Paumanhin po sa mga naghihintay ng entry. Wala kasi akong maisip na ikwento. Hindi ako sigurado kung sa dami ng pwede kong ikwento ay wala akong mapili o talagang wala lang akong maikwento. Pero sa totoo lang, marami akong pwedeng ikwento. Yun nga lang, hindi ko mahanap ang mga tamang salita para ikwento ito. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ito'y mental block. Pag mental block kasi ay yung wala ka talagang maisip na sabihin eh yung sa akin naman ay sa dami ng pwede kong ikwento ay hindi ko mapili kung alin. Siguro, mental overload ang tawag dito. Meron bang ganon?
Pero kung wala kang blog for this week, ano ang tawag sa ginagawa mo ngayon?
Blogging pa rin. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na wala akong blog entry for this week. Baka kasi naghihintay yung iba ng entry ko. At least, alam nila na wala akong "pasaway" na entry ngayon. Gusto ko sanang gumawa, yun nga lang hindi ko alam kung anong ilalagay ko.
Eh bat kailangan mo pang ipaalam? Pinabayaan mo na lang sana. Kung wala kang blog for this week, ano ang tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Parang entry na rin itong ginagawa mo...
Eh tanong ka kasi ng tanong!!! Pinahaba mo tuloy yung blog ko. Dapat isang paragraph lang bigla ka namang sumingit. Eh sa gusto kong ipaalam sa kanila na wala akong blog entry ngayon. Masama ba yon? Blog ko naman ito.
Eh bat ka sumisigaw?
Eh kasi naman ikaw eh!! Sinira mo yung blog ko. Dapat no blog for this week, bigla tuloy nagkaron.
Anong gagawin mo ngayon?
Ano pa, eh di ipost na lang kaysa naman sa wala
Paano yung title?
Bat ba ang dami mong tanong?!!
Tuesday, November 30, 2004
Sunday, November 21, 2004
Kwentong Barbero
Hindi ko alam kung ano ang nakapaligid sa akin pero bakit kaya mahilig akong lapitan ng mga eccentric na tao. Halimbawa na lang ay itong barbero ko. Unang pasok ko pa lang sa barberya ay alam ko na agad na ito ang magiging barbero ko. Wala naman akong mairereklamo sa end result ng gupit nya dahil malinis at maganda ang pagkakagupit. Ok rin sya sa mga extra added service tulad ng hot towel at masahe. Isa nga sya sa mga binibigyan ko ng tip na above sa 15% tip limit. Iikot ang kwento ko sa paraan ng kanyang paggugupit.
Eccentric Cutting Technique 1
Flat top ang nakahiligan kong gupit. Madaling ayusin at komportable lalo na pag mainit ang panahon. Before na sya ang maging barbero ko, twenty minutes lang ang gupit ko. Tama lang yon kasi konting electric shave sa side, konting trim ng gunting at konting shave ay tapos na. Pero sa kanya ko lang na-experience ang flat top na tumatagal ng isang oras. Napaka-metikoloso nya!!! Para syang meron obsessive compulsion. Twenty minutes na electic shaver at trimming sa right side. Tapos another twenty minutes naman sa left side. Ten minutes na shaving at another ten minutes for finishing touch. Biruin mo, sampung minuto na ahit!!! Eh hindi naman ako balbon!!! Nagsimula at natapos ang TV Patrol ay hindi pa tapos ang gupit ko!!!
Eccentric Cutting Technique 2
Pero kahit na ganyan ay bumalik pa rin ako sa kanya. Ok lang sa akin ang maghintay ng isang oras kung maganda naman ang resulta. Eh di bumalik na nga uli ako para sa isa na namang session. Umupo na ako tapos sabi ko yung dati uling gupit. Tumingin sya sa buhok ko tapos may kinuha sya sa kabinet nya. Ruler. Sabi ko sa loob ko, "Para saan yung ruler?" Nagulat ako ng sinukat nya yung hibla ng buhok ko. Napakunot ako ng noo kasi talagang ngayon ko lang nakita yung ganon. Pagkatapos nyang sukatin ay sinabi nya sa akin, "Sir, masyado pa pong maaga para sa gupit. Balik na lang po kayo next week" ANO!!! Tinanong kung bakit. "Eh sir, masisira po yung contour ng gupit" Isa na namang ANO!!! Contour!!! Nasa barberya ba ako? Anong contour? Eh di syempre nagdahilan ako na gusto ko ngayon na magpagupit. Aba, tumanggi sya na gupitan ako. Baka naman hindi barberya itong napasukan ko. Barbero, ayaw maggupit!!! Since hindi ko talaga mapilit ay umalis na lang ako at naghanap ng ibang shop para magpagupit. Wrong move pala yung ginawa ko dahil meron pala syang eccentric cutting technique 3
Eccentric Cutting Technique 3
Nagpagupit na lang ako ng flat top sa ibang shop. Nairaos din yung gupit at after some time ay oras na naman para sa isang session. Talagang mahaba na yung buhok kasi hindi na sya pormang flat top. Siguro naman gugupitan na nya ako. Pag pasok ko sa shop (tiningnan ko muna kung barber shop talaga yung napasukan ko) tumingin sya sa buhok ko at medyo napapailing, "Sir, nagpagupit po ba kayo sa iba?". Tumango naman ako. "Sige, sir, upo na kayo at aayusin natin yung mga mali nila" Anong mali? Nasaan yung mali? Pareho naman flat top yung gupit ko. Imbes na gupitan agad ako, naglinis pa muna sya ng gamit. Nilagyan ng oil yung shaver, hinasa yung gunting at pinalitan yung razor. Medyo kinabahan nga ako kasi nagsuot sya ng rubber gloves. Parang ooperahan yata ako. At ang dating isang oras ay naging isang oras at kalahati!!!
Haaay... dahil sa katigasan ng ulo ko ay napatagal pa tuloy ako. Pagkatapos nyan ay naging masunurin na ako. Pag sinabi nyang hindi pa pwede ay hindi pa pwede. Pag sinabi nyang masisira yung contour at quality ng buhok ay sumunod ka na lang. Hindi ka naman kasi pwedeng makipagtalo sa kanya kasi hawak nya yung gunting. Baka pati tenga ko kasamang walisin sa sahig.

Monday, November 15, 2004
Senior na freshman
Inspired by Ms. Bianca's post, napilitan tuloy akong baguhin ang blog ko. Dahil sa sobrang pagka-relate ko sa kwento nya ay ipinagpaliban ko muna ang "Kwentong Barbero" na post ko.
Medyo pareho ng kwento pero syempre meron konting "calculus twist".
I graduated in time kahit na meron akong mga back subject. Kung bakit at paano ako nagkaron ay subject of another blog na lang. Nung kinuha ko na yung isa sa mga back subjects ko puro mga freshmen ang classmates ko. Nakakapagtaka nga kasi magkakakilala na agad sila samantalang ngayon lang naman sila nagkita. Wala kang kakilala at ikaw lang ang walang kausap. Mapagkakamalan ka namang buwang kung magsalita ka mag-isa. Freshmen students ba talaga sila?
Out of place ka talaga sa loob ng classroom kasi wala ka ng kausap, wala ka pang katabi. May tumabi nga kaya lang echange student from China. Ngee, mas lalo na. Kaya kalimitan ang disguise ko na lang ay to look busy. Mabuti na lang at yung professor namin ay in favor sa seating arrangement na based on surname. Malas nga lang kasi letter V ang start ng surname ko kaya sa likod ng class ang bagsak ko. Sige na nga pagbigyan ko na nga. Ano naman ang masamang mangyayari kung nasa likod ako? Nag-exam kami tapos sabi ng prof, exchange papers. Exchange papers!!! Kanino eh wala akong katabi!! Check your own paper na lang sabi ng prof, be honest na lang daw.
Eto na ang oras ng grouping. "Ilan ba kayo rito? Oh sige, group yourself by 6". Hala, hindi pa tapos magsalita yung prof namin eh tapos na ang grouping nila. Biruin mo pati yung exchange student nakakuha agad ng groupmates. Paano nangyari yon? Binilang ko kung ilan kami. 1,2,3...,35,36,37!!! Todas, hindi divisible by six. "Sino ang walang group?" Lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. "Bat di na lang po natin gawing countdown?" Kitang-kita ko sa mga facial expression nila na ayaw nila ng suggestion ko. Andamot naman nitong mga classmate ko!!! Kabago-bago nyo pa lang dito. Hoy, senior ako!!!
Pero syempre sa simula lang naman. Paunti-unti ay kinakausap na rin nila ako. Dahan-dahan ay isinasama na rin nila ako sa group. Hanggang sa parang ka-block na rin ang trato nila sa akin. Sila na mismo ang tumatawag sa akin para tabihan ko. Sila na rin ang nag-aalok na sa group nila ako sumali. Given sometime talaga at makakapag-adjust din sila. "Anong adjust?!" Sabihin mo, nung malaman nila na may konting utak ka, tumatabi na sila sa yo para mangopya!!! Pinaganda ko lang naman, wala rin naman silang makokopya sa akin. Hahaha!!!!

Thursday, November 11, 2004
Saying Things Differently
Piso Tamang Barko
Nung minsan na nagkakwentuhan dito sa office, napunta ang topic sa isang officemate ko na gusto ng hiwalayan yung girlfriend nya. Ang kontra namin ay hwag iwanan kasi "piso tamang barko" sya sa girlfriend nya. Ibig sabihin, napakaswerte nya sa girlfriend nya. Maganda na at fully supported na sa buhay. Kahit wala syang gawin ng buong buhay nya ay mabubuhay sya. Parang tumaya ka ng piso at ang napanalunan mo ay barko... Super-jackpot to the max.
Wishful Thinking
Nadevelop one time after ng videoke challenge namin. Kasali sana itong challenger na to kaya lang hindi sya nakarating. After that, gumawa sya ng comment na if ever na nandon sya malamang na iba ang naging resulta. Yan ang wishful thinking. Sabi nila, parang day dreaming pero para sa akin, mas malapit sya sa fighting spirit.
Corporate Environment
Nung minsan na pumunta kami sa isang concert event sa UP, tinanong ako kung hindi raw ba ako nilalamig kasi ang lakas ng aircon. Ang sabi ko sa kanya, "Nilalamig ka na agad? Hindi ka pa kasi sanay sa isang 'corporate environment'" Syempre, joke lang yon. Kaya lang, na-pirate na yung expression. "Kumusta ang corporate environment?" na ang ibig sabihin ay "kumusta na ang trabaho?"
Mag-WOWOW
Ang nakalagay sa ad ay "Watch Y Speak After Special Assignment". Eh paano kung natapos ang Special Assignment ng 12:30 am? Biruin mo, madaling araw para sa isang debate show. Pero dahil sa kagustuhan kong mapanood ang show ay kailangan talagang maghintay. At para hindi ako antukin ay nanonood muna ako ng mga "documentary" shows sa WOWOW. Magaganda kasi yung mga "documentary" shows nila, interesting topics lalo na pag madaling-araw. Malabo na antukin ka. Kaya dumikit na tuloy na pag sinabing MagWOWOW, ibig sabihin ay magpalipas ng oras.
"Lord, Pwede nyo akong kunin"
Pag ginamit mo itong expression na ito, ibig sabihin very fulfilled ka isang pangyayari at wala ka ng hahanapin pang iba. Parang ready ka ng humarap sa kanya. When I saw the Ryan Cayabyab tribute, sa super ganda nung show ay nasabi ko na lang, "Lord, pwede na po". Pag nakita mo ang celebrity idol mo, "Lord, pwede na po". Pag nakausap mo ang celebrity idol mo, "Lord, kunin nyo na ko". Pag nahawakan mo ang celebrity idol mo, "Lord, ngayon na po". Pag niyakap ka ng celebrity idol mo, "Lord, naiinip na po ako". Pag hinalikan ka ng celebrity idol mo, "LORD!!!"

Tuesday, November 02, 2004
As early as 8 am ay nasa South Cemetery na ako. Doon kasi nakaburol ang aming angkan. Para akong nasa office kasi double shift ako roon. At dahil sa maghapon akong nandon ay narito ang pinagbuhusan ko ng panahon...
Tunaw na Kandila For Sale
Isa sa mga personal yearly tradition ko. Mag-iipon ako ng tunaw na kandila tapos ibebenta sa mga bumibili. Last year, eight pesos per kilo ang bentahan pero ngayon, dahil sa hirap ng buhay, four pesos na lang ang average price per kilo. Meron akong nakitang buyer na six pesos per kilo. Doon na lang sana ako kaya lang may nakuha akong tip na merong bumibili ng thirteen pesos per kilo kaya lang lalabas ka pa ng sementeryo. Kanya-kanyang style ng pangunguha at iba't-ibang technique ng paghahanap. Yung kikitain ko naman ang gagamitin ko para sa another personal yearly tradition ko... ang food triping!!!
Food Tripping
Talagang nagkalat ang lahat ng uri ng pagkain sa sementeryo. At dahil dyan ay nacocommit ko ang isa sa mga seven deadly sins, gluttony. Fishball, squidball, kikiam, inihaw na pusit, hilaw na mangga, bayabas, santol, singkamas, chicharon, kropek, mani, kasoy, popcorn, mais, footlong, siopao, cornik, green peas, fishcracker, gulaman, softdrinks, buko juice. Meron pang mami, balot, taho, pugo, shawarma, pizza, burger at taco. Bawat kalye na madaan ko ay may bibilhin akong pagkain. Talagang halo-halo ang laman ng tyan ko. Mabuti na lang at laking-uste ako kaya malakas ang sikmura ko sa mga ganyan. At tsaka covered naman ng medical namin ang hepatitis. Hehehe...

Subscribe to:
Posts (Atom)