Saturday, September 25, 2004

I Really Don't Know...Peksman!!!!

Gaano karaming tanong ang kayang dalhin ng isang tao? May sagot man o wala, gaano karami ang kaya mong i-handle sa isang araw? Sa isang linggo kaya? For the past five days, lahat na yata ng uri ng tanong ay naibato na sa akin. From the simple to the complex, from casual to personal, from basic to technical, may sense man o wala, kahit na quetions within a question, ay naisampal na sa akin.

Ayos lang sana kung hindi sabay-sabay kaya lang paano kung palibutan ka nito. Halos mapuno ng post-it ang buong desk ko. Yung monitor ko, naging isang monitor ng post-it. Ang mesa ko ay post-it. Ang divider ko ay post-it. Pag bukas ko ng mga libro, may post-it. Pag tinanggal ko ang isang post-it para basahin, may post-it pang nakatago sa likod. Iba-iba ang kulay, iba-iba ang brand at iba-iba ang handwriting. Hulaan nyo ngayon kung ano ang laman ng basurahan ko. At higit sa lahat ay mahiwaga ang mga post-it na ito dahil para silang kabuti na bigla na lang dumarami. Tanggalin ang isa at magiging dalawa. Magtanggal ka uli ng isa at magiging apat. Pero post-it pa lang yan. Hindi ko na isasama ang mga phone calls, text messages at "personal appearances" na natanggap ko dahil baka mahilo na kayo.

Pero kahit na binomba ako ng mga tanong, sinubukan ko talagang sagutin lahat dahil wala ka namang magagawa. The only choice you have is to make an answer. At dito ako naliwanagan na sa lahat ng mga tanong na ibinato sa akin ay hindi ako pwedeng sumagot ng "Hindi ko alam" at "Ewan".

Minsan pag nakita nyo ang isang tao, tingin pa lang, alam mo na marami itong alam. Ganyan siguro ang nakikita ng iba sa akin. I admit na I do know a lot of stuff. But one can know only so much. Kahit na anong pilit na gawin ko na hindi ko talaga alam ay di sila naniniwala. Lumalabas tuloy na ako'y madamot at swapang. Kaya kalimitan para lang matapos ay gumagawa na lang ako ng make believe answer na pwede nilang kagatin. Ang masama nga lang pag minsan ay tumatama yung mga hula kong sagot which reinforces their belief na alam ko nga talaga ang sagot at ayaw ko lang sabihin. Todas!!! Back to square one na naman ako!!!

No comments: