Sunday, December 26, 2004

Bingo sa Pasko!!!

Kakaiba ang ginawa namin ngayon. Imbes na mag-ikot sa araw ng Pasko ay naglaro na lang kami ng bingo. Tayaan syempre at ang gagamitin mong pantaya ay yung napamaskuhan mo. 5 pesos ang presyo ng isang bingo card at every game ay may "raffle prize" na binibigay ang father ko. Ganito karami ang card na ginagamit na mga kalaro ko...


At eto naman ang sa akin...

Wala yan sa dami ng card kundi nasa diskarte na paglalaro. Hahaha!!!

Pagdating sa final game namin, almost 750 na ang jackpot prize. Blackout ang last game. Ibig sabihin kailangan lahat ng numbers sa bingo card mo ay tawagin. 10 pesos na ang presyo ng isang bingo card. Tayaan to the max na nga. Bilihan sila ng lima hanggang sampung card para lang manalo.

Syempre ako isang card lang ang binili. At eto ang winning card na ginamit ko. Pansinin ang mga numbers sa letter O.

Hahaha!!! Panalo!!! Napunta tuloy sa akin ang mga napamaskuhan ng mga kapatid at pinsan ko. Nandaya ba ako? No comment!!! Hahaha!!!!

Thursday, December 23, 2004

Christmas Greetings!!!!

Isa munang carolling bago ang aking greetings.

Calc's Christmas Pinoy Alphabet Song

A - Ang Pasko ay Sumapit...
B - Bagong Taon ay magbagong-buhay...
K - Kahit hindi Pasko ay magbigayan...
D - Dashing to the snow...
E - En a one horse open sleigh...
G - Gabing ito at bukas ay araw ng Pasko...
H - Habang ang mundo'y tahimik...
I - In the meadow we can build a snowman...
L - Laughing all the way...
M - Mano po ninong, mano po ninang...
N - Ng si Kristo'y isilang...
NG - Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan...
O - Oh come oh yea faithful...
P - Para Papampam...
R - Rapa Pampam...
S - Sa maybahay ang aming bati...
T - Tanging araw nating pinakamimithi...
U - Upang lumigaya ang ating bayan...
W - Why don't you, "shop around with your friends", hehehe...

Merry Christmas to all!!!!!!!!!!!

Wednesday, December 15, 2004

Walang Dayaan

When it comes to games, nakasunod na agad ang mga komentong "Walang dayaan" sa akin. Kung maaga akong nag-bingo, dinaya ko raw. Pag nakapusoy ako, dinaya ko raw. Pag nanalo sa Starcraft, lumaban daw ako ng patas. Pag naghead-shot sa counterstrike, lumaban daw ako ng patas. Pag nagbadminton kami, wala daw dayaan. Pag nagbowling kami, wala daw dayaan. Pag videoke, may daya raw. Pag gamechannel, may daya raw. Aba'y ano bang laro ang pwede kong laruin na hindi ko pwedeng dayain?

Card "Daya"
Masama ba kung tandaan ko ang mga cards na lumalabas sa black jack? Masama rin ba kung iniipit ko ang baraha nyo sa pekwa? Masama ba kung ibahin ko ang takbo ng baraha sa pusoy at sa pusoy dos? Masama ba kung ayaw kong ibaba ang baraha mo sa tong-its? Anong magagawa ko kung ikaw ang laging nagiging unggoy sa unggoy-ungguyan? Kasalanan ko ba kung nabubuo ko ang solitaryo at ikaw ay hindi makabuo?

Board Game "Daya"
Takang-taka sila kung bakit pag snake and ladder ay lagi akong bumabagsak sa ladders at sila ay sa snake. Takang-taka sila kung bakit sa monopoly ay bihira akong bumagsak sa mga properties nila at sila naman ay bayad ng bayad sa akin. Takang-taka sila kung bakit lagi ko silang nauunahan ma-solve ang puzzle sa larong Cluedo. Dinadaya ko raw sa bato ng dice. Ano!!!

Gamechannel "Daya"
3310 lang ang gamit ko sa paglalaro. Ano naman ang pambato ng cell ko sa cell nyo? Send lang ako ng send pag alam ko yung sagot. Mas mabilis, mas maganda. Yung iba nga sa inyo ay mas mabilis pang magtext kaysa sa akin. Wala akong kalaban-laban dahil bukod sa mahina ang signal na nakukuha ko ay super liit pa ng tv screen na ginagamit ko. Saan ako pwedeng mandaya? Kaya nga pagdating ng action games, pinagtutulungan nyo ako kasi doon lang kayo makakabawi sa akin. Wala kayong awa!!!

Videoke "Daya"
Eh ano nga bang magagawa ko kung 13-2 na ang score? Paano ko naman dadayain yung makina? Pareho naman ang kalibre ng boses natin. Pareho naman nating nasasabayan ang tono at lyrics. Iisang microphone ang ginagamit natin. Meron na ngang theme ang kantahan natin. Kumpleto naman sa singing passion at stage presence ang ginagawa natin. Pati bilang ng kakantahin natin ay pantay. Saan ako pwedeng mandaya?

Kawawa naman ako.....Hehehehe!!!!

Monday, December 06, 2004

Serious Post

Maiba naman ako ng blog. Punta naman tayo sa serious side ng buhay. Medyo may pagka-sensitive itong topic na ididiscuss ko ngayon kaya konting opening muna before the topic.

Trivia 1

Did you know that the internet is a very powerful tool when it comes to advertising? Totoo yan. Mas malakas ang medium na ito kaysa sa prints and TV. Bukod sa mura ang advertising fee, napakalawak ng coverage nito. Local advertisements are good only within local boundaries pero ang internet, local o international ay abot na abot nito. Lalo pa kung ilalagay mo sa sikat na search engine like Yahoo, Googles etc. For sure, within an hour of advertisement ay bawi mo na ang advertising fee mo.

Trivia 2

For sure, hindi nyo paniniwalaan itong second trivia na ito kasi parang hindi totoo. Pati ako ay nagulat nung malaman ito kasi hindi talaga bagay sa isang katulad nya. How could someone so talented, so gifted and so dedicated in her profession has not earned any awards or recognition in her entire life? Sino itong tinutukoy ko na wala pang natatanggap na award sa buhay nya? None other than Ms. Bianca Gonzales. Unbelivable isn't it?

Anong relationship ng dalawang trivia sa post ko ngayon? Just continue reading at maliliwanagan kayo....

Every year, Candy Magazine has this award called Candy Rap Award. They let the people vote for their favorites thru SMS and online voting. And for next year's award, Bianca Gonzales has been nominated for Favorite Model. To vote for her, text CANDYRAP H1 and send to 29763 for Globe and Smart subscribers. Consequently, Iya Villania is also nominated on two categories, favorite fashion icon and favorite VJ. To vote for her as the favorite fashion icon, text CANDYRAP F3. To vote for Iya as your favorite VJ, text CANDYRAP W1. Send your votes to 29763. 1 SMS vote is equivalent to 3 points. To vote using their online voting system, just visit http://www.candymag.com/candyrapawards/ 1 online vote is equivalent to 1 point. Send in your votes because the voting period is from Dec 1 to Dec 31 2004 only. Winners will be announced on March.

Support Iya and Bianca!!!! Fearless advertising....