Friday, October 22, 2004

Calc, nagpapakopya ka ba pag may exam?

Syempre naman!!! pero syempre may evil twist pag kumopya ka sa akin. Haha!!! Share ko ang aking dalawa sa pinakamatindi kong cheating method.

1st Technique: Pag bigay ng test paper, instead of answering, babasahin ko muna lahat ng mga questions and at the same time ay sinasagutan ko na sa isip ko. Kung may essay yung exam, yun muna ang sinasagutan ko. Kung ang exam ay good for one hour, I'll start answering 15 minutes before submission. Kawawa ngayon yung mga katabi ko kasi 45 minutes silang nakatingin sa isang blankong test paper. Tapos pag oras na ng pagsagot, bibilisan ko ngayon yung paglagay ng sagot. At para mas lalong malito yung mga kumokopya sa akin, random ang pagsagot ko at hindi sequential.

2nd Technique: Mas malupit itong second technique ko. Di ba pag minsan ay nagpapasahan tayo ng mga sagot? Isusulat sa isang pirasong papel ang sagot tapos pag hindi nakatingin ang proctor ay ipapasa sa katabi. Ginagawa ko rin yan, yun nga lang mali yung mga answer na nakasulat. Hindi naman nila napapansin kasi sulat na lang sila ng sulat. Di nila mahahalata na mali kasi ginagawa kong malapit sa tama na akala mo ay tama pero mali pala. Haha!!! Mas maganda itong technique na to pag math exams. Sinusulat ko yung tamang solution pero pagdating sa dulo mali yung sagot. Hahaha!!!

Hindi naman ako nahahalata kasi kumbaga kapit na sila sa patalim. Expected din naman nila na babagsak sila sa exam na yon kaya tinutupad ko lang ang mga wishes nila.
Videoke Bash


Kitang-kita ang stage presence!!! Complete with backup pa. I was singing Reasons by Earth, Wind and Fire. Mga passionate singer kasi ang mga officemate kaya nahawa na rin ako. Isa sa mga motto nila ay kahit na mababa ang score mo basta galing sa puso ay panalo ka na rin. At every videoke bash namin ay parang contest dahil talagang walang gustong magpatalo. Kahit yung mga office mates kong babae ay nakikipagsabayan sa amin. Grabe pati ang haba ng kantahan namin, we started singing at around 5 pm at naawat lang kami ng 11 pm. Bitin pa kami nun!!! Haay... next week may videoke bash na naman kami sa Red Box. Maihanda na ang "After the Love is Gone" ng EWF, "You Make Me Feel Brand New" ng Stylistics, "Too Much Heaven" ng Beegees at "VST Concierto" ng VST. Aheemm...
25 centavos...

Alam nyo ba yung bucket meal sa Kentucky? Siguro mga two months ago, kumain kami sa Kentucky at inuwi ko yung bucket para gawing alkansya. Doon ko ilalagay lahat ng mga 25 centavos na nakukuha ko sa isang araw. Di ko maalala kung sino ang mga kasama ko noon pero ang alam ko ay tawa sila ng tawa nung sinabi kong ganon ang gagawin ko. Ewan ko lang ngayon kung pagtatawanan pa nila ako ngayong lampas kalahati na ako. "Anumang magaling, Kahit na maliit, Basta't malimit, Makakarating din ng langit"!!!