Friday, October 22, 2004

Calc, nagpapakopya ka ba pag may exam?

Syempre naman!!! pero syempre may evil twist pag kumopya ka sa akin. Haha!!! Share ko ang aking dalawa sa pinakamatindi kong cheating method.

1st Technique: Pag bigay ng test paper, instead of answering, babasahin ko muna lahat ng mga questions and at the same time ay sinasagutan ko na sa isip ko. Kung may essay yung exam, yun muna ang sinasagutan ko. Kung ang exam ay good for one hour, I'll start answering 15 minutes before submission. Kawawa ngayon yung mga katabi ko kasi 45 minutes silang nakatingin sa isang blankong test paper. Tapos pag oras na ng pagsagot, bibilisan ko ngayon yung paglagay ng sagot. At para mas lalong malito yung mga kumokopya sa akin, random ang pagsagot ko at hindi sequential.

2nd Technique: Mas malupit itong second technique ko. Di ba pag minsan ay nagpapasahan tayo ng mga sagot? Isusulat sa isang pirasong papel ang sagot tapos pag hindi nakatingin ang proctor ay ipapasa sa katabi. Ginagawa ko rin yan, yun nga lang mali yung mga answer na nakasulat. Hindi naman nila napapansin kasi sulat na lang sila ng sulat. Di nila mahahalata na mali kasi ginagawa kong malapit sa tama na akala mo ay tama pero mali pala. Haha!!! Mas maganda itong technique na to pag math exams. Sinusulat ko yung tamang solution pero pagdating sa dulo mali yung sagot. Hahaha!!!

Hindi naman ako nahahalata kasi kumbaga kapit na sila sa patalim. Expected din naman nila na babagsak sila sa exam na yon kaya tinutupad ko lang ang mga wishes nila.

No comments: