Kakaiba ang ginawa namin ngayon. Imbes na mag-ikot sa araw ng Pasko ay naglaro na lang kami ng bingo. Tayaan syempre at ang gagamitin mong pantaya ay yung napamaskuhan mo. 5 pesos ang presyo ng isang bingo card at every game ay may "raffle prize" na binibigay ang father ko. Ganito karami ang card na ginagamit na mga kalaro ko...
At eto naman ang sa akin...
Wala yan sa dami ng card kundi nasa diskarte na paglalaro. Hahaha!!!
Pagdating sa final game namin, almost 750 na ang jackpot prize. Blackout ang last game. Ibig sabihin kailangan lahat ng numbers sa bingo card mo ay tawagin. 10 pesos na ang presyo ng isang bingo card. Tayaan to the max na nga. Bilihan sila ng lima hanggang sampung card para lang manalo.
Syempre ako isang card lang ang binili. At eto ang winning card na ginamit ko. Pansinin ang mga numbers sa letter O.
Hahaha!!! Panalo!!! Napunta tuloy sa akin ang mga napamaskuhan ng mga kapatid at pinsan ko. Nandaya ba ako? No comment!!! Hahaha!!!!
No comments:
Post a Comment