Self-explanatory na siguro itong accident na 'to. Ang idinahilan ng driver eh inaantok daw sya. Eh bat ka nagdrive?! Resulta eh may nahagip syang bystander na sa kasamaang palad eh hindi pinalad na makaligtas. Buti na lang at di tumakbo yung driver...
Going to work ako ng biglang sumabog yung gulong ng jeep. Buti na lang at early morning sya kaya hindi nahirapan yung driver na itabi yung sasakyan. Medyo nakakatawa kasi yung ibang pasahero na natutulog eh biglang nagising. Hehe...
Inaayos yung isang street sa loob ng Sta. Ana at doon dumaan yung tricyle namin. Ayos na yung left side tapos yung right side naman eh bagong hukay pa. Katulad ng monday event eh mali ang iwas kaya ang resulta, hulog yung isang side ng tricyle sa hukay. Buti na lang at sa may likod ako ng driver naka-angkas medyo ok lang.
Naisipan kong maglakad pauwi. Ok na sana ang lahat kaso pagdaan ko doon sa isang street eh saktong inabutan ko na nagtatakbuhan ang mga tao. Bakit? May lasing daw na nagwawala! Eh di nakitakbo na rin kaya ako. Nakakatakot yung hawak nyang jungle bolo eh!!
Iwasan nyong sakyan ang MRT elevator sa Quezon Avenue, Ayala at Boni. Tumitigil kasi. Kung nagmamadali kayo eh magstairs na lang para sigurado.
Kaya sa inyo eh laging isuot ang seat belt. Pinapataas ng seat belt ang chance mong makasurvive sa isang accident. Pag nasa jeep o bus naman eh laging humawak sa mga handles. Bumababa ang inertia ng katawan pag humawak ka sa mga handles. Pagdating sa aksidente, importante ang bawat integer, bawat decimal point at bawat percent!!! AT, higit sa lahat, i-memorize ang Act of Contrition!! Between hell and purgatory, eh, sa purgatory na lang ako, di ba?! At least, may chance ka pa sa heaven.