Monday, November 15, 2004

Senior na freshman

Inspired by Ms. Bianca's post, napilitan tuloy akong baguhin ang blog ko. Dahil sa sobrang pagka-relate ko sa kwento nya ay ipinagpaliban ko muna ang "Kwentong Barbero" na post ko.
Medyo pareho ng kwento pero syempre meron konting "calculus twist".

I graduated in time kahit na meron akong mga back subject. Kung bakit at paano ako nagkaron ay subject of another blog na lang. Nung kinuha ko na yung isa sa mga back subjects ko puro mga freshmen ang classmates ko. Nakakapagtaka nga kasi magkakakilala na agad sila samantalang ngayon lang naman sila nagkita. Wala kang kakilala at ikaw lang ang walang kausap. Mapagkakamalan ka namang buwang kung magsalita ka mag-isa. Freshmen students ba talaga sila?

Out of place ka talaga sa loob ng classroom kasi wala ka ng kausap, wala ka pang katabi. May tumabi nga kaya lang echange student from China. Ngee, mas lalo na. Kaya kalimitan ang disguise ko na lang ay to look busy. Mabuti na lang at yung professor namin ay in favor sa seating arrangement na based on surname. Malas nga lang kasi letter V ang start ng surname ko kaya sa likod ng class ang bagsak ko. Sige na nga pagbigyan ko na nga. Ano naman ang masamang mangyayari kung nasa likod ako? Nag-exam kami tapos sabi ng prof, exchange papers. Exchange papers!!! Kanino eh wala akong katabi!! Check your own paper na lang sabi ng prof, be honest na lang daw.

Eto na ang oras ng grouping. "Ilan ba kayo rito? Oh sige, group yourself by 6". Hala, hindi pa tapos magsalita yung prof namin eh tapos na ang grouping nila. Biruin mo pati yung exchange student nakakuha agad ng groupmates. Paano nangyari yon? Binilang ko kung ilan kami. 1,2,3...,35,36,37!!! Todas, hindi divisible by six. "Sino ang walang group?" Lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. "Bat di na lang po natin gawing countdown?" Kitang-kita ko sa mga facial expression nila na ayaw nila ng suggestion ko. Andamot naman nitong mga classmate ko!!! Kabago-bago nyo pa lang dito. Hoy, senior ako!!!

Pero syempre sa simula lang naman. Paunti-unti ay kinakausap na rin nila ako. Dahan-dahan ay isinasama na rin nila ako sa group. Hanggang sa parang ka-block na rin ang trato nila sa akin. Sila na mismo ang tumatawag sa akin para tabihan ko. Sila na rin ang nag-aalok na sa group nila ako sumali. Given sometime talaga at makakapag-adjust din sila. "Anong adjust?!" Sabihin mo, nung malaman nila na may konting utak ka, tumatabi na sila sa yo para mangopya!!! Pinaganda ko lang naman, wala rin naman silang makokopya sa akin. Hahaha!!!!

No comments: