Sunday, March 20, 2005

Speech Invitation

Mukhang hindi ko matutupad ang pangako na ilagay dito ang "inspirational" speech ko. At the last minute kasi ay naisipan kong palitan ang format ng sasabihin ko. Pakiramdam ko kasi ay aantukin ang mga awardees. Kaya para naman hindi magkaganon ay binago ko ang speech ko. I made some outline tapos in-between ay gagawin ko na lang na extemporaneous. Gusto ko kasi nung atmosphere na parang nakikipag-usap lang ako sa kanila. Nandon pa rin syempre yung mga pasaway kong comments, profound quotations at ang stage presence.

Maganda naman ang kinalabasan ng ginawa ko. I managed to make my dialogue light, entertaining and inspiring. Light kasi tingin ko naman ay nakuha ang attention nila. Entertaining kasi may audience participation at nakaka-relate sila sa mga sinasabi ko. Inspiring... eto ang ewan ko lang. It depends na lang siguro kung sasapol sa kanila. I focused my message on character building and giving the best in everything you do.

Syempre, nilagyan ko rin ng pasasalamat sa mga dati kong teacher. Biruin nyo, bagsak ako sa speech nung high school tapos eto ako ngayon, inimbitahan para magdeliver ng isang inspirational message sa kanila. After nung delivery ko ay hindi ko inexpect na maiiyak ang ilan sa kanila.

Di talaga ako makapaniwala na magdedeliver ako ng speech sa isang commencement ceremony. I'm really too young to be giving inspirational talk to other people. I haven't accomplished much or contributed anything worthy to society. But when I was at the stage in front of all the student and facing all my former teachers, pakiramdam ko ay, malamang, na nasa tamang landas ako.


Astig ba yung pic? Normal response ang matawa!!!

No comments: