Monday, April 17, 2006

Bora

Sa isang tindahan sa Boracay...

Saleslady: Sir, bili na kayo ng T-shirt. Sale po kami.
Calc: Lahat ng size?
Saleslady: Yes sir. Pili na lang po kayo ng design na gusto nyo.
Calc: Meron ba kayong T-shirt na may tatak na "Puerto Galera"?

Wednesday, April 05, 2006

Pandesal

My sister took baking classes a few weeks back. Niloloko ko pa nga kasi may kapatid na akong panadero!!! Hahaha!!! Minsan, nagtext sya sa akin...

Sister: Kuya, bumili ka naman ng keso. Ang bilhin mo yung Queso na brand.

Eh di ako naman, bili ng keso. Gusto nya Queso na brand, eh di yun ang binili ko. Para syempre sa baking class nya yung keso. Supportive ako eh. Gabi na ako nakauwi. Medyo gutom na gutom na...

Sister: Kuya, nakabili ka ba?
Calc: Eto..

Matapos kong iabot yung pinabili nya ay pumunta na ako sa mesa para maghapunan...

Calc: Bat walang nakahain? Di ka ba nagluto?
Sister: Kararating ko lang din eh...
Calc: Anong kakainin ko?
Sister: Kainin mo na lang itong pandesal na ginawa namin. Andami kasi eh
Calc: HAAA!!! Pandesal ang hapunan ko?!!
Sister: Oo...
Calc: Anong palaman ko rito?!!
Sister: Itong kesong binili mo...
Calc: HHHAAAA!!!!! Akala ko ba sa class mo yan?
Sister: Hindi noh! Palaman para sa pandesal ito...
Calc: Haaay!! Panalo ka talaga!!! As in, talagang may brand ka pang binili. Makabili nga ng liver spread!!!

Sunday, April 02, 2006

Quote

"Alone but not lonely"