Suppose you ate in a restaurant and was very satisfied with the service, how much then should you give as a tip? Yan ang isa sa mga questions namin during one of our brainstorming sessions. Magkano nga ba? After an hour of discussion, we reached an agreement that na it should be based on a portion of your total bill. So kung hindi kayo satisfied, walang tip. Pag ok na service, 15%. Pag super ok, 20%. Example, Kung ang bill mo ay 250 pesos at ok yung service, ang tip na ibibigay mo ay 37.50 (15% of 250) Kung super ok, 50 pesos.
Here's a twist sa problem. Paano kung may kahati ka sa bill? Dapat ba na hati rin kayo tip? Syempre naman!!! Kunin nyo muna kung magkano ang tip doon sa bill nyo. Add the tip to the total and divide kung ilan kayong magbabayad. Ibig sabihin kung doon sa 250 ay hati kayong dalawa. Then ang contribution nyo sa bill ay 143.75 [(250+37.50)/2] at a 15% satisfactory level. Ayos di ba?
Paano kung wala kayong calculator?!! Eh di gamitin nyo yung calculator sa cellphone nyo!!!(Hehehe!!! joke lang) Here's a shortcut para makuha nyo. Kunin nyo muna ang 10% ng bill nyo. Just move the decimal one place to the left. Kung ang bill nyo ay 250 then 10% would be 25. Then take half of that para sa 5% which will be 12.50. Add 25 and 12.50 to get 37.50 which is now 15% of 250. Andali lang, di ba?
With this in my mind, lumalabas na masyado pala akong galante magtip sa barbero ko. 60 pesos ang haircut ko tapos I give a tip of 20 pesos kasi very satisfied ako sa service nya kahit na isang oras ang tagal ng paggupit. 20 pesos is 33% of 60. Dapat ang tip na binibigay ko ay 12 pesos lang. Hmmm.... Leche kang equation ka!!! Pakialam mo ba kung bigyan ko ng 20 pesos!!!
Preview for my next blog
Already in draft are topics from fruits and vegetables, "videoke vengeance" post and a very special "the boy who loves butterfly" story....
2 comments:
Post a Comment