Sunday, January 30, 2005

What-you-want-to-be

Come to think of it, I didn't and don't have any childhood ambition. Tinanong kasi ako ng 7-years-old kong pamangkin, "Kuya, ano bang gusto mong maging nong maliit ka pa?" I just answered her na "wala". Remembering hard and as far as possible, I really didn't have any wish to guide me on what to become in the future. No ambition to guide me on what path to take. No dream to become a doctor, a lawyer, an architect or anything in the future.

Even when I was about to enter college, I have no clear course to take. I never went to any entrance exam review, never did any college school hunting and never paid any attention to career symposiums. I just took my father's suggestion to take computer science in UST.

Fast forward into the present, eto na ako ngayon. Masaya naman ako rito sa workplace ko. No regrets and enjoying every moment of it. Napapaisip tuloy ako ngayon kung bakit nga ba wala akong "what-you-want-to-be" na dream nung bata.

Kasi naman 'tong pamangkin ko!!!!

Thursday, January 27, 2005

Fighting Back

There comes a point in one's life where you really have to fight for what you believe in. Kahit na makalaban mo pa ang pamilya mo ay gagawin mo ito dahil alam mo na tama ka at nasa katwiran. Deep inside of me, I know that this point will eventually come, that I must, without any doubts and hesitations, step forward and fight back to them. I prayed that I can live this lifetime without ever facing this crossroad. But, last night, it finally revealed itself to me....

Calc: Sa pagkakataon pong ito ay hindi ko kayo masusunod. Alam kong mabuti ang mga intensyon nyo sa akin pero sana naman po ay pakinggan nyo naman ako.
Dad: Matagal na ako rito sa mundo kaya mas alam ko kung ano tama.
Calc: Noon ay pwede nyong gawin yan pero ngayon ay hindi na. Malaki na po ako.
Dad: Basta ang alam ko ay pwede itong word na "QWAZ".
Calc: Wala nga pong word na "QWAZ"!!! Kahit saang dictionary nyo tingnan ay wala po talagang "QWAZ".
Dad: O sya sige na nga. Panalo ka na sa scrabble.

Masakit pero kailangang ipaglaban ko na wala talagang "QWAZ".

Thursday, January 20, 2005

Good Luck and Bad Luck

There is this belief within the gambling circle that the more often you win or lose, the more likely your luck will change on the next try. Halimbawa ay sa toss-coin. si player X ay tumataya sa head 10 times on a row. Ngayon sa pang-eleventh na toss-coin ay ginawa nyang tail ang taya nya kasi ang reasoning nya ay kanina pa sya head kaya malamang na maging tail yung kasunod. Ang tawag dito ay gambler's fallacy. Fallacy ito kasi kahit na 100 toss pa yan ay hindi naman nagbabago ang probability ng coin.

Ganito kasi ang thinking ng iba sa atin. Swerte, swerte, swerte, swerte, swerte. After ng hanay ng swerte ay iisipin naman na malas na ang kasunod kasi puro swerte na ang dumating sa atin. Kung iisipin, logical nga naman. May araw at may ulan, may summer at may winter, may tagsarap at may taghirap. Natural na dapat ay merong panahon ng swerte at may panahon ng malas. This, for us, is also a fallacy.

Having a good career is not luck but a product of hard work. Having good grades is not luck but a product of perseverance. Having a good lovelife is not luck but a product of commitment. Having a healthy lifestyle is not luck but a product of dedication.

Some people say that bad things happen to good people. Ang kontra ko naman dyan ay worst things happen to bad people. Part ng buhay ang mga pagsubok. Everybody has to face it one way or the other. Everyone who gives up will find a world full of bad luck and everyone who fights will have the good side of life. Death is not malas but a reality. It reminds us to cherish every moment because it will never come again. For what we leave behind is not as important as how we've lived.

Luck is just a human perception created by society. Walang swerte at malas nung panahon ng mga caveman. "Everything that can go wrong will go wrong" because everything that starts wrong will sometimes ends up wrong. Vice-versa rin naman yang "Murphy's law" na yan. "Everything that can go right will go right". In tagalog, "Lahat ng kumanan ay nasa kanan". Konting smile naman dyan....

So in short, what's your point?

No point. It's just disheartening for me to see good and brilliant people reducing their efforts and hard works to almost nothing and attributing their rewards to luck. Sayang naman, di ba? A "string of good luck" will never be followed by a "string of bad luck" unless one wants it to be.

Sunday, January 16, 2005

Pasaway Moments

Officemate na nasamid: Number, number!!!
Calc: 1,345,239
Officemate: Hanggang 26 lang
Calc: -13
Officemate: Between 0 and 26!!
Calc: 7.68
Officemate: Whole Number!!!!
Calc: 17
Officemate: Anong letter yun?
Calc: Letter Q!!! Hahaha!!! Akala mo ha?!!
(pwede ring number 24, 25 at 26... hehehe!!!)

-o-o-o-

Kakilalang ubos na ang load: Pashare a load naman?
Calc: Magkano?
Kakilala: Kahit magkano?
Calc: O ayan, nashare na kita. Hintayin mo na lang
Kakilala: WOW!!! Grabe, piso!!! Salamat ha!!!
Calc: Sabi mo kahit magkano!!!
(sana pwede ang 50 centavos)

-o-o-o-

During a presentation...
Questioner: Can you explain how it works?
Calc: I don't know how but the important thing is it works!!!
(requires precision timing and mastery of moment to pull off)

-o-o-o-

After a long(as in 20 minutes) and technical(as in "super-purely" technical) speech made by a presentor during another meeting...
Calc: That was a very interesting explanation. In short, what do you mean?
(Again, requires timing to pull off successfully)

Monday, January 10, 2005

A Different Kind of Blog

In an effort to create a blog that is different from the usual blog I make, I, somehow, managed to come up with this post. Each word was carefully chosen, every idea was carefully molded and carefully connected in order to arrive on a post that is deeply profound yet easy to grasp. And without further delay, I present my blog for the week...

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang lang ang pera
Pambili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako

I thank you!!!!

Monday, January 03, 2005

First Blog for 2005

Kapapasok palang ng taon ay wala na agad akong maisip na gawing blog. Kanina pa ako nakatingin sa monitor pero wala talaga akong maisip.

Bat di mo ikwento yung bagong taon mo?

Masyadong ordinaryo. Syempre kasama ko buong pamilya ko. Nagpaputok, kumain, tumalon tapos nagpaputok uli. Kahit na muntik na akong maputukan ay tuloy pa rin ang ligaya. Yun lang....

Eh yung mga naputukan ngayong 2005?

Ayaw ko rin nyan. Taun-taon na lang yan. Napanood ko nga sa MGB yung report nila. Parang sila rin yata yung naputukan nung 2004. Parang nakakasanay na ang makakita ng gutay-gutay na kamay, lapnos na mukha, umiiyak na bata dahil sa sakit at mga lasenggong natanggal ang kalasingan.

Yung mga biktima ng tsunami na lang kaya?

Yan sana kaya lang ano pa ang ilalagay ko. Nung magbasa ako ng blog ng iba, nasabi na nilang lahat. Wala ng itinira para sa akin.

Kwento mo kaya yung gagawin mo para sa Valentines?

Wala naman sa timing yan! Gusto ko medyo malapit sa New Year's.

Eh di yung New Year's Resolution mo?

Iisa lang naman ang resolution ko taun-taon. "I will not make a new year's resolution". Ano pa ang ieexplain ko dyan?

Gumawa ka na lang kaya ng tula?

Nagawa na ni chigo yan. Gusto ko medyo original ang first blog ko para sa 2005.

Bat naman kailangang original? Ang arte mo naman!!!!

Basta!!! Hwag ka ngang magulo at nag-iisip ako!!

Wala ka sanang maisip!!!

Sunday, December 26, 2004

Bingo sa Pasko!!!

Kakaiba ang ginawa namin ngayon. Imbes na mag-ikot sa araw ng Pasko ay naglaro na lang kami ng bingo. Tayaan syempre at ang gagamitin mong pantaya ay yung napamaskuhan mo. 5 pesos ang presyo ng isang bingo card at every game ay may "raffle prize" na binibigay ang father ko. Ganito karami ang card na ginagamit na mga kalaro ko...


At eto naman ang sa akin...

Wala yan sa dami ng card kundi nasa diskarte na paglalaro. Hahaha!!!

Pagdating sa final game namin, almost 750 na ang jackpot prize. Blackout ang last game. Ibig sabihin kailangan lahat ng numbers sa bingo card mo ay tawagin. 10 pesos na ang presyo ng isang bingo card. Tayaan to the max na nga. Bilihan sila ng lima hanggang sampung card para lang manalo.

Syempre ako isang card lang ang binili. At eto ang winning card na ginamit ko. Pansinin ang mga numbers sa letter O.

Hahaha!!! Panalo!!! Napunta tuloy sa akin ang mga napamaskuhan ng mga kapatid at pinsan ko. Nandaya ba ako? No comment!!! Hahaha!!!!

Thursday, December 23, 2004

Christmas Greetings!!!!

Isa munang carolling bago ang aking greetings.

Calc's Christmas Pinoy Alphabet Song

A - Ang Pasko ay Sumapit...
B - Bagong Taon ay magbagong-buhay...
K - Kahit hindi Pasko ay magbigayan...
D - Dashing to the snow...
E - En a one horse open sleigh...
G - Gabing ito at bukas ay araw ng Pasko...
H - Habang ang mundo'y tahimik...
I - In the meadow we can build a snowman...
L - Laughing all the way...
M - Mano po ninong, mano po ninang...
N - Ng si Kristo'y isilang...
NG - Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan...
O - Oh come oh yea faithful...
P - Para Papampam...
R - Rapa Pampam...
S - Sa maybahay ang aming bati...
T - Tanging araw nating pinakamimithi...
U - Upang lumigaya ang ating bayan...
W - Why don't you, "shop around with your friends", hehehe...

Merry Christmas to all!!!!!!!!!!!

Wednesday, December 15, 2004

Walang Dayaan

When it comes to games, nakasunod na agad ang mga komentong "Walang dayaan" sa akin. Kung maaga akong nag-bingo, dinaya ko raw. Pag nakapusoy ako, dinaya ko raw. Pag nanalo sa Starcraft, lumaban daw ako ng patas. Pag naghead-shot sa counterstrike, lumaban daw ako ng patas. Pag nagbadminton kami, wala daw dayaan. Pag nagbowling kami, wala daw dayaan. Pag videoke, may daya raw. Pag gamechannel, may daya raw. Aba'y ano bang laro ang pwede kong laruin na hindi ko pwedeng dayain?

Card "Daya"
Masama ba kung tandaan ko ang mga cards na lumalabas sa black jack? Masama rin ba kung iniipit ko ang baraha nyo sa pekwa? Masama ba kung ibahin ko ang takbo ng baraha sa pusoy at sa pusoy dos? Masama ba kung ayaw kong ibaba ang baraha mo sa tong-its? Anong magagawa ko kung ikaw ang laging nagiging unggoy sa unggoy-ungguyan? Kasalanan ko ba kung nabubuo ko ang solitaryo at ikaw ay hindi makabuo?

Board Game "Daya"
Takang-taka sila kung bakit pag snake and ladder ay lagi akong bumabagsak sa ladders at sila ay sa snake. Takang-taka sila kung bakit sa monopoly ay bihira akong bumagsak sa mga properties nila at sila naman ay bayad ng bayad sa akin. Takang-taka sila kung bakit lagi ko silang nauunahan ma-solve ang puzzle sa larong Cluedo. Dinadaya ko raw sa bato ng dice. Ano!!!

Gamechannel "Daya"
3310 lang ang gamit ko sa paglalaro. Ano naman ang pambato ng cell ko sa cell nyo? Send lang ako ng send pag alam ko yung sagot. Mas mabilis, mas maganda. Yung iba nga sa inyo ay mas mabilis pang magtext kaysa sa akin. Wala akong kalaban-laban dahil bukod sa mahina ang signal na nakukuha ko ay super liit pa ng tv screen na ginagamit ko. Saan ako pwedeng mandaya? Kaya nga pagdating ng action games, pinagtutulungan nyo ako kasi doon lang kayo makakabawi sa akin. Wala kayong awa!!!

Videoke "Daya"
Eh ano nga bang magagawa ko kung 13-2 na ang score? Paano ko naman dadayain yung makina? Pareho naman ang kalibre ng boses natin. Pareho naman nating nasasabayan ang tono at lyrics. Iisang microphone ang ginagamit natin. Meron na ngang theme ang kantahan natin. Kumpleto naman sa singing passion at stage presence ang ginagawa natin. Pati bilang ng kakantahin natin ay pantay. Saan ako pwedeng mandaya?

Kawawa naman ako.....Hehehehe!!!!

Monday, December 06, 2004

Serious Post

Maiba naman ako ng blog. Punta naman tayo sa serious side ng buhay. Medyo may pagka-sensitive itong topic na ididiscuss ko ngayon kaya konting opening muna before the topic.

Trivia 1

Did you know that the internet is a very powerful tool when it comes to advertising? Totoo yan. Mas malakas ang medium na ito kaysa sa prints and TV. Bukod sa mura ang advertising fee, napakalawak ng coverage nito. Local advertisements are good only within local boundaries pero ang internet, local o international ay abot na abot nito. Lalo pa kung ilalagay mo sa sikat na search engine like Yahoo, Googles etc. For sure, within an hour of advertisement ay bawi mo na ang advertising fee mo.

Trivia 2

For sure, hindi nyo paniniwalaan itong second trivia na ito kasi parang hindi totoo. Pati ako ay nagulat nung malaman ito kasi hindi talaga bagay sa isang katulad nya. How could someone so talented, so gifted and so dedicated in her profession has not earned any awards or recognition in her entire life? Sino itong tinutukoy ko na wala pang natatanggap na award sa buhay nya? None other than Ms. Bianca Gonzales. Unbelivable isn't it?

Anong relationship ng dalawang trivia sa post ko ngayon? Just continue reading at maliliwanagan kayo....

Every year, Candy Magazine has this award called Candy Rap Award. They let the people vote for their favorites thru SMS and online voting. And for next year's award, Bianca Gonzales has been nominated for Favorite Model. To vote for her, text CANDYRAP H1 and send to 29763 for Globe and Smart subscribers. Consequently, Iya Villania is also nominated on two categories, favorite fashion icon and favorite VJ. To vote for her as the favorite fashion icon, text CANDYRAP F3. To vote for Iya as your favorite VJ, text CANDYRAP W1. Send your votes to 29763. 1 SMS vote is equivalent to 3 points. To vote using their online voting system, just visit http://www.candymag.com/candyrapawards/ 1 online vote is equivalent to 1 point. Send in your votes because the voting period is from Dec 1 to Dec 31 2004 only. Winners will be announced on March.

Support Iya and Bianca!!!! Fearless advertising....

Tuesday, November 30, 2004

No Blog For This Week

Paumanhin po sa mga naghihintay ng entry. Wala kasi akong maisip na ikwento. Hindi ako sigurado kung sa dami ng pwede kong ikwento ay wala akong mapili o talagang wala lang akong maikwento. Pero sa totoo lang, marami akong pwedeng ikwento. Yun nga lang, hindi ko mahanap ang mga tamang salita para ikwento ito. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ito'y mental block. Pag mental block kasi ay yung wala ka talagang maisip na sabihin eh yung sa akin naman ay sa dami ng pwede kong ikwento ay hindi ko mapili kung alin. Siguro, mental overload ang tawag dito. Meron bang ganon?

Pero kung wala kang blog for this week, ano ang tawag sa ginagawa mo ngayon?

Blogging pa rin. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na wala akong blog entry for this week. Baka kasi naghihintay yung iba ng entry ko. At least, alam nila na wala akong "pasaway" na entry ngayon. Gusto ko sanang gumawa, yun nga lang hindi ko alam kung anong ilalagay ko.

Eh bat kailangan mo pang ipaalam? Pinabayaan mo na lang sana. Kung wala kang blog for this week, ano ang tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Parang entry na rin itong ginagawa mo...

Eh tanong ka kasi ng tanong!!! Pinahaba mo tuloy yung blog ko. Dapat isang paragraph lang bigla ka namang sumingit. Eh sa gusto kong ipaalam sa kanila na wala akong blog entry ngayon. Masama ba yon? Blog ko naman ito.

Eh bat ka sumisigaw?

Eh kasi naman ikaw eh!! Sinira mo yung blog ko. Dapat no blog for this week, bigla tuloy nagkaron.

Anong gagawin mo ngayon?

Ano pa, eh di ipost na lang kaysa naman sa wala

Paano yung title?

Bat ba ang dami mong tanong?!!

Sunday, November 21, 2004

Kwentong Barbero

Hindi ko alam kung ano ang nakapaligid sa akin pero bakit kaya mahilig akong lapitan ng mga eccentric na tao. Halimbawa na lang ay itong barbero ko. Unang pasok ko pa lang sa barberya ay alam ko na agad na ito ang magiging barbero ko. Wala naman akong mairereklamo sa end result ng gupit nya dahil malinis at maganda ang pagkakagupit. Ok rin sya sa mga extra added service tulad ng hot towel at masahe. Isa nga sya sa mga binibigyan ko ng tip na above sa 15% tip limit. Iikot ang kwento ko sa paraan ng kanyang paggugupit.

Eccentric Cutting Technique 1

Flat top ang nakahiligan kong gupit. Madaling ayusin at komportable lalo na pag mainit ang panahon. Before na sya ang maging barbero ko, twenty minutes lang ang gupit ko. Tama lang yon kasi konting electric shave sa side, konting trim ng gunting at konting shave ay tapos na. Pero sa kanya ko lang na-experience ang flat top na tumatagal ng isang oras. Napaka-metikoloso nya!!! Para syang meron obsessive compulsion. Twenty minutes na electic shaver at trimming sa right side. Tapos another twenty minutes naman sa left side. Ten minutes na shaving at another ten minutes for finishing touch. Biruin mo, sampung minuto na ahit!!! Eh hindi naman ako balbon!!! Nagsimula at natapos ang TV Patrol ay hindi pa tapos ang gupit ko!!!

Eccentric Cutting Technique 2

Pero kahit na ganyan ay bumalik pa rin ako sa kanya. Ok lang sa akin ang maghintay ng isang oras kung maganda naman ang resulta. Eh di bumalik na nga uli ako para sa isa na namang session. Umupo na ako tapos sabi ko yung dati uling gupit. Tumingin sya sa buhok ko tapos may kinuha sya sa kabinet nya. Ruler. Sabi ko sa loob ko, "Para saan yung ruler?" Nagulat ako ng sinukat nya yung hibla ng buhok ko. Napakunot ako ng noo kasi talagang ngayon ko lang nakita yung ganon. Pagkatapos nyang sukatin ay sinabi nya sa akin, "Sir, masyado pa pong maaga para sa gupit. Balik na lang po kayo next week" ANO!!! Tinanong kung bakit. "Eh sir, masisira po yung contour ng gupit" Isa na namang ANO!!! Contour!!! Nasa barberya ba ako? Anong contour? Eh di syempre nagdahilan ako na gusto ko ngayon na magpagupit. Aba, tumanggi sya na gupitan ako. Baka naman hindi barberya itong napasukan ko. Barbero, ayaw maggupit!!! Since hindi ko talaga mapilit ay umalis na lang ako at naghanap ng ibang shop para magpagupit. Wrong move pala yung ginawa ko dahil meron pala syang eccentric cutting technique 3

Eccentric Cutting Technique 3

Nagpagupit na lang ako ng flat top sa ibang shop. Nairaos din yung gupit at after some time ay oras na naman para sa isang session. Talagang mahaba na yung buhok kasi hindi na sya pormang flat top. Siguro naman gugupitan na nya ako. Pag pasok ko sa shop (tiningnan ko muna kung barber shop talaga yung napasukan ko) tumingin sya sa buhok ko at medyo napapailing, "Sir, nagpagupit po ba kayo sa iba?". Tumango naman ako. "Sige, sir, upo na kayo at aayusin natin yung mga mali nila" Anong mali? Nasaan yung mali? Pareho naman flat top yung gupit ko. Imbes na gupitan agad ako, naglinis pa muna sya ng gamit. Nilagyan ng oil yung shaver, hinasa yung gunting at pinalitan yung razor. Medyo kinabahan nga ako kasi nagsuot sya ng rubber gloves. Parang ooperahan yata ako. At ang dating isang oras ay naging isang oras at kalahati!!!

Haaay... dahil sa katigasan ng ulo ko ay napatagal pa tuloy ako. Pagkatapos nyan ay naging masunurin na ako. Pag sinabi nyang hindi pa pwede ay hindi pa pwede. Pag sinabi nyang masisira yung contour at quality ng buhok ay sumunod ka na lang. Hindi ka naman kasi pwedeng makipagtalo sa kanya kasi hawak nya yung gunting. Baka pati tenga ko kasamang walisin sa sahig.

Monday, November 15, 2004

Senior na freshman

Inspired by Ms. Bianca's post, napilitan tuloy akong baguhin ang blog ko. Dahil sa sobrang pagka-relate ko sa kwento nya ay ipinagpaliban ko muna ang "Kwentong Barbero" na post ko.
Medyo pareho ng kwento pero syempre meron konting "calculus twist".

I graduated in time kahit na meron akong mga back subject. Kung bakit at paano ako nagkaron ay subject of another blog na lang. Nung kinuha ko na yung isa sa mga back subjects ko puro mga freshmen ang classmates ko. Nakakapagtaka nga kasi magkakakilala na agad sila samantalang ngayon lang naman sila nagkita. Wala kang kakilala at ikaw lang ang walang kausap. Mapagkakamalan ka namang buwang kung magsalita ka mag-isa. Freshmen students ba talaga sila?

Out of place ka talaga sa loob ng classroom kasi wala ka ng kausap, wala ka pang katabi. May tumabi nga kaya lang echange student from China. Ngee, mas lalo na. Kaya kalimitan ang disguise ko na lang ay to look busy. Mabuti na lang at yung professor namin ay in favor sa seating arrangement na based on surname. Malas nga lang kasi letter V ang start ng surname ko kaya sa likod ng class ang bagsak ko. Sige na nga pagbigyan ko na nga. Ano naman ang masamang mangyayari kung nasa likod ako? Nag-exam kami tapos sabi ng prof, exchange papers. Exchange papers!!! Kanino eh wala akong katabi!! Check your own paper na lang sabi ng prof, be honest na lang daw.

Eto na ang oras ng grouping. "Ilan ba kayo rito? Oh sige, group yourself by 6". Hala, hindi pa tapos magsalita yung prof namin eh tapos na ang grouping nila. Biruin mo pati yung exchange student nakakuha agad ng groupmates. Paano nangyari yon? Binilang ko kung ilan kami. 1,2,3...,35,36,37!!! Todas, hindi divisible by six. "Sino ang walang group?" Lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. "Bat di na lang po natin gawing countdown?" Kitang-kita ko sa mga facial expression nila na ayaw nila ng suggestion ko. Andamot naman nitong mga classmate ko!!! Kabago-bago nyo pa lang dito. Hoy, senior ako!!!

Pero syempre sa simula lang naman. Paunti-unti ay kinakausap na rin nila ako. Dahan-dahan ay isinasama na rin nila ako sa group. Hanggang sa parang ka-block na rin ang trato nila sa akin. Sila na mismo ang tumatawag sa akin para tabihan ko. Sila na rin ang nag-aalok na sa group nila ako sumali. Given sometime talaga at makakapag-adjust din sila. "Anong adjust?!" Sabihin mo, nung malaman nila na may konting utak ka, tumatabi na sila sa yo para mangopya!!! Pinaganda ko lang naman, wala rin naman silang makokopya sa akin. Hahaha!!!!

Thursday, November 11, 2004

Saying Things Differently

Piso Tamang Barko

Nung minsan na nagkakwentuhan dito sa office, napunta ang topic sa isang officemate ko na gusto ng hiwalayan yung girlfriend nya. Ang kontra namin ay hwag iwanan kasi "piso tamang barko" sya sa girlfriend nya. Ibig sabihin, napakaswerte nya sa girlfriend nya. Maganda na at fully supported na sa buhay. Kahit wala syang gawin ng buong buhay nya ay mabubuhay sya. Parang tumaya ka ng piso at ang napanalunan mo ay barko... Super-jackpot to the max.

Wishful Thinking

Nadevelop one time after ng videoke challenge namin. Kasali sana itong challenger na to kaya lang hindi sya nakarating. After that, gumawa sya ng comment na if ever na nandon sya malamang na iba ang naging resulta. Yan ang wishful thinking. Sabi nila, parang day dreaming pero para sa akin, mas malapit sya sa fighting spirit.

Corporate Environment

Nung minsan na pumunta kami sa isang concert event sa UP, tinanong ako kung hindi raw ba ako nilalamig kasi ang lakas ng aircon. Ang sabi ko sa kanya, "Nilalamig ka na agad? Hindi ka pa kasi sanay sa isang 'corporate environment'" Syempre, joke lang yon. Kaya lang, na-pirate na yung expression. "Kumusta ang corporate environment?" na ang ibig sabihin ay "kumusta na ang trabaho?"

Mag-WOWOW

Ang nakalagay sa ad ay "Watch Y Speak After Special Assignment". Eh paano kung natapos ang Special Assignment ng 12:30 am? Biruin mo, madaling araw para sa isang debate show. Pero dahil sa kagustuhan kong mapanood ang show ay kailangan talagang maghintay. At para hindi ako antukin ay nanonood muna ako ng mga "documentary" shows sa WOWOW. Magaganda kasi yung mga "documentary" shows nila, interesting topics lalo na pag madaling-araw. Malabo na antukin ka. Kaya dumikit na tuloy na pag sinabing MagWOWOW, ibig sabihin ay magpalipas ng oras.

"Lord, Pwede nyo akong kunin"

Pag ginamit mo itong expression na ito, ibig sabihin very fulfilled ka isang pangyayari at wala ka ng hahanapin pang iba. Parang ready ka ng humarap sa kanya. When I saw the Ryan Cayabyab tribute, sa super ganda nung show ay nasabi ko na lang, "Lord, pwede na po". Pag nakita mo ang celebrity idol mo, "Lord, pwede na po". Pag nakausap mo ang celebrity idol mo, "Lord, kunin nyo na ko". Pag nahawakan mo ang celebrity idol mo, "Lord, ngayon na po". Pag niyakap ka ng celebrity idol mo, "Lord, naiinip na po ako". Pag hinalikan ka ng celebrity idol mo, "LORD!!!"

Tuesday, November 02, 2004

As early as 8 am ay nasa South Cemetery na ako. Doon kasi nakaburol ang aming angkan. Para akong nasa office kasi double shift ako roon. At dahil sa maghapon akong nandon ay narito ang pinagbuhusan ko ng panahon...

Tunaw na Kandila For Sale

Isa sa mga personal yearly tradition ko. Mag-iipon ako ng tunaw na kandila tapos ibebenta sa mga bumibili. Last year, eight pesos per kilo ang bentahan pero ngayon, dahil sa hirap ng buhay, four pesos na lang ang average price per kilo. Meron akong nakitang buyer na six pesos per kilo. Doon na lang sana ako kaya lang may nakuha akong tip na merong bumibili ng thirteen pesos per kilo kaya lang lalabas ka pa ng sementeryo. Kanya-kanyang style ng pangunguha at iba't-ibang technique ng paghahanap. Yung kikitain ko naman ang gagamitin ko para sa another personal yearly tradition ko... ang food triping!!!

Food Tripping

Talagang nagkalat ang lahat ng uri ng pagkain sa sementeryo. At dahil dyan ay nacocommit ko ang isa sa mga seven deadly sins, gluttony. Fishball, squidball, kikiam, inihaw na pusit, hilaw na mangga, bayabas, santol, singkamas, chicharon, kropek, mani, kasoy, popcorn, mais, footlong, siopao, cornik, green peas, fishcracker, gulaman, softdrinks, buko juice. Meron pang mami, balot, taho, pugo, shawarma, pizza, burger at taco. Bawat kalye na madaan ko ay may bibilhin akong pagkain. Talagang halo-halo ang laman ng tyan ko. Mabuti na lang at laking-uste ako kaya malakas ang sikmura ko sa mga ganyan. At tsaka covered naman ng medical namin ang hepatitis. Hehehe...

Friday, October 22, 2004

Calc, nagpapakopya ka ba pag may exam?

Syempre naman!!! pero syempre may evil twist pag kumopya ka sa akin. Haha!!! Share ko ang aking dalawa sa pinakamatindi kong cheating method.

1st Technique: Pag bigay ng test paper, instead of answering, babasahin ko muna lahat ng mga questions and at the same time ay sinasagutan ko na sa isip ko. Kung may essay yung exam, yun muna ang sinasagutan ko. Kung ang exam ay good for one hour, I'll start answering 15 minutes before submission. Kawawa ngayon yung mga katabi ko kasi 45 minutes silang nakatingin sa isang blankong test paper. Tapos pag oras na ng pagsagot, bibilisan ko ngayon yung paglagay ng sagot. At para mas lalong malito yung mga kumokopya sa akin, random ang pagsagot ko at hindi sequential.

2nd Technique: Mas malupit itong second technique ko. Di ba pag minsan ay nagpapasahan tayo ng mga sagot? Isusulat sa isang pirasong papel ang sagot tapos pag hindi nakatingin ang proctor ay ipapasa sa katabi. Ginagawa ko rin yan, yun nga lang mali yung mga answer na nakasulat. Hindi naman nila napapansin kasi sulat na lang sila ng sulat. Di nila mahahalata na mali kasi ginagawa kong malapit sa tama na akala mo ay tama pero mali pala. Haha!!! Mas maganda itong technique na to pag math exams. Sinusulat ko yung tamang solution pero pagdating sa dulo mali yung sagot. Hahaha!!!

Hindi naman ako nahahalata kasi kumbaga kapit na sila sa patalim. Expected din naman nila na babagsak sila sa exam na yon kaya tinutupad ko lang ang mga wishes nila.
Videoke Bash


Kitang-kita ang stage presence!!! Complete with backup pa. I was singing Reasons by Earth, Wind and Fire. Mga passionate singer kasi ang mga officemate kaya nahawa na rin ako. Isa sa mga motto nila ay kahit na mababa ang score mo basta galing sa puso ay panalo ka na rin. At every videoke bash namin ay parang contest dahil talagang walang gustong magpatalo. Kahit yung mga office mates kong babae ay nakikipagsabayan sa amin. Grabe pati ang haba ng kantahan namin, we started singing at around 5 pm at naawat lang kami ng 11 pm. Bitin pa kami nun!!! Haay... next week may videoke bash na naman kami sa Red Box. Maihanda na ang "After the Love is Gone" ng EWF, "You Make Me Feel Brand New" ng Stylistics, "Too Much Heaven" ng Beegees at "VST Concierto" ng VST. Aheemm...
25 centavos...

Alam nyo ba yung bucket meal sa Kentucky? Siguro mga two months ago, kumain kami sa Kentucky at inuwi ko yung bucket para gawing alkansya. Doon ko ilalagay lahat ng mga 25 centavos na nakukuha ko sa isang araw. Di ko maalala kung sino ang mga kasama ko noon pero ang alam ko ay tawa sila ng tawa nung sinabi kong ganon ang gagawin ko. Ewan ko lang ngayon kung pagtatawanan pa nila ako ngayong lampas kalahati na ako. "Anumang magaling, Kahit na maliit, Basta't malimit, Makakarating din ng langit"!!!

Saturday, September 25, 2004

I Really Don't Know...Peksman!!!!

Gaano karaming tanong ang kayang dalhin ng isang tao? May sagot man o wala, gaano karami ang kaya mong i-handle sa isang araw? Sa isang linggo kaya? For the past five days, lahat na yata ng uri ng tanong ay naibato na sa akin. From the simple to the complex, from casual to personal, from basic to technical, may sense man o wala, kahit na quetions within a question, ay naisampal na sa akin.

Ayos lang sana kung hindi sabay-sabay kaya lang paano kung palibutan ka nito. Halos mapuno ng post-it ang buong desk ko. Yung monitor ko, naging isang monitor ng post-it. Ang mesa ko ay post-it. Ang divider ko ay post-it. Pag bukas ko ng mga libro, may post-it. Pag tinanggal ko ang isang post-it para basahin, may post-it pang nakatago sa likod. Iba-iba ang kulay, iba-iba ang brand at iba-iba ang handwriting. Hulaan nyo ngayon kung ano ang laman ng basurahan ko. At higit sa lahat ay mahiwaga ang mga post-it na ito dahil para silang kabuti na bigla na lang dumarami. Tanggalin ang isa at magiging dalawa. Magtanggal ka uli ng isa at magiging apat. Pero post-it pa lang yan. Hindi ko na isasama ang mga phone calls, text messages at "personal appearances" na natanggap ko dahil baka mahilo na kayo.

Pero kahit na binomba ako ng mga tanong, sinubukan ko talagang sagutin lahat dahil wala ka namang magagawa. The only choice you have is to make an answer. At dito ako naliwanagan na sa lahat ng mga tanong na ibinato sa akin ay hindi ako pwedeng sumagot ng "Hindi ko alam" at "Ewan".

Minsan pag nakita nyo ang isang tao, tingin pa lang, alam mo na marami itong alam. Ganyan siguro ang nakikita ng iba sa akin. I admit na I do know a lot of stuff. But one can know only so much. Kahit na anong pilit na gawin ko na hindi ko talaga alam ay di sila naniniwala. Lumalabas tuloy na ako'y madamot at swapang. Kaya kalimitan para lang matapos ay gumagawa na lang ako ng make believe answer na pwede nilang kagatin. Ang masama nga lang pag minsan ay tumatama yung mga hula kong sagot which reinforces their belief na alam ko nga talaga ang sagot at ayaw ko lang sabihin. Todas!!! Back to square one na naman ako!!!

Monday, September 20, 2004

Opening Lines

I really don't understand why my mind would memorize these things. For my part, I can't find no purpose or relevance on knowing these things and, yet, they are embedded very hard in the back of mind. Andami kong alam na hind ko naman alam kung saan gagamitin. Eto ang mga sample...

Samurai Jack

Long ago in a distant land, I, Aku, the shapeshifting master of darkness, unleashed an unspeakable evil. But a foolish samurai wielding a magic sword stepped forth to oppose me. Before the final blow was struck, I tore open a portal in time and plunged him into the future where my evil is raw. Now, the fool seeks to return to the past and undo the future that is Aku.

Visionaries

It was the time when magic is more powerful than science. And only those who can control the magic, controls destiny. They are the visionaries.

Twilight Zone

With a key, you unlock a door to imagination. Beyond it is another dimension. A dimension of sight. A dimension of sound. A dimension of mind. You're moving through a land of both shadow and substance. Of things and ideas. Guiding you through this wondrous journey is the hypnotic sound of the twilight tone.

Star Trek

Space...the final frontier. These are the voyages of the Starship Enterprise. Its continuing mission ... to explore strange new worlds, to seek out new life and new civilizations, to boldly go where no one has gone before.