Sunday, February 27, 2005

"ATM"less

It has been 2 years since I last used an ATM card. After weeks of doing cash withdrawal, "over-the-counter" way, I found out that it's been very convenient and efficient in my part. And it's been like that up to now.

Bakit naman?

I realized that I always withdrew a fixed amount of money. Hindi naman ako magastos na tao kaya tumatagal sa akin ang pera. If I made a transaction on a Monday, Wednesday next week na uli ang susunod. I know na hindi kapani-paniwala. Hindi naman ako kuripot kaya nga lang if I were to buy things, naghahanap pa ako ng logic o kaya ng purpose kung dapat ko nga bang bilhin ito. Hindi rin naman ako magastos pagdating sa pagkain. Skyflakes at coke nga lang pwede na sa kin.

Hindi ka ba nahihirapang pumila sa bangko especially during pay days?

I do my banking early in the morning. Close pa lang yung sign sa bank door ay nakapila na ako. Since 9 am ang bukas ng bangko, mga 8:55 ay naghihintay na ako. I also have the withdrawal slip with me. Nakalagay na doon kung magkano ang kukunin. So, when the bank opens, all I have to do is fall in line at dahil nga maaga ako ay kalimitan una ako sa pila. Then, I'll be withdrawing an amount that is good for two weeks. Kasama na dyan ang lahat-lahat; gastos, gimik, emergency.

Eh di ang laki ng cash withdrawal mo?

Hindi naman ganon kalaki. Nasanay na siguro ako kung magkano ang kukunin. And besides, hindi ko naman nilalagay lahat sa wallet ko. I'll leave some cash here in the office, sa bahay, sa alkansya ko at yung matitira naman ay sa wallet ko. Ok lang pati sa part ko na mawalan ng wallet. Since wala naman akong ATM, wala akong masyadong aalalahanin. Magsawa sya sa mga papel na nandon.

Kung ganon naman pala ay pahiram naman ako dyan.

Wala akong dala ngayon.

Eh di mag-over the counter ka!!!

Di pwede

Bakit?

Sarado na ang bangko!!! Hahahaha!!!!

No comments: