Monday, March 28, 2005

Sleeping Habit

Matatawag bang talent kung ikaw ay walang problema sa pagkuha ng tulog? Ako kasi ay hindi nahihirapan. Halos kahit saan, kahit anong posisyon at kahit anong kondisyon, basta pwede kong ipikit ang mga mata ko ay ok na sa akin.

Nakahiga, nakaupo o nakadapa ay makakatulog ako. May unan o wala ay makakatulog ako. Kama, banig, papag, duyan, upuan, sofa, sahig, karton ay makakatulog ako. Nakabukas man o nakapatay ang ilaw ay makakatulog ako. Maingay o tahimik ay makakatulog ako. Maginaw o mainit ay makakatulog ako. May kasamang humihilik o wala ay makakatulog ako. Nasa bus, jeep, taxi ay makakatulog ako.

Medyo mababaw nga lang ang tulog ko. Isang kalabit lang sa akin ay magigising na ako. Merong iba sa atin na pagkagising ay di mo makausap ng maayos at kung minsan naman ay galit pa. Kung gigising nyo man ako ay wala kayong ipangangamba kasi pwede na agad akong kausapin at hindi ako mangangagat.

Talent din ba yung magising sa oras ng kahit walang alarm clock? Para kasing may built-in ako na pag sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong gumising ng ganitong oras ay nagigising naman ako. Syempre as a precaution, I also set the alarm clock in my cellphone. Pero there are many times na mas nauuna pa akong magising kaysa sa alarm clock.

Isang bagay lang ang hindi magpapatulog sa akin, masakit na ulo. Kaya ko pang tiisin ang sakit ng ngipin, sakit ng tyan o kahit ng buong katawan. Pero masakit na ulo lang ang hindi ko kaya. Talagang kahit anong pilit kong matulog ay hirap ako. Kailangan muna akong uminom ng painkiller bago matulog.

Pero kung ok naman ang lahat ay eto ang ideal sleeping habit ko. Syempre, may kamang malambot, dalawang unan, isa para sa ulunan at isa para yakapin. May kumot na nakareserba, in case na biglang lumamig o kaya naman ay kung maraming lamok. May electric fan na nasa number 1 at naka-steady lang. Tahimik at nakapatay lahat ng ilaw.

At dahil puro tulog ang pinagsasabi ko ay inaantok tuloy ako!!!

Sunday, March 20, 2005

Speech Invitation

Mukhang hindi ko matutupad ang pangako na ilagay dito ang "inspirational" speech ko. At the last minute kasi ay naisipan kong palitan ang format ng sasabihin ko. Pakiramdam ko kasi ay aantukin ang mga awardees. Kaya para naman hindi magkaganon ay binago ko ang speech ko. I made some outline tapos in-between ay gagawin ko na lang na extemporaneous. Gusto ko kasi nung atmosphere na parang nakikipag-usap lang ako sa kanila. Nandon pa rin syempre yung mga pasaway kong comments, profound quotations at ang stage presence.

Maganda naman ang kinalabasan ng ginawa ko. I managed to make my dialogue light, entertaining and inspiring. Light kasi tingin ko naman ay nakuha ang attention nila. Entertaining kasi may audience participation at nakaka-relate sila sa mga sinasabi ko. Inspiring... eto ang ewan ko lang. It depends na lang siguro kung sasapol sa kanila. I focused my message on character building and giving the best in everything you do.

Syempre, nilagyan ko rin ng pasasalamat sa mga dati kong teacher. Biruin nyo, bagsak ako sa speech nung high school tapos eto ako ngayon, inimbitahan para magdeliver ng isang inspirational message sa kanila. After nung delivery ko ay hindi ko inexpect na maiiyak ang ilan sa kanila.

Di talaga ako makapaniwala na magdedeliver ako ng speech sa isang commencement ceremony. I'm really too young to be giving inspirational talk to other people. I haven't accomplished much or contributed anything worthy to society. But when I was at the stage in front of all the student and facing all my former teachers, pakiramdam ko ay, malamang, na nasa tamang landas ako.


Astig ba yung pic? Normal response ang matawa!!!

Sunday, March 13, 2005

Crazy Question

Give at least 3 reasons why I'm crazy.

Tuesday, March 08, 2005

Prequel to a Speech

A few days back, I received a call from my former teacher in highschool. She was inquiring if I could deliver an inspirational speech for the school's awarding ceremony. Ano!!! Ako!! Magbibigay ng isang inspirational speech. After checking my time table with the school's awarding event, I agreed with their invite. Sayang kasi yung tawag nila, Smart to Globe pa naman yun tapos nakaprepaid pa.

That call was really out of the blue. It caught me off guard with no words to say. If that call was a bullet, I would have been dead by now. Even after the call, I still can't believe that I was asked to deliver a speech.

I already made a speech template for the event. Kaya lang nung binabasa ko na ay para ka na ring nagbasa ng blog ko. At kung kayo ay pamilyar sa aking mga blog ay puro mga pasaway ang nakalagay dito. Undecided pa kasi ako ngayon kung gawin ko ba yung speech in a formal or casual way or a combination. Should the message be in pure English, pure Tagalog or a combination? Should I prepare a speech or just let the words flow, extemporaneous ika nga? Pati nga kung anong susuotin ko ay pinag-iisipan ko pa!!!

Mas sanay kasi akong gumawa ng acceptance speech kaysa mga motivational at inspirational speech. Sa acceptance kasi magpapasalamat ka lang sa mga dapat pasalamatan, pwede na. Pero pag mga inspirational speech, kailangan ay manggagaling ito sa mga experiences mo. Hindi naman pwedeng basta ko na lang sila bigyan ng "to give light to those who are living in the darkness" speech, it has to be more than that.

Im not really aiming for something that is purely inspirational. Baka pati ako ay ma-inspire sa sarili kong speech. I'm trying to focus my message on something that will empower and motivate them. Sabi nga ni Sharon Cuneta,
"High school life, on my high school life
Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school day
Are exciting, kay saya."


Ang ganda-ganda ng simula ng paragraph mo bigla kang kakanta ng "high school life, on my high school life"!! Paano pa kaya yang speech mo?!!

I'll be posting my speech after I delivered it on March 18. Kayo ng humusga kung inspiring ba ito o isa na namang "blog ni calculus"?

Thursday, March 03, 2005

No Credit PLEASE!!!

Kung wala akong ATM, mas lalong wala akong credit card. Everytime na may tatawag dito asking me to apply for a credit card, isa lang ang sinasabi ko sa kanila agad, "Im so sorry, mam/sir, but I don't use credit card when doing my transactions. Cash-basis lang po ang alam ko". Bakit kailangan mong utangin kung pwede mo namang bayaran? Ang laki pa ng interest rate nila!!! Biruin mo, you have to pay your credit plus the interest. Aba'y marami ka ng pwedeng gawin dyan sa interest na ibabayad mo sa kanila.

When our pay slip arrives, sa withholding tax lang ako napapailing. Then, I'll allocate what remains to bills, gimiks and miscellaneous. Not the same with my officemates kasi yung pang-gimik nila ay napapalitan ng pambayad sa credit card. Kaya pag nagkakayayaang lumabas ay medyo nagdadalawang isip muna sila.

I will admit that it's convenient to carry a credit card. Just hand it over, swipe, sign and it's done. Ang ganda pang tingnan, di ba? Pero ewan ko ba, walang talagang appeal sa akin ang gumamit ng ganyan. Mas mura kasi pag binili mo ng cash ang isang bagay kaysa pag ginamitan mo ng credit card.

Mawalan man ako ng wallet uli ay ok lang. Wala ng ATM, wala pang credit card. Kung may pera man sa loob ay si Manuel Quezon lang ang makikita nila ron. Hahaha!!!!