwesto ko, inuubos pa yung squidball ko. Andami ko ring nakain. 50 pesos din yun!!! Hahaha!!! Swerte!!!

Saturday, July 09, 2005

Percent of what?

Ano ba ang percent, singular or plural? Hehe!!! Alam nyo ba na ito ay pwedeng pareho. It depends on what it's a percent of:

Thirty percent of the oranges are gone.
Thirty percent of the orange juice is gone.


Ang galing, di ba? Pareho din ba yan sa fraction? Oo naman!!!

One-fourth of the voters are undecided.
One-fourth of the electorate is undecided.

Friday, July 08, 2005

Exciting Day

Today is an exciting day!!! Single issue lang makikita mo sa TV, maririnig sa radyo at mababasa sa dyaryo.

-oo0oo-


Iisang news pero iba't-ibang camera angle ang mapapanood mo sa TV. Pag nagsawa ka sa isang anggulo ay lipat ka muna sa iba. Kung di mo makita ang isang anggulo ay punta ka muna sa kabila kasi baka mas maganda ang camera shot nila.

-oo0oo-


Dito sa office ay sa radyo namin pinakikinggan ang mga aksyon. Sa kanan ay may nagpapatugtog ng MP3, sa gitna yung radyo tapos sa kaliwa naman ay MP3 uli. May background music ka tuloy ngayon habang nakikinig.

-oo0oo-


Ano kayang mangyayari kung biglang umulan dito sa Ayala? Saan kaya pupunta yung mga ralyista? Nakasarado ang mga underpass at mga buildings dito kaya malamang ay sa kalsada lang sila. Pero, umulan man o hindi ay isa lang ang totoo. Karamihan sa pumunta dyan ay binayaran lang. Nakita ko na minsan kung saan sila binayaran.

-oo0oo-


Ako ay pumusta na hindi sya magreresign. At this point in time ay nasa kanya ang advantage both strategic and mathematical. Kailangang baguhin ng oposisyon ang takbo ng ilog para mapunta sa kanila ang pwersa nito.

Thursday, July 07, 2005

Andami pala nating "anak ng ..." expression. Anak ng tupa, anak ng tokwa, anak ng tipaklong, anak ng patis, anak ng tinapa, anak ng pating, anak ng hweteng, anak ng pusa at ang pinakapaborito ng lahat, anak ng teteng!

-oo0oo-

Minsan ay may nagtanong sa akin ng direksyon...

Manong: Saan pa ba ang papuntang (name of place)?
Calc: Nakikita nyo po ba yung building sa dulo?
Manong: Oo, yun na ba yung lugar?
Calc: Lampas pa po don. Malayo pa po...

Eto ang isang variation na natutunan ko lang lately...

Manong: Saan pa ba yung papuntang (name of place)?
Calc: Diretso po kayo tapos kanan po sa kanto, doon po kayo magtanong kung saan

* pasaway talaga *

Wednesday, July 06, 2005

Back In Action

Im back!!! Balik blogging na naman ako. Sabi ng psychiatrist ko at ng mga kaibigan kong ermintanyo ay kailangan kong ipagpatuloy itong blogging. "To preserve mental stability" or something to that effect yung dahilan nila. At dagdag pa nila na dapat ay everyday ang update ko at hindi katulad ng dati na once a week.

-oo0oo-


Birthday ko last Monday, July 4. Napakadaling tandaan nitong birthday ko kasi Fil-American holiday ito. Dito sa office namin ay wala talaga akong kawala. June pa lang ay nagpaparamdam na sila sa birthday ko. Kahit ang mga iba kong kakilala ay talaga namang nakatatak na sa isipan nila ang birthday ko.

-oo0oo-


25 na ako ngayon, 100 years pa bago ko mareach ang target age ko.

-oo0oo-


Today is the death anniversary of someone very special to me. Maaga man siyang lumisan dito sa mundo but maybe it's for the best. She will never age nor fade for me. Alam ko na masaya ka na dyan sa lugar mo ngayon kaya please lang hwag ka ng mang-istorbo sa gabi. May pasok pa ako sa umaga!!!

Sunday, June 12, 2005

Lotto

There are 42 balls taken 6 at a time. The total number of combination for lotto is 5,245,786. Kung gusto mo yung sure win na panalo, kailangan mong tayaan lahat ng combination. In short, kung 10 pesos ang isang combination, kailangan mong gumastos ng 52,457,860 pesos para manalo. Hintayin mo lang na maging more than 52 million ang jackpot prize para may kick-back ka.

Ito ang aking lotto strategy. Since wala na akong magagawa sa combination na lalabas, ang pwede ko na lang gawin ay i-minimize ang number of winning person para maunti ang magiging kahati ko kung saka-sakaling mananalo ako. Paano ko gagawin yon? Ganito....

Each combination is equally likely to be the winning number. Ibig sabihin ang (2, 34, 21, 10, 18, 22) at ang (10, 42, 34, 27, 3, 11) ay pareho ang chance na pwedeng maging winning number. Therefore it also follows na ang (11, 12, 13, 14, 15, 16), which is also included in the total number of combination, ay pareho rin ang chance na maging winning number. At since, kalimitan sa mga tumataya ay gumagamit ng random numbers kaysa sa sequential number lumalabas na pag sequential numbers ang tinayaan ko, mataas ang probability na pag ako ang nanalo ay solo ko lang ang jackpot prize. Hahaha!!!!

Paano naman kaya sa balato? Hmmm....

Sunday, June 05, 2005

Where Is It???

Totoo na patience is a virtue. Maraming magandang biyaya ang dumarating sa mga taong matyaga. All good things come to those who wait, sabi nga nila. Naghihintay tayo dahil alam natin na ito ay darating. Sulit naman ang paghihintay kung alam mong may mapapala ka sa paghihintay mo.

Pero patience is different with time. Time maybe eternal but patience is not. May hangganan at may katapusan. Kung ang dulo nga ng walang hanggan ay may katapusan. patience pa kaya. Ok lang na maghintay pero kung pinapatagal ang pagdating ng isang bagay ay ibang usapan na yan. Ano ang halaga ng mga magagandang salita kung hindi rin naman pala darating ang mga hinihintay mo? Sana ay sabihin na lang na hindi na ito gagawin. Kaya nga...

Calc, nasaan na yung mga upcoming blogs na pinangako mo?!!!

Sunday, May 29, 2005

Quote for Disorder

Isa sa mga favorite kong quote kung bakit pwedeng magulo at disorganize ang aking desk...

"Those of you who keep a neat desk don't know the thrill of finding something that was lost forever"

Applicable din yan sa room. Just replace desk with room.

Sunday, May 22, 2005

Jollibee vs Mcdo

Kalimitan ay pag may Jollibee sa isang kanto ay may Mcdo naman sa katapat na kanto. Bakit kaya? Pero di yan ang topic ng blog ko. Alam ko na wala ito sa mga upcoming blogs ko pero naisip ko lang ito habang kumakain ako nung minsan sa Chowking. Alin ba sa dalawa ang matimbang para sa akin?

Breakfast Meal. Mas gusto ko ang breakfast meal ng Jollibee kaysa sa Mcdo. Wala kasing corned beef sa Mcdo. Mas gusto ko ang pancake ng Mcdo pero mas gusto ko naman ang syrup ng Jollibee. Mas masarap ang garlic rice ng Mcdo pero mas masarap ang pagkakaluto ng itlog sa Jollibee. Mas maraming choices sa Jollibee pero may hashbrown naman sa Mcdo.

Combo Meal. Mas masarap ang burger ng Jollibee pero mas ok naman ang french fries ng Mcdo. Mas gusto ko ang Champ kaysa sa Burger Mcdo. Dalawa ang hamburger patty ng Big Mak kaysa sa Champ pero its quality over quantity. Mas masarap ang spaghetti ng Mcdo pero panalo ang manok ng Jollibee. Lamang ang Jollibee pagdating sa variety pero konti lang kasi mas masarap ang McFlurry at McFloat.

Depende sa cravings kung saan ako. Minsan ay tumatayo ako sa pagitan nilang dalawa at nagdedeliberation kung saan kakain. Jollibee o Mcdo? Kung after ng 5 minutes ay wala akong mapili, lipat na lang ako sa iba. Pizza Hut o Shakey's?

Sunday, May 15, 2005

Upcoming Blogs 2

Mukhang sinipag na naman ang mga brain cells!!!

Judging People 101
Some basics on how to judge people by name only. How to judge people to your advantage. Warning: contains percentage and probability

All about Videoke
First time to sing in a videoke bar? Free advice on how to handle the pressure.

Eat All You Can
It's not just eating, it's also a science. Tips on how to maximize the buffet table

Blog Connection
Who's connect to who and who's not? It's a small world, after all. Warning: contains algebra

Water Dispenser
A story about the curse surrounding our water dispenser here in the office

Pasaway Moments Uncut
More pasaway moments from yours truly.

Subject to change without prior notice

Sunday, May 08, 2005

3310

Since the start of the cellphone age ay isang cellphone pa lang napupunta sa kin. Di pa rin ako nagpapalit hanggang ngayon. Free nga lang yung cellphone na yun kasi nag-open ng bank account si Mama sa bangko. At the time ay ako na lang ang walang cellphone kaya sa akin na agad napunta yun.

Hindi naman sa wala akong pambili pero ayos na sa akin yung matawagan ako ng kahit anong oras, makapagtext kung gagabihin sa pag-uwi at simpleng alarm clock na pang-gising. Kailangan ko lang naman talaga ay yung mga basic features na isang cellphone.

Ano ba ang pwede kong ipagmayabang sa cellphone ko kahit 3310 lang? Maganda ang ringtone nya!! Complete chorus ng "Fantasy" by Earth, Wind and Fire. Kakaiba yan!! Hindi siguro alam ng iba ito pero may built-in anti-virus software ang 3310. Meron din itong built-in na emergency back-up battery. Kahit low-batt na ako ay meron pa akong reserba. Sa lugar na walang signal ay meron akong signal dahil may "interplexing beacon" yata ito. Pero eto ang pinaka-highlight na cellphone ko. Di ito nauubusan ng load kahit prepaid lang. Para ngang "share-a-load" center ako. Hahaha!!!!

Meron ngang mga pagkakataon na pwede kong magpalit, for free pa nga minsan, pero pinasa ko na lang sa mga kapatid ko yung offer. Para kasi sa akin ay masaya na ako at kuntento na ako sa cellphone ngayon. Di ba yun naman ang importante sa lahat?

Monday, May 02, 2005

Any Comment?

Rebelasyon ng isang blogista na talaga namang gumulat sa akin. Itago natin sya sa pangalan na saturno.

saturno: Nabasa mo na ba yung bago kong blog?
calc: Oo, yung tungkol sa pangalan.
saturno: Eh, bat hindi ka pa naglalagay ng comment?
calc: Wala lang.
saturno: Hinihintay ko kasi yung comment mo.
calc: Ha?!!
saturno: Oo. Di kasi muna ako nagpapalit ng blog hangga't hindi ka pa nagcocomment.
calc: Ibig mong sabihin ay hinihintay mo yung mga comments ko?
saturno: Syempre, nagtataka nga ako minsan kung bakit hindi ka pa nagcocomment o kaya ay kung nabasa mo na ba yung ginawa ko.

Inaantabayan ang aking comment?!! Ganon ba kabigat ang dating ng aking mga comments? Ayon pa sa kanya ay not unless na two-weeks old na yung blog nya ay hindi sya magbabago. Akala ko ay sya lang ang ganon pero natuklasan ko na yung iba rin pala ay ganon din. Minsan ay may hinihintay silang magcomment sa kanilang blog before na gumawa ng bago.

Ang katanungan ko ngayon ay ganito. Sino pa rito ang ganyan? Mga may hinihintay na magcomment bago gumawa ng bago. Sino pa rito ang naghihintay sa aking "gintong" komentaryo? Mga nagtataka kung nabasa ko ba o hindi.

Maglagay ng comment dahil hindi ako gagawa ng bago hangga't di kayo nagcocomment. Hehehe!!!

Wednesday, April 27, 2005

One With The Sea

Mukhang sulit ko ang summer this year kasi mukhang nagiging tambayan ko ang beach ngayon. I've been to Galera, Batangas, Tayabas and Zambales all in a span of a month.

Sarap talagang magbeach. Malayo pa lang ako sa dalampasigan ay parang naririnig ko na ang tawag ng dagat. Water is my favorite element lalo na pag seawater. I could spent six straight hours in the water just floating, swimming and diving around. Bagay talaga sa akin ang tawag na syokoy. I really don't mind swimming towards open sea. Although nandon pa rin syempre yung takot na malay mo ay may biglang kumagat sa yo. Tapos pag ok na ako sa isang spot ay doon lang muna ako. Floating at diving lang muna. Wala nga pala akong life vest pag ginagawa yan. Ang hirap kasing magdive pag may life vest.

Beach 01


Sa aming mga beach trips, ako agad ang tumatayong lifeguard. They will always remind me na iligtas sila kung malunod man sila. Bawal na bawal na ako ang malunod!!! Ako rin ang tumatayong tester kung malalim na ba o hindi, kung hanggang saan ang pwede nilang tapakan. Ako rin ang tagatingin kung maraming seaweeds at jellyfish. Tagatingin sa mga sulok ng corals kung may mga urchins. Lifeguard na, water guide pa nila!

Beach 02


At sa tuwing pupunta ako ng beach ay kailangang masunog ang aking katawan. Ok lang sa akin ang umitim. At kailangan ay magkaron ako ng bakat ng googles sa aking mga mata. Wala akong pinipili na oras ng paglusong sa beach. Umaga, tanghaling-tapat o hapon, basta't nandyan ang dagat ay lulusong ako. Nasabi ko na rin bang di ako naglalagay ng sun block? Since lagi naman akong nakalubog sa tubig ay di naman ako nagkaka-sunburn.

Beach 03

Tuesday, April 19, 2005

Sisterly Brother

"Kuya, pakibili naman ako ng pads. Hiningi kasi ni ate yung last one ko." Malamang ay mga girls lang ang makakarelate sa text na to sa akin. Pero, siguro ay nakakagulat din kasi sa akin nagpapabili ang mga kapatid ko ng pads nila. Alam ko kasi kung ano ang brand na ginagamit nila. At di lang yan ang alam ko. Alam ko rin kung ano ang ibig sabihin ng with wings at paano ito gamitin. Alam ko rin yung superstition nila na never ever say yuck. Hahaha!!! mga girls lang ang makakarelate dyan!!

Apat kaming magkakapatid, panganay ako tapos ay puro babae na. Misdeal kung iisipin. Pero para sa akin ay jackpot ang pagkakaroon ng all girls na kapatid. Biruin nyo, tatlo agad ang advisers ko pagdating sa mga girls. May mapapagtanungan agad ako kung ano ang dapat gawin. May consultant ka na, may tagalinis ka pa ng kwarto. San ka pa? Hahaha!!!

Our parents raised us well but quite differently. Normally, dapat ay hiwalay ang mga rooms namin since lalaki ako at sila ay babae. Pero, iba ang ginawa nila. They only gave us one room. We sleep together in one room, we dressed up in the same room, we study in the same room. In short, we all grew up in the same room. Kaya nga pagdating sa mga "girlie girl" stuffs ay hindi ako masyadong nangangapa.

Kaya nga, for me, very normal na ang mga ganyang text message. Buti nga at pads lang ang pinabibili sa akin at hindi bra!!!

Friday, April 15, 2005

Fight to Live

I will try may very best not to die in the following manners. Talagang laban para mabuhay!!!

Be eaten by any creature.
I will not allow myself to be devoured by any creature, land, water or air-based animal. Di ko papayagan na ako'y lamunin ng leon o tigre, kainin ng pating o piranha, lingkisin ng sawa at pagpyestahan ng mga buwaya.

Be burned alive
Hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi masunog ng buhay. Ok lang sa akin ang mamatay muna dahil sa pag-inhale ng usok kesa masunog muna. Pero ,come to think of it, di rin ako papayag na mamatay sa sunog!!!

Natural Disaster
Kung tulog ako, ok lang. Pero kung hindi naman ay nasa "will to survive" mode tayo. Kung kinakailangang kumapit ako sa puno para hindi tangayin ng baha ay gagawin ko.

Airplane Crash
Even if there is a slim chance of survival ay laban pa rin ako. Basta malampasan ko lang yung mismong crash impact ay madali na ang kasunod kasi, for sure, ay may rescue team namang pupunta. Paano kung sa disyerto magcrash landing?

Hunger
Kung pati damo ay dapat kong kainin ay kakainin ko, hwag lang mamatay na dilat ang mata.

Ilan lang siguro ito sa mga ayaw kong paraan ng pagkamatay. Syempre, kung mamatay din lang ako ay syempre yung matiwasay at painless. O kaya naman ay yung patay agad, wala ng hirap. Kung mahulog man ako sa building o maputol ang lubid ng parachute ko, gusto ko tepok na agad. Hindi yung mabubuhay ka pa!!!

Monday, April 11, 2005

Revival Songs

Napadaan ako sa isang record bar at napansin ko na halos lahat ng mga newly released OPM albums ay puro revival songs. It's nice to hear again songs from the past. Mga kantang hindi alam ng iba na matagal na palang nagawa ng iba na kung di pa ni-revive ay di pa nila malalaman na meron pala nun.

Nakakatawa nga kasi minsan pag sinasabi kong revival yung isang kanta ay nagugulat sila kasi akala nila ay bagong kanta yun. Pupuntahan ko ang aking baul at huhugutin yung original version tapos ipaparinig sa kanila. After hearing both version ay tinatanong ko sila kung alin ngayon ang mas maganda. Syempre sila, doon sa revived version at ako naman ay sa original version.

My sisters are all for revival version. They asked me to buy the revived version of "Love Moves(In Mysterious Ways)". Sabi ko naman ay hwag na lang kasi meron na naman akong kopya nun. Pareho lang naman yung lyrics at konti lang ang pinagkaiba sa tono. Di talaga ako dapat bibili kaya lang nung makita ko yung revival list ay nagbago agad ang isip ko. May "Through the Fire" ka na, may "Stay(With Me)" at "Piano in the Dark" ka pa! Saan ka pa, di ba? Bumili agad ako ng dalawang copy, isa para sa kapatid ko at isa para sa akin. Ayaw ko nga ng may kaagaw!!!

Wednesday, April 06, 2005

Annual PE Moments

Last Monday, we went to the clinic to take our annual physical exam. Normally ay hindi ako nagpapacheck-up kasi ramdam ko naman kung may sakit ba ako o wala. Kaya lang in line with my previous post ay naisipan kong humingi ng opinyon sa aming mga doctor kung in good condition ba ako o hindi. Malay nyo may cancer na pala ako o kaya naman ay TB. Mabuti ng malaman ng maaga para magamot agad kasi nga malayo-layo pa ang lalakbayin ko.

At the check-up, humingi sila ng urine at blood sample. Kinunan din nila ng X-ray ang lungs ko. After that ay dental check-up naman. Yung urine, blood and X-ray results ay next week ko pa malalaman kung ok o hindi. Sa estimate ko naman ay di ako magkakaproblema sa urine at blood sample since ang drugs lang na iniinom ko ay Ponstan. Ganon din siguro sa X-ray results, wala naman akong problema sa paghinga at di pa naman ako umuubo ng dugo. Ok din naman yung dental check-up ko, sintibay ng bato at sintatag ng bloke ng semento ang mga ngipin ko.

After ng dental check-up ay yung mismong physical exam na. Ok naman ang lahat. Pero ang ikwekwento ko na lang ay ang mga pasaway moments ko during the physical. Hahaha!!!

---

Doctor: Blood type?
Calc: Normal naman po.
Doctor: Hindi yun, A, B, AB or O ka ba?
Calc: A?
Doctor: Are you sure?
Calc: B?
Doctor: Ano ba talaga?
Calc: Can I call a friend?

---

Doc: Eye exam muna tayo. Tingin sa taas
(tingin naman ako sa taas)
Doc: Tingin sa baba
(tingin naman ako sa baba)
At this point ay hindi ko alam na tapos na pala ang eye exam. Nasa ear exam na pa kami.
Doc: Tingin sa kanan
(eh di tingin naman ako sa kanan syempre gamit yung mata)
Doc: Kasama po ang ulo!!
Calc: Dapat po ay "lingon" at hindi tingin.

---

Doc: Pakibasa yung eighth line.
(Walang line number yung chart)
Calc: Eighth line mula saan po? mula sa taas o mula sa baba?
Doc: Mula sa taas
Calc: Paano po ang basa ko? Simula sa kanan o simula sa kaliwa?
Doc: Simula sa kaliwa

Halos yung buong physical ay puro pasaway moments. May allergy daw ba ako o wala? Allergy po saan? Ang gulo naman kasing magtanong ni Doc. May high blood daw ba ako o wala? Sabi kung minsan meron, minsan wala, depende sa okasyon. Hahaha!!!

Medyo nakakatawa rin itong policy namin dito. Sira-katawan, di pwede. Sira-ngipin, di pwede. Pero sira-ulo, pwede!!! Malusog na katawan, pasado. Matibay na ngipin, pasado pa rin. Pero papasa kayo ako kung may psychiatric check-up? Hahaha!!!

Sunday, April 03, 2005

Aiming for 125

There is one record in the Guinness book of records that I am aiming to break. I will try to become the oldest human in the world. At ano ba ang age ng oldest human on record? 122 years old lang naman.

1980 ako pinanganak. Plus 125 years is 2105. Ibig sabihin ay 100 years pa ang lalakbayin ko para ma-break ko yung record. Wala pa ako sa kalahati!!! Kung di ko man kayanin ang 125 years ay ok na ang 123 years. Basta lang ma-break ko yung record ay ok na sa akin.

Meron na nga akong authenticated birth certificate para kung mareach ko yung target age ko ay hindi magkakaron ng problema sa documentation ng aking record. Mahirap na!!! Baka magkadayaan pa!!!

At pag dumating ang panahon na makuha ko na ang record for being the oldest man ever to lived ay syempre ilalagay ko rito sa blog ang achievement kong ito. Come to think of it, I would also become the oldest blogger on record. Hahaha!!! Naiimagine ko ngayon ang itsura ko habang nagcocompose ng blog entry 100 years from now. Sana ay mabasa nyo rin ito!!! Kita-kits tayo sa 2105!!!

Monday, March 28, 2005

Sleeping Habit

Matatawag bang talent kung ikaw ay walang problema sa pagkuha ng tulog? Ako kasi ay hindi nahihirapan. Halos kahit saan, kahit anong posisyon at kahit anong kondisyon, basta pwede kong ipikit ang mga mata ko ay ok na sa akin.

Nakahiga, nakaupo o nakadapa ay makakatulog ako. May unan o wala ay makakatulog ako. Kama, banig, papag, duyan, upuan, sofa, sahig, karton ay makakatulog ako. Nakabukas man o nakapatay ang ilaw ay makakatulog ako. Maingay o tahimik ay makakatulog ako. Maginaw o mainit ay makakatulog ako. May kasamang humihilik o wala ay makakatulog ako. Nasa bus, jeep, taxi ay makakatulog ako.

Medyo mababaw nga lang ang tulog ko. Isang kalabit lang sa akin ay magigising na ako. Merong iba sa atin na pagkagising ay di mo makausap ng maayos at kung minsan naman ay galit pa. Kung gigising nyo man ako ay wala kayong ipangangamba kasi pwede na agad akong kausapin at hindi ako mangangagat.

Talent din ba yung magising sa oras ng kahit walang alarm clock? Para kasing may built-in ako na pag sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong gumising ng ganitong oras ay nagigising naman ako. Syempre as a precaution, I also set the alarm clock in my cellphone. Pero there are many times na mas nauuna pa akong magising kaysa sa alarm clock.

Isang bagay lang ang hindi magpapatulog sa akin, masakit na ulo. Kaya ko pang tiisin ang sakit ng ngipin, sakit ng tyan o kahit ng buong katawan. Pero masakit na ulo lang ang hindi ko kaya. Talagang kahit anong pilit kong matulog ay hirap ako. Kailangan muna akong uminom ng painkiller bago matulog.

Pero kung ok naman ang lahat ay eto ang ideal sleeping habit ko. Syempre, may kamang malambot, dalawang unan, isa para sa ulunan at isa para yakapin. May kumot na nakareserba, in case na biglang lumamig o kaya naman ay kung maraming lamok. May electric fan na nasa number 1 at naka-steady lang. Tahimik at nakapatay lahat ng ilaw.

At dahil puro tulog ang pinagsasabi ko ay inaantok tuloy ako!!!

Sunday, March 20, 2005

Speech Invitation

Mukhang hindi ko matutupad ang pangako na ilagay dito ang "inspirational" speech ko. At the last minute kasi ay naisipan kong palitan ang format ng sasabihin ko. Pakiramdam ko kasi ay aantukin ang mga awardees. Kaya para naman hindi magkaganon ay binago ko ang speech ko. I made some outline tapos in-between ay gagawin ko na lang na extemporaneous. Gusto ko kasi nung atmosphere na parang nakikipag-usap lang ako sa kanila. Nandon pa rin syempre yung mga pasaway kong comments, profound quotations at ang stage presence.

Maganda naman ang kinalabasan ng ginawa ko. I managed to make my dialogue light, entertaining and inspiring. Light kasi tingin ko naman ay nakuha ang attention nila. Entertaining kasi may audience participation at nakaka-relate sila sa mga sinasabi ko. Inspiring... eto ang ewan ko lang. It depends na lang siguro kung sasapol sa kanila. I focused my message on character building and giving the best in everything you do.

Syempre, nilagyan ko rin ng pasasalamat sa mga dati kong teacher. Biruin nyo, bagsak ako sa speech nung high school tapos eto ako ngayon, inimbitahan para magdeliver ng isang inspirational message sa kanila. After nung delivery ko ay hindi ko inexpect na maiiyak ang ilan sa kanila.

Di talaga ako makapaniwala na magdedeliver ako ng speech sa isang commencement ceremony. I'm really too young to be giving inspirational talk to other people. I haven't accomplished much or contributed anything worthy to society. But when I was at the stage in front of all the student and facing all my former teachers, pakiramdam ko ay, malamang, na nasa tamang landas ako.


Astig ba yung pic? Normal response ang matawa!!!

Sunday, March 13, 2005

Crazy Question

Give at least 3 reasons why I'm crazy.

Tuesday, March 08, 2005

Prequel to a Speech

A few days back, I received a call from my former teacher in highschool. She was inquiring if I could deliver an inspirational speech for the school's awarding ceremony. Ano!!! Ako!! Magbibigay ng isang inspirational speech. After checking my time table with the school's awarding event, I agreed with their invite. Sayang kasi yung tawag nila, Smart to Globe pa naman yun tapos nakaprepaid pa.

That call was really out of the blue. It caught me off guard with no words to say. If that call was a bullet, I would have been dead by now. Even after the call, I still can't believe that I was asked to deliver a speech.

I already made a speech template for the event. Kaya lang nung binabasa ko na ay para ka na ring nagbasa ng blog ko. At kung kayo ay pamilyar sa aking mga blog ay puro mga pasaway ang nakalagay dito. Undecided pa kasi ako ngayon kung gawin ko ba yung speech in a formal or casual way or a combination. Should the message be in pure English, pure Tagalog or a combination? Should I prepare a speech or just let the words flow, extemporaneous ika nga? Pati nga kung anong susuotin ko ay pinag-iisipan ko pa!!!

Mas sanay kasi akong gumawa ng acceptance speech kaysa mga motivational at inspirational speech. Sa acceptance kasi magpapasalamat ka lang sa mga dapat pasalamatan, pwede na. Pero pag mga inspirational speech, kailangan ay manggagaling ito sa mga experiences mo. Hindi naman pwedeng basta ko na lang sila bigyan ng "to give light to those who are living in the darkness" speech, it has to be more than that.

Im not really aiming for something that is purely inspirational. Baka pati ako ay ma-inspire sa sarili kong speech. I'm trying to focus my message on something that will empower and motivate them. Sabi nga ni Sharon Cuneta,
"High school life, on my high school life
Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school day
Are exciting, kay saya."


Ang ganda-ganda ng simula ng paragraph mo bigla kang kakanta ng "high school life, on my high school life"!! Paano pa kaya yang speech mo?!!

I'll be posting my speech after I delivered it on March 18. Kayo ng humusga kung inspiring ba ito o isa na namang "blog ni calculus"?

Thursday, March 03, 2005

No Credit PLEASE!!!

Kung wala akong ATM, mas lalong wala akong credit card. Everytime na may tatawag dito asking me to apply for a credit card, isa lang ang sinasabi ko sa kanila agad, "Im so sorry, mam/sir, but I don't use credit card when doing my transactions. Cash-basis lang po ang alam ko". Bakit kailangan mong utangin kung pwede mo namang bayaran? Ang laki pa ng interest rate nila!!! Biruin mo, you have to pay your credit plus the interest. Aba'y marami ka ng pwedeng gawin dyan sa interest na ibabayad mo sa kanila.

When our pay slip arrives, sa withholding tax lang ako napapailing. Then, I'll allocate what remains to bills, gimiks and miscellaneous. Not the same with my officemates kasi yung pang-gimik nila ay napapalitan ng pambayad sa credit card. Kaya pag nagkakayayaang lumabas ay medyo nagdadalawang isip muna sila.

I will admit that it's convenient to carry a credit card. Just hand it over, swipe, sign and it's done. Ang ganda pang tingnan, di ba? Pero ewan ko ba, walang talagang appeal sa akin ang gumamit ng ganyan. Mas mura kasi pag binili mo ng cash ang isang bagay kaysa pag ginamitan mo ng credit card.

Mawalan man ako ng wallet uli ay ok lang. Wala ng ATM, wala pang credit card. Kung may pera man sa loob ay si Manuel Quezon lang ang makikita nila ron. Hahaha!!!!

Sunday, February 27, 2005

"ATM"less

It has been 2 years since I last used an ATM card. After weeks of doing cash withdrawal, "over-the-counter" way, I found out that it's been very convenient and efficient in my part. And it's been like that up to now.

Bakit naman?

I realized that I always withdrew a fixed amount of money. Hindi naman ako magastos na tao kaya tumatagal sa akin ang pera. If I made a transaction on a Monday, Wednesday next week na uli ang susunod. I know na hindi kapani-paniwala. Hindi naman ako kuripot kaya nga lang if I were to buy things, naghahanap pa ako ng logic o kaya ng purpose kung dapat ko nga bang bilhin ito. Hindi rin naman ako magastos pagdating sa pagkain. Skyflakes at coke nga lang pwede na sa kin.

Hindi ka ba nahihirapang pumila sa bangko especially during pay days?

I do my banking early in the morning. Close pa lang yung sign sa bank door ay nakapila na ako. Since 9 am ang bukas ng bangko, mga 8:55 ay naghihintay na ako. I also have the withdrawal slip with me. Nakalagay na doon kung magkano ang kukunin. So, when the bank opens, all I have to do is fall in line at dahil nga maaga ako ay kalimitan una ako sa pila. Then, I'll be withdrawing an amount that is good for two weeks. Kasama na dyan ang lahat-lahat; gastos, gimik, emergency.

Eh di ang laki ng cash withdrawal mo?

Hindi naman ganon kalaki. Nasanay na siguro ako kung magkano ang kukunin. And besides, hindi ko naman nilalagay lahat sa wallet ko. I'll leave some cash here in the office, sa bahay, sa alkansya ko at yung matitira naman ay sa wallet ko. Ok lang pati sa part ko na mawalan ng wallet. Since wala naman akong ATM, wala akong masyadong aalalahanin. Magsawa sya sa mga papel na nandon.

Kung ganon naman pala ay pahiram naman ako dyan.

Wala akong dala ngayon.

Eh di mag-over the counter ka!!!

Di pwede

Bakit?

Sarado na ang bangko!!! Hahahaha!!!!

Monday, February 21, 2005

10 Seconds

I don't know if you can call it a gift or talent but I seemed to have the eye to see 10 seconds into the future. Not really "see" into the future but a feeling on what will happen. Maybe my compulsion to anticipate things is the reason for this ability to be developed.

So what's good in having that 10-seconds window into the future? For one, you won't have to wait long for me to answer the phone. Hindi pa tapos yung first ring ay ako na agad ang kausap mo. Same goes with text and email messages. I also don't have to wait long in lines kasi may insight na ako kung alin ang mabilis. And it's rare for me to be late. Bihira kasi akong maka-encounter ng red lights. Never pati akong nasurprise sa mga surprise exams, surprise inspection at surprise party.

Sometimes, I would receive the "bewildering" looks from people during meetings. They are thinking of questions about the topic then suddenly I would discuss the answer without them asking about it. They would go like, "binabasa mo yata ang isip namin". Para tuloy nagiging magic show ang mga meetings namin.

There's also a downside especially when the future suddenly changes. Minsan may dala akong payong kasi akala ko uulan. I overbuy and "double-buy" things. When given instructions, sometimes, I don't pay much on details. When it comes to game especially card and video games, kasunod na agad sa akin ang "walang dayaan". Madalas ko ring kaaway ang mga documenters namin dito sa office. Two weeks ang nakaset para sa isang computer system pero after three days, ready for testing na agad yung version 1.

Right now, I'm trying to improve it by making the 10 into 15. And do you know what will happen 10 seconds from now? Well I do ... 10 seconds from now, you'll be placing a comment about this post.

Monday, February 14, 2005

Search Cost of Love

Finding your soulmate requires you to spend time, money, and energy to find him/her. The equation for search cost is:

search cost = your attractiveness + social networking skills + search time cost + search financial cost

Attraction
Attractiveness refers to your ability to attract potential lovers. Attractive people meet potential lovers easier than less attractive people. They are approached more often and are invited to more social events. Attractiveness is more than physical appearance. Factors that influence attractiveness will be explained in, Rules of Attraction, which will be tackle in future blogs or may depend on reader's demand.

Social Networking Skills
Falling in love is a numbers game. The more people you date, the better your odds of finding your soulmate. You meet potential dates by having a large social network. Social networking skills are skills that allow you to expand and maintain friendships. Examples of social networking skills are abilities to initiate a conversion, to follow up on new friends, or to maintain existing friendships. Expanding and maintaining your social network require you to have good etiquette, good hygiene, and communication skills. More elaboration in this topic can also be made based on reader's demand

Search Time Cost
How much time do you have to search for your soulmate? Great social networking skills are worthless unless you have time to use them. You need time to maintain your existing circle of friends and extra time to expand your network to find your soulmate. That means you need to allocate time to go to clubs, bars, and other social events. Search time cost increases as your selectiveness increases. Search time cost is mathematically written as:

search time cost = free time x selectiveness

Search Financial Cost
Search financial cost is the amount of money you spend to expand and maintain existing social networks. The bigger your social network is, the more money is needed to maintain it. If you are selective, you will need a bigger social network to find your soulmate. Mathematically, search financial cost is written as:

search financial cost = social network size x selectiveness

Financial Cost to Expand and Maintain Existing Social Network Size
Expanding and maintaining your social networks require you to invest financially. That means money for buying drinks, dinner, club cover charges, association membership fees, phone bills, and gas to travel. For productive people, search time cost translates to search financial cost. You could have used the time wasted on dating to further your career.

Monday, February 07, 2005

Meaningless Precision

Napapailing ako minsan pag nagbabasa ng mga recipe sa cookbook. Recipes will usually ask for about a cup of this, a few teaspoon of that, a pinch or dash of something, five or six slices of something more and a couple drops more of something to taste. No objection on these instructions. Ok na sana kaya lang bigla kong mababasa sa baba ng recipe, 5 servings with 865 calories, 533 milligrams of sodium and 32.6 grams of fat per serving.

So what's wrong with this picture? Well, for one, those numbers are much too precise, given what went into computing them. The 5 in 865 is completely meaningless, and the 6 is also irrelevant. The 8 is the only significant number here.

It would make more sense if you'll say that each serving will have 800 to 900 calories or an estimate of 700 - 900 calories would be even better. An added benefit for having a reasonable range of numbers rather than a figure of meaningless precision is that one is not as tempted to swell the recipe and pretend that one is consuming only 865 calories.

Friday, February 04, 2005

Upcoming Blogs

Watch out for these blogs in the future...

Meaningless Precision
A blog about recipe measurements and calorie computation. An eye-opener for the health conscious.
Rating: 4 stars

Don't Blame Global Warming!!!
A blog about the other side of global warming. Is there really global warming or is it really just in our heads?
Rating: Unrated

Old School Cartoon
A blog reminiscing Bioman, Shaider and Maskman.
Rating: 4 stars

Butong Pakwan
A blog giving tribute to those crazy nuts and the "butong-pakwan" opener.
Rating: 4 stars

10 seconds
A blog experience showing a glimpse 10-seconds into the future.
Rating: 5 stars

ATM-less
A blog experience on why the author gave up the ATM card.
Rating: 5 stars

No Credit, Please!!!
A sequel to ATM-less blog about the author's life without credit card.
Rating: 5 stars

Blogs are subject to change without prior notice

Sunday, January 30, 2005

What-you-want-to-be

Come to think of it, I didn't and don't have any childhood ambition. Tinanong kasi ako ng 7-years-old kong pamangkin, "Kuya, ano bang gusto mong maging nong maliit ka pa?" I just answered her na "wala". Remembering hard and as far as possible, I really didn't have any wish to guide me on what to become in the future. No ambition to guide me on what path to take. No dream to become a doctor, a lawyer, an architect or anything in the future.

Even when I was about to enter college, I have no clear course to take. I never went to any entrance exam review, never did any college school hunting and never paid any attention to career symposiums. I just took my father's suggestion to take computer science in UST.

Fast forward into the present, eto na ako ngayon. Masaya naman ako rito sa workplace ko. No regrets and enjoying every moment of it. Napapaisip tuloy ako ngayon kung bakit nga ba wala akong "what-you-want-to-be" na dream nung bata.

Kasi naman 'tong pamangkin ko!!!!

Thursday, January 27, 2005

Fighting Back

There comes a point in one's life where you really have to fight for what you believe in. Kahit na makalaban mo pa ang pamilya mo ay gagawin mo ito dahil alam mo na tama ka at nasa katwiran. Deep inside of me, I know that this point will eventually come, that I must, without any doubts and hesitations, step forward and fight back to them. I prayed that I can live this lifetime without ever facing this crossroad. But, last night, it finally revealed itself to me....

Calc: Sa pagkakataon pong ito ay hindi ko kayo masusunod. Alam kong mabuti ang mga intensyon nyo sa akin pero sana naman po ay pakinggan nyo naman ako.
Dad: Matagal na ako rito sa mundo kaya mas alam ko kung ano tama.
Calc: Noon ay pwede nyong gawin yan pero ngayon ay hindi na. Malaki na po ako.
Dad: Basta ang alam ko ay pwede itong word na "QWAZ".
Calc: Wala nga pong word na "QWAZ"!!! Kahit saang dictionary nyo tingnan ay wala po talagang "QWAZ".
Dad: O sya sige na nga. Panalo ka na sa scrabble.

Masakit pero kailangang ipaglaban ko na wala talagang "QWAZ".

Thursday, January 20, 2005

Good Luck and Bad Luck

There is this belief within the gambling circle that the more often you win or lose, the more likely your luck will change on the next try. Halimbawa ay sa toss-coin. si player X ay tumataya sa head 10 times on a row. Ngayon sa pang-eleventh na toss-coin ay ginawa nyang tail ang taya nya kasi ang reasoning nya ay kanina pa sya head kaya malamang na maging tail yung kasunod. Ang tawag dito ay gambler's fallacy. Fallacy ito kasi kahit na 100 toss pa yan ay hindi naman nagbabago ang probability ng coin.

Ganito kasi ang thinking ng iba sa atin. Swerte, swerte, swerte, swerte, swerte. After ng hanay ng swerte ay iisipin naman na malas na ang kasunod kasi puro swerte na ang dumating sa atin. Kung iisipin, logical nga naman. May araw at may ulan, may summer at may winter, may tagsarap at may taghirap. Natural na dapat ay merong panahon ng swerte at may panahon ng malas. This, for us, is also a fallacy.

Having a good career is not luck but a product of hard work. Having good grades is not luck but a product of perseverance. Having a good lovelife is not luck but a product of commitment. Having a healthy lifestyle is not luck but a product of dedication.

Some people say that bad things happen to good people. Ang kontra ko naman dyan ay worst things happen to bad people. Part ng buhay ang mga pagsubok. Everybody has to face it one way or the other. Everyone who gives up will find a world full of bad luck and everyone who fights will have the good side of life. Death is not malas but a reality. It reminds us to cherish every moment because it will never come again. For what we leave behind is not as important as how we've lived.

Luck is just a human perception created by society. Walang swerte at malas nung panahon ng mga caveman. "Everything that can go wrong will go wrong" because everything that starts wrong will sometimes ends up wrong. Vice-versa rin naman yang "Murphy's law" na yan. "Everything that can go right will go right". In tagalog, "Lahat ng kumanan ay nasa kanan". Konting smile naman dyan....

So in short, what's your point?

No point. It's just disheartening for me to see good and brilliant people reducing their efforts and hard works to almost nothing and attributing their rewards to luck. Sayang naman, di ba? A "string of good luck" will never be followed by a "string of bad luck" unless one wants it to be.

Sunday, January 16, 2005

Pasaway Moments

Officemate na nasamid: Number, number!!!
Calc: 1,345,239
Officemate: Hanggang 26 lang
Calc: -13
Officemate: Between 0 and 26!!
Calc: 7.68
Officemate: Whole Number!!!!
Calc: 17
Officemate: Anong letter yun?
Calc: Letter Q!!! Hahaha!!! Akala mo ha?!!
(pwede ring number 24, 25 at 26... hehehe!!!)

-o-o-o-

Kakilalang ubos na ang load: Pashare a load naman?
Calc: Magkano?
Kakilala: Kahit magkano?
Calc: O ayan, nashare na kita. Hintayin mo na lang
Kakilala: WOW!!! Grabe, piso!!! Salamat ha!!!
Calc: Sabi mo kahit magkano!!!
(sana pwede ang 50 centavos)

-o-o-o-

During a presentation...
Questioner: Can you explain how it works?
Calc: I don't know how but the important thing is it works!!!
(requires precision timing and mastery of moment to pull off)

-o-o-o-

After a long(as in 20 minutes) and technical(as in "super-purely" technical) speech made by a presentor during another meeting...
Calc: That was a very interesting explanation. In short, what do you mean?
(Again, requires timing to pull off successfully)

Monday, January 10, 2005

A Different Kind of Blog

In an effort to create a blog that is different from the usual blog I make, I, somehow, managed to come up with this post. Each word was carefully chosen, every idea was carefully molded and carefully connected in order to arrive on a post that is deeply profound yet easy to grasp. And without further delay, I present my blog for the week...

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang lang ang pera
Pambili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako

I thank you!!!!

Monday, January 03, 2005

First Blog for 2005

Kapapasok palang ng taon ay wala na agad akong maisip na gawing blog. Kanina pa ako nakatingin sa monitor pero wala talaga akong maisip.

Bat di mo ikwento yung bagong taon mo?

Masyadong ordinaryo. Syempre kasama ko buong pamilya ko. Nagpaputok, kumain, tumalon tapos nagpaputok uli. Kahit na muntik na akong maputukan ay tuloy pa rin ang ligaya. Yun lang....

Eh yung mga naputukan ngayong 2005?

Ayaw ko rin nyan. Taun-taon na lang yan. Napanood ko nga sa MGB yung report nila. Parang sila rin yata yung naputukan nung 2004. Parang nakakasanay na ang makakita ng gutay-gutay na kamay, lapnos na mukha, umiiyak na bata dahil sa sakit at mga lasenggong natanggal ang kalasingan.

Yung mga biktima ng tsunami na lang kaya?

Yan sana kaya lang ano pa ang ilalagay ko. Nung magbasa ako ng blog ng iba, nasabi na nilang lahat. Wala ng itinira para sa akin.

Kwento mo kaya yung gagawin mo para sa Valentines?

Wala naman sa timing yan! Gusto ko medyo malapit sa New Year's.

Eh di yung New Year's Resolution mo?

Iisa lang naman ang resolution ko taun-taon. "I will not make a new year's resolution". Ano pa ang ieexplain ko dyan?

Gumawa ka na lang kaya ng tula?

Nagawa na ni chigo yan. Gusto ko medyo original ang first blog ko para sa 2005.

Bat naman kailangang original? Ang arte mo naman!!!!

Basta!!! Hwag ka ngang magulo at nag-iisip ako!!

Wala ka sanang maisip!!!