Sunday, May 08, 2005

3310

Since the start of the cellphone age ay isang cellphone pa lang napupunta sa kin. Di pa rin ako nagpapalit hanggang ngayon. Free nga lang yung cellphone na yun kasi nag-open ng bank account si Mama sa bangko. At the time ay ako na lang ang walang cellphone kaya sa akin na agad napunta yun.

Hindi naman sa wala akong pambili pero ayos na sa akin yung matawagan ako ng kahit anong oras, makapagtext kung gagabihin sa pag-uwi at simpleng alarm clock na pang-gising. Kailangan ko lang naman talaga ay yung mga basic features na isang cellphone.

Ano ba ang pwede kong ipagmayabang sa cellphone ko kahit 3310 lang? Maganda ang ringtone nya!! Complete chorus ng "Fantasy" by Earth, Wind and Fire. Kakaiba yan!! Hindi siguro alam ng iba ito pero may built-in anti-virus software ang 3310. Meron din itong built-in na emergency back-up battery. Kahit low-batt na ako ay meron pa akong reserba. Sa lugar na walang signal ay meron akong signal dahil may "interplexing beacon" yata ito. Pero eto ang pinaka-highlight na cellphone ko. Di ito nauubusan ng load kahit prepaid lang. Para ngang "share-a-load" center ako. Hahaha!!!!

Meron ngang mga pagkakataon na pwede kong magpalit, for free pa nga minsan, pero pinasa ko na lang sa mga kapatid ko yung offer. Para kasi sa akin ay masaya na ako at kuntento na ako sa cellphone ngayon. Di ba yun naman ang importante sa lahat?

No comments: