As early as 8 am ay nasa South Cemetery na ako. Doon kasi nakaburol ang aming angkan. Para akong nasa office kasi double shift ako roon. At dahil sa maghapon akong nandon ay narito ang pinagbuhusan ko ng panahon...
Tunaw na Kandila For Sale
Isa sa mga personal yearly tradition ko. Mag-iipon ako ng tunaw na kandila tapos ibebenta sa mga bumibili. Last year, eight pesos per kilo ang bentahan pero ngayon, dahil sa hirap ng buhay, four pesos na lang ang average price per kilo. Meron akong nakitang buyer na six pesos per kilo. Doon na lang sana ako kaya lang may nakuha akong tip na merong bumibili ng thirteen pesos per kilo kaya lang lalabas ka pa ng sementeryo. Kanya-kanyang style ng pangunguha at iba't-ibang technique ng paghahanap. Yung kikitain ko naman ang gagamitin ko para sa another personal yearly tradition ko... ang food triping!!!
Food Tripping
Talagang nagkalat ang lahat ng uri ng pagkain sa sementeryo. At dahil dyan ay nacocommit ko ang isa sa mga seven deadly sins, gluttony. Fishball, squidball, kikiam, inihaw na pusit, hilaw na mangga, bayabas, santol, singkamas, chicharon, kropek, mani, kasoy, popcorn, mais, footlong, siopao, cornik, green peas, fishcracker, gulaman, softdrinks, buko juice. Meron pang mami, balot, taho, pugo, shawarma, pizza, burger at taco. Bawat kalye na madaan ko ay may bibilhin akong pagkain. Talagang halo-halo ang laman ng tyan ko. Mabuti na lang at laking-uste ako kaya malakas ang sikmura ko sa mga ganyan. At tsaka covered naman ng medical namin ang hepatitis. Hehehe...
No comments:
Post a Comment