Monday, December 25, 2006

Christmas Henyo

Hiniram namin yung Pinoy Henyo na game kanina. Kapartner ko yung pamangkin ko at ako ang huhula kung ano yung nilagay nila sa taas ng ulo ko...

Calc: Tao ba to?
Pamangkin: Hindi
Calc: Hayop?
Pamangkin: Hindi
Calc: Bagay?
Pamangkin: Hindi
(Dito pa lang eh nagtaka na ako. Hindi tao, hindi hayop, hindi bagay)
Calc: Sigurado ka ba?
Pamangkin: Oo, kuya!!
Calc: Supernatural bang nilalang ito? Anghel? Dyablo?
Pamangkin: Hindi rin!
(Nakaisip ako ng bagong strategy)
Calc: Solid ba ito?
Pamangkin: Hindi
Calc: Liquid?
Pamangkin: Hindi
Calc: Gas??
Pamangkin: Hindi rin!
(Ang lupit naman nitong binigay sa akin!!! Wala na talaga akong maisip kung paano mahuhulaan)
Calc: Kinakain ba ito?
Pamangkin: Hindi
Calc: Nakikita ba sa loob ng bahay?
Pamangkin: Hindi
Calc: Sa garden?
Pamangkin: Hindi pa rin
Calc: Sasakyan?
Pamangkin: Hindi pa rin
Calc: Noun ba ito?
Pamangkin: Oo!!
Calc: Number ba ito?
Pamangkin: Hindi

Hanggang sa naubos ang oras sa kakaisip kung paano ko mahuhulaan. Pag tingin ko sa ibinigay sa akin eh talagang napamura ako sa kakaibang diskarteng ibinigay nila sa akin.

Calc: @$#%*! naman tong binigay nyo sa akin!! PALOSEBO!!!

Wednesday, December 20, 2006

Adventure

Minsan talaga eh may pagkakataon na nawawala sa sarili ang isang tao tulad nitong nakasabay ko...

Pasahero 1: Ilan ba tayo?
Pasahero 2: Walo
Pasahero 1: Eh di sasabihin ko sa driver na walo tayo?
Pasahero 2: Natural!! Alangan namang pito ang sabihin mo!!!

May pagkakataon naman na nabibingi ang isang tao katulad nitong nakasabay ko minsan...

Driver: Etong sukli sa 50 pesos.
Calc: sukli raw po sa 50 pesos.
(walang nagrereact)
Pasahero 1: sukli raw sa 50 pesos.
(wala pa ring nagrereact)
Calc: manong, wala pong kumukuha
Driver: Anong wala?! Eh may hawak akong singkwenta. (tumingin sa amin at medyo malakas ang boses) Sinong nagbigay nitong singkwenta?!
(wala pa rin talagang nagrereact. nagtitinginan na kami sa loob)
Driver: (sigaw na talaga) Kaninong singkwenta ito!!
Pasaherong Katabi ng Driver: Aayyy!! Manong, akin po yan!!

Saturday, December 02, 2006

Still Here



... still meditating ...
... IQ still increasing ...
... looking for a worthy opponent still ...