Wednesday, April 27, 2005

One With The Sea

Mukhang sulit ko ang summer this year kasi mukhang nagiging tambayan ko ang beach ngayon. I've been to Galera, Batangas, Tayabas and Zambales all in a span of a month.

Sarap talagang magbeach. Malayo pa lang ako sa dalampasigan ay parang naririnig ko na ang tawag ng dagat. Water is my favorite element lalo na pag seawater. I could spent six straight hours in the water just floating, swimming and diving around. Bagay talaga sa akin ang tawag na syokoy. I really don't mind swimming towards open sea. Although nandon pa rin syempre yung takot na malay mo ay may biglang kumagat sa yo. Tapos pag ok na ako sa isang spot ay doon lang muna ako. Floating at diving lang muna. Wala nga pala akong life vest pag ginagawa yan. Ang hirap kasing magdive pag may life vest.

Beach 01


Sa aming mga beach trips, ako agad ang tumatayong lifeguard. They will always remind me na iligtas sila kung malunod man sila. Bawal na bawal na ako ang malunod!!! Ako rin ang tumatayong tester kung malalim na ba o hindi, kung hanggang saan ang pwede nilang tapakan. Ako rin ang tagatingin kung maraming seaweeds at jellyfish. Tagatingin sa mga sulok ng corals kung may mga urchins. Lifeguard na, water guide pa nila!

Beach 02


At sa tuwing pupunta ako ng beach ay kailangang masunog ang aking katawan. Ok lang sa akin ang umitim. At kailangan ay magkaron ako ng bakat ng googles sa aking mga mata. Wala akong pinipili na oras ng paglusong sa beach. Umaga, tanghaling-tapat o hapon, basta't nandyan ang dagat ay lulusong ako. Nasabi ko na rin bang di ako naglalagay ng sun block? Since lagi naman akong nakalubog sa tubig ay di naman ako nagkaka-sunburn.

Beach 03

Tuesday, April 19, 2005

Sisterly Brother

"Kuya, pakibili naman ako ng pads. Hiningi kasi ni ate yung last one ko." Malamang ay mga girls lang ang makakarelate sa text na to sa akin. Pero, siguro ay nakakagulat din kasi sa akin nagpapabili ang mga kapatid ko ng pads nila. Alam ko kasi kung ano ang brand na ginagamit nila. At di lang yan ang alam ko. Alam ko rin kung ano ang ibig sabihin ng with wings at paano ito gamitin. Alam ko rin yung superstition nila na never ever say yuck. Hahaha!!! mga girls lang ang makakarelate dyan!!

Apat kaming magkakapatid, panganay ako tapos ay puro babae na. Misdeal kung iisipin. Pero para sa akin ay jackpot ang pagkakaroon ng all girls na kapatid. Biruin nyo, tatlo agad ang advisers ko pagdating sa mga girls. May mapapagtanungan agad ako kung ano ang dapat gawin. May consultant ka na, may tagalinis ka pa ng kwarto. San ka pa? Hahaha!!!

Our parents raised us well but quite differently. Normally, dapat ay hiwalay ang mga rooms namin since lalaki ako at sila ay babae. Pero, iba ang ginawa nila. They only gave us one room. We sleep together in one room, we dressed up in the same room, we study in the same room. In short, we all grew up in the same room. Kaya nga pagdating sa mga "girlie girl" stuffs ay hindi ako masyadong nangangapa.

Kaya nga, for me, very normal na ang mga ganyang text message. Buti nga at pads lang ang pinabibili sa akin at hindi bra!!!

Friday, April 15, 2005

Fight to Live

I will try may very best not to die in the following manners. Talagang laban para mabuhay!!!

Be eaten by any creature.
I will not allow myself to be devoured by any creature, land, water or air-based animal. Di ko papayagan na ako'y lamunin ng leon o tigre, kainin ng pating o piranha, lingkisin ng sawa at pagpyestahan ng mga buwaya.

Be burned alive
Hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi masunog ng buhay. Ok lang sa akin ang mamatay muna dahil sa pag-inhale ng usok kesa masunog muna. Pero ,come to think of it, di rin ako papayag na mamatay sa sunog!!!

Natural Disaster
Kung tulog ako, ok lang. Pero kung hindi naman ay nasa "will to survive" mode tayo. Kung kinakailangang kumapit ako sa puno para hindi tangayin ng baha ay gagawin ko.

Airplane Crash
Even if there is a slim chance of survival ay laban pa rin ako. Basta malampasan ko lang yung mismong crash impact ay madali na ang kasunod kasi, for sure, ay may rescue team namang pupunta. Paano kung sa disyerto magcrash landing?

Hunger
Kung pati damo ay dapat kong kainin ay kakainin ko, hwag lang mamatay na dilat ang mata.

Ilan lang siguro ito sa mga ayaw kong paraan ng pagkamatay. Syempre, kung mamatay din lang ako ay syempre yung matiwasay at painless. O kaya naman ay yung patay agad, wala ng hirap. Kung mahulog man ako sa building o maputol ang lubid ng parachute ko, gusto ko tepok na agad. Hindi yung mabubuhay ka pa!!!

Monday, April 11, 2005

Revival Songs

Napadaan ako sa isang record bar at napansin ko na halos lahat ng mga newly released OPM albums ay puro revival songs. It's nice to hear again songs from the past. Mga kantang hindi alam ng iba na matagal na palang nagawa ng iba na kung di pa ni-revive ay di pa nila malalaman na meron pala nun.

Nakakatawa nga kasi minsan pag sinasabi kong revival yung isang kanta ay nagugulat sila kasi akala nila ay bagong kanta yun. Pupuntahan ko ang aking baul at huhugutin yung original version tapos ipaparinig sa kanila. After hearing both version ay tinatanong ko sila kung alin ngayon ang mas maganda. Syempre sila, doon sa revived version at ako naman ay sa original version.

My sisters are all for revival version. They asked me to buy the revived version of "Love Moves(In Mysterious Ways)". Sabi ko naman ay hwag na lang kasi meron na naman akong kopya nun. Pareho lang naman yung lyrics at konti lang ang pinagkaiba sa tono. Di talaga ako dapat bibili kaya lang nung makita ko yung revival list ay nagbago agad ang isip ko. May "Through the Fire" ka na, may "Stay(With Me)" at "Piano in the Dark" ka pa! Saan ka pa, di ba? Bumili agad ako ng dalawang copy, isa para sa kapatid ko at isa para sa akin. Ayaw ko nga ng may kaagaw!!!

Wednesday, April 06, 2005

Annual PE Moments

Last Monday, we went to the clinic to take our annual physical exam. Normally ay hindi ako nagpapacheck-up kasi ramdam ko naman kung may sakit ba ako o wala. Kaya lang in line with my previous post ay naisipan kong humingi ng opinyon sa aming mga doctor kung in good condition ba ako o hindi. Malay nyo may cancer na pala ako o kaya naman ay TB. Mabuti ng malaman ng maaga para magamot agad kasi nga malayo-layo pa ang lalakbayin ko.

At the check-up, humingi sila ng urine at blood sample. Kinunan din nila ng X-ray ang lungs ko. After that ay dental check-up naman. Yung urine, blood and X-ray results ay next week ko pa malalaman kung ok o hindi. Sa estimate ko naman ay di ako magkakaproblema sa urine at blood sample since ang drugs lang na iniinom ko ay Ponstan. Ganon din siguro sa X-ray results, wala naman akong problema sa paghinga at di pa naman ako umuubo ng dugo. Ok din naman yung dental check-up ko, sintibay ng bato at sintatag ng bloke ng semento ang mga ngipin ko.

After ng dental check-up ay yung mismong physical exam na. Ok naman ang lahat. Pero ang ikwekwento ko na lang ay ang mga pasaway moments ko during the physical. Hahaha!!!

---

Doctor: Blood type?
Calc: Normal naman po.
Doctor: Hindi yun, A, B, AB or O ka ba?
Calc: A?
Doctor: Are you sure?
Calc: B?
Doctor: Ano ba talaga?
Calc: Can I call a friend?

---

Doc: Eye exam muna tayo. Tingin sa taas
(tingin naman ako sa taas)
Doc: Tingin sa baba
(tingin naman ako sa baba)
At this point ay hindi ko alam na tapos na pala ang eye exam. Nasa ear exam na pa kami.
Doc: Tingin sa kanan
(eh di tingin naman ako sa kanan syempre gamit yung mata)
Doc: Kasama po ang ulo!!
Calc: Dapat po ay "lingon" at hindi tingin.

---

Doc: Pakibasa yung eighth line.
(Walang line number yung chart)
Calc: Eighth line mula saan po? mula sa taas o mula sa baba?
Doc: Mula sa taas
Calc: Paano po ang basa ko? Simula sa kanan o simula sa kaliwa?
Doc: Simula sa kaliwa

Halos yung buong physical ay puro pasaway moments. May allergy daw ba ako o wala? Allergy po saan? Ang gulo naman kasing magtanong ni Doc. May high blood daw ba ako o wala? Sabi kung minsan meron, minsan wala, depende sa okasyon. Hahaha!!!

Medyo nakakatawa rin itong policy namin dito. Sira-katawan, di pwede. Sira-ngipin, di pwede. Pero sira-ulo, pwede!!! Malusog na katawan, pasado. Matibay na ngipin, pasado pa rin. Pero papasa kayo ako kung may psychiatric check-up? Hahaha!!!

Sunday, April 03, 2005

Aiming for 125

There is one record in the Guinness book of records that I am aiming to break. I will try to become the oldest human in the world. At ano ba ang age ng oldest human on record? 122 years old lang naman.

1980 ako pinanganak. Plus 125 years is 2105. Ibig sabihin ay 100 years pa ang lalakbayin ko para ma-break ko yung record. Wala pa ako sa kalahati!!! Kung di ko man kayanin ang 125 years ay ok na ang 123 years. Basta lang ma-break ko yung record ay ok na sa akin.

Meron na nga akong authenticated birth certificate para kung mareach ko yung target age ko ay hindi magkakaron ng problema sa documentation ng aking record. Mahirap na!!! Baka magkadayaan pa!!!

At pag dumating ang panahon na makuha ko na ang record for being the oldest man ever to lived ay syempre ilalagay ko rito sa blog ang achievement kong ito. Come to think of it, I would also become the oldest blogger on record. Hahaha!!! Naiimagine ko ngayon ang itsura ko habang nagcocompose ng blog entry 100 years from now. Sana ay mabasa nyo rin ito!!! Kita-kits tayo sa 2105!!!