Kung wala akong ATM, mas lalong wala akong credit card. Everytime na may tatawag dito asking me to apply for a credit card, isa lang ang sinasabi ko sa kanila agad, "Im so sorry, mam/sir, but I don't use credit card when doing my transactions. Cash-basis lang po ang alam ko". Bakit kailangan mong utangin kung pwede mo namang bayaran? Ang laki pa ng interest rate nila!!! Biruin mo, you have to pay your credit plus the interest. Aba'y marami ka ng pwedeng gawin dyan sa interest na ibabayad mo sa kanila.
When our pay slip arrives, sa withholding tax lang ako napapailing. Then, I'll allocate what remains to bills, gimiks and miscellaneous. Not the same with my officemates kasi yung pang-gimik nila ay napapalitan ng pambayad sa credit card. Kaya pag nagkakayayaang lumabas ay medyo nagdadalawang isip muna sila.
I will admit that it's convenient to carry a credit card. Just hand it over, swipe, sign and it's done. Ang ganda pang tingnan, di ba? Pero ewan ko ba, walang talagang appeal sa akin ang gumamit ng ganyan. Mas mura kasi pag binili mo ng cash ang isang bagay kaysa pag ginamitan mo ng credit card.
Mawalan man ako ng wallet uli ay ok lang. Wala ng ATM, wala pang credit card. Kung may pera man sa loob ay si Manuel Quezon lang ang makikita nila ron. Hahaha!!!!
No comments:
Post a Comment