Monday, August 06, 2007

Willpower


Chigo: Di mo ako malalasing, calc!! Hahaha!!
Calc: Talaga lang ha?!

Thursday, July 19, 2007

Light and Darkness


"Without the darkness, how would we recognize the light? Do not fear your negative thoughts. They are a part of you. To pretend it does not exist is to create an opportunity for it to escape"
Star Trek: Voyager

Wednesday, July 11, 2007

Challenge


Lumipad kang parang agila at bumagsak sa lupa na parang tuyong dahon - "Kamagong"

Wednesday, July 04, 2007

Burden


And I set my heart to know wisdom and to know madness and folly. I perceived that this also is grasping for the wind. For in much wisdom is much grief, And he who increases knowledge increases sorrow (Ecclesiastes 1:17-18)

Saturday, June 30, 2007

Gift

Isa sa mga requirements ko bago magninong sa binyag eh kailangang ka-birthday ko. Pag hindi eh talagang tinatanggihan ko na agad. At dahil sa requirements kong ito eh dalawa lang ang inaanak ko. Pag nalaman kong October sila nag-[censored] eh sinasabihan ko na agad sila na pag sa birthday ko sila nanganak eh magnininong ako sa anak nila. May kapalit naman pag kinuha nila akong ninong kasi sasagutin ko na ang buong binyag ng inaanak ko. At pag pumapasok na sa school eh wala na silang problema sa magtuturo!!!

Kumare: Malapit ng birthday na inaanak mo.
Calc: Oo nga eh
Kumare: May gift ka na ba?
Calc: Meron na syempre!!!
Kumare: Ano?
Calc: Libro!!! Calculus for toddlers! Hahaha!!!

Monday, June 25, 2007

Simba

Officemate: What time ka ba nagsisimba?
Calc: Mga 5 am ng umaga
Officemate: Ha!! Bat naman ganun kaaga?
Calc: Eh kung nakakagising nga tayo ng maaga para pumasok eh bat naman hindi para sa pagsimba di ba?!
Officemate: Wooshoo!!! Eh bat di ka na lang magsimba sa anticipated mass?
Calc: Ay, ayaw ko dun kasi hilaw pa ang grasya!
Officemate: Hilaw?!
Calc: Yup! Kinabukasan mo pa magagamit yung bisa nung grasya. At kaya pati maaga ang simba ko eh dahil sa nandun yung swerte...fresh na fresh at mas mabisa.
Officemate: At pagdating ng hapon eh ubos na ang bisa?
Calc: Correct!! Kung tataya ka sa lotto eh malabo ka ng manalo kasi mahina na yung bisa ng swerte mo.

Wednesday, June 20, 2007

Feng Shui

Nung minsan eh isinama ni mama sa aking sanktuaryo yung friend nyang marunong magfeng shui. Maganda naman daw ang vibes nya nung iniikot na sya ni mama. Pero pagdating nya sa kwarto ko eh hindi agad sya pumasok...

Feng Shui: Sa yo ba itong kwarto na ito?
Calc: Opo
Feng Shui: Hindi ka ba nagiging masasakitin lately? Wala ka bang sakit ngayon?
Calc: Wala naman po
Feng Shui: Wala ka bang problema sa work mo? Kaaway na mga officemates o ibang tao?
Calc: Wala naman po
Feng Shui: Financial?
Calc: Ok lang naman po

Pumasok sya sa kwarto na parang nahihirapan at nabibigatan...

Feng Shui: Wala kang lamp dito sa kwarto mo?
Calc: Oo nga po eh
Feng Shui: Natutulog ka bang naka-off ang ilaw?
Calc: Opo
Feng Shui: Hindi ka ba nahihirapang makatulog?
Calc: Hindi naman po
Feng Shui: Di ka ba naiinitan dito?
Calc: Ok lang naman po sa akin

Inikot pa nya ng konti ang kwarto ko tapos eh lumabas na sya. Hindi talaga sya mapakali. Inexplain nya sa akin na yung kwarto ko raw eh lumalabag sa mga bawal sa feng shui. Lahat ng mali eh makikita sa loob ng kwarto ko. Parang lahat raw ng negative energy sa buong bahay eh nakafocus sa kwarto. Yung pwesto ng kama, yung orietation ng mga furnitures, bintana, ilaw... lahat eh in-direct violation. Sya raw mismo eh nahihirapang huminga sa kwarto ko at napakabigat ng pakiramdam nya! At ang pinagtataka nya eh kung bakit parang hindi man lang daw ako naaapektuhan. Hahaha!!!

Nung isang linggo eh gusto ko sanang ayusin ang kwarto ko pero dahil sa consultation eh malamang na hindi ko na muna ito gawin! Baka kung ibahin ko eh tsaka naman ako malasin! Hahaha!!!

Saturday, June 16, 2007

Fate Stay Night

It feels so close to me, yet I can't grasp it even if I extend my hands. Even so... even if I can't reach it... there are things that will stay in my heart. Being in the same time and looking at the same sky, if I can remember that, then even if we are far apart from each other, I believe we can be together.

I will run forward now. If I set my goal far enough, then someday, I'll be able to reach what I aimed for.

Tuesday, May 29, 2007

Limit

Dumating from the US ang mga pinsan ko. Syempre, English-spokening tayo kasi konti lang na Tagalog ang naiintindihan nila. Ok naman ang mga communications ko sa kanila pero etong isang pamangkin ko ang medyo may problema...

Calc: Bakit bihira mo lang silang kausapin? Nahihirapan ka bang mag-English?
Pamangkin: Hindi naman po kuya.
Calc: Eh bakit hindi mo sila masyadong kinakausap?
Pamangkin: Eh kasi kuya my English last for only ten seconds
Calc: ANO?!!! After ng ten seconds biglang Tagalog na agad!!!
Pamangkin: Parang ganun na nga kuya
Calc: Aba'y para pala yang si Cinderella!!!

Sunday, May 27, 2007

Sloth

Sa isang healing mass sa Lucban, Quezon...

Inner Voice: Sumali ka kaya sa healing session?
Calc: At ano naman ang ipapagamot ko?
Inner Voice: Eh di yang katamaran mo!
Calc: Magagamot ba nyan ang katamaran?
Inner Voice: Oo naman!! Nakalagay yan sa Hebreo 6:12
Calc: Hindi namin nais na kayo ay maging tamad kundi inyong tularan sila na sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiyaga ay magmamana ng ipinangako ng Diyos?
Inner Voice: Yan nga!!!
Calc: Oo nga noh!!
Inner Voice: Eh di magpapalista ka na?!
Calc: Oo... pero mamaya na lang...

Friday, May 18, 2007

Wait

Gusto kong magtaxi pauwi .... ang tanong eh saan ba ako pupuwesto para makakuha ng taxi agad at makauwi ng maaga.

Location A: mataas ang arrival rate ng taxi pero napakababa naman ng probability na makakasakay ako

Location B: almost 97% ang chance na makakasakay ako pero napakababa naman ng arrival rate ng taxi

Kahit ako eh nahihirapang magdesisyon kung anong gagawin kaya kalimitan eh kay Location C ako bumabagsak. Sa location C kasi mataas na ang arrival rate, mataas pa ang probability na makakasakay ako! Saan ito? Eh di sa jeepney station!

Saturday, April 28, 2007

Reunion

10 years na ang nakakalipas since high school graduation. At dahil dito ay nagkaron ng meeting para magplano sa isang reunion. Para maiba eh pumunta ako para naman makita ko uli ang mga long lost classmates ko. Di naman ganun karami kaming umattend. Since pre-planning stage palang eh understandable naman. Masaya naman kasi nostalgic ang kwentuhan at talaga naman walk down memory lane ang nangyari. May bukingan at aminan!! Hehehe!!!

Isa sa mga concern ay kung paano macocontact yung ibang mga classmates namin. Mabuti na lang at may yahoo group kami at ang iba sa amin ay may mga friendster account. Pero, para sa mga wala sa mga hindi member ng yahoo group at walang friendster account ay nagvolunteer ako na subukang hanapin yung mga hard-to-find classmates namin since may resources namin ako para gawin ito. Ideally, gusto naming i-target ang 100% attendance pero syempre, mahirap gawin ang ganyan after 10 years kaya ang target percentage namin ay mga 60-70%.

Pag gising ko kaninang umaga eh narealize na magandang challenge pala yung nakuha ko. Under the assumption na pag may nacontact akong classmate eh 100% na pupunta sya, then, attendance percentage is directly proportional to the number of attendees. The more hard-to-find classmate na macontact namin eh the more na tataas ang percentage of attendance.

Pero syempre, hindi naman ganun yun kasimple kasi pag nacontact ko ang isa eh hindi naman guaranteed na 100% ang attending probability nya. Meron, for sure, na aattend lang if marami ang attend. Lumalabas na attendance is proprotional to the number of attendees. The higher the attendance, the higher the probability that he/she will attend the reunion.

Marami pa akong nakitang mga complications like yung mga batchmates ko na nasa ibang bansa na or mga batchmates na sumakabilang-buhay na. Pero all in all eh kailangang makaisip ako ng mga strategies para mapataas naming ang number of attendees. Eto nga at nirereview ko ang graph theory at numerical analysis method notes ko. Aba'y masaya pala talaga ang reunion!!!!

Friday, April 20, 2007

Chance

May 98.75% probability na 50-50 ang chance ko na magpost ng blog. Anong dapat kong gawin?

Saturday, April 14, 2007

Teleserye

Nagbalikbayan yung tita ko kahapon. Kakarating palang eh may moments na agad sya sa mga teleserye natin dito sa Pinas. First nyang pinanood eh yung Maria Flordeluna. Eh di sa simula eh ok lang. Natapos yung show show tapos sumunod naman yung Sana Maulit Muli. Nung pinapanood na nya yung Maging Sino Ka Man eh bigla syang nagsalita...

Tita: Napakahaba naman ng series na ito!!! Para namang pelikula!! AT ang dami-daming artista!
Calc: Ha?!
Tita: Nasaan na yung bata? Si Flordeluna?
Calc: Eh tita, kanina pa po tapos yun!!! Ibang palabas na po ito.
Tita: ANO?!!!
Calc: Bale, yung pangatlong show na ang pinapanood nyo
Tita: Kaya pala medyo nalilito ako sa story

Hahaha!!!

Saturday, April 07, 2007

Holy Pasaway

Pati ba naman semana santa eh sinusundan ako. Naisipan kong sumama sa prusisyon nito lang Good Friday. Pumuwesto ako sa likuran ng mga nagdadasal ng rosary. Naka-microphone syempre sila kaya lahat ng nangyari eh dinig na dinig!!

Leader: Hail Mary....
Sagot: Holy Mary...
Leader: Glory be to the....

Biglang sumingit si sister!!!

Sister: Kulang pa ng isang Hail Mary!
Leader: Sigurado ka?!
Sister: Oo. Siyam na Hail Mary pa lang ang nadadasal natin
Leader: Baka naman mali ang bilang mo
Sister: Hindi. Kulang pa talaga. Lahat kami eh siyam palang ang bilang

Konting katahimikan...

Leader: Ay! Kulang pala yung bead ng rosaryo ko!!

Sunday, April 01, 2007

Quantum Love

One of those quantum days...

Q: Interesting talaga ang photons. Always come in pairs, separated only by time and space.
Calc: Hmmm... quantum entangement...
Q: Yup. At kahit na may separation sila eh always in instantaneous communication pa rin.
Calc: Di ba hindi pa rin maexplain kung bat ganun?
Q: Ang ganda nga ng concept eh
Calc: Bakit?
Q: Parang ganito kasi yun eh, we affect each other, kahit na hindi natin sinasadya o kahit na hindi natin gustuhin. Connected pa rin tayo sa isa't-isa kahit na pinapakita natin na unaffected tayo.
Calc: Teka! Nasa quantum entanglement pa ba tayo? Parang lovelife yata yan eh?
Q: AT napakabilis ng expansion rate ng universe natin. Eventually everything, every matter, will be drifting alone and disconnected with each other. Nakakalungkot kasing isipin kung pati tayo will behave in a similar fashion.
Calc: And your point is?
Q: The risk of human contact are more than compensated by the rewards.
Calc: Haha!! At ngayon mo lang yan na gets all because of photons?!!

Thursday, March 22, 2007

Prone

Ilalagay ko na lang eh yung mga exciting accidents and mishaps na nangyari sa akin nitong nakaraang week.


Self-explanatory na siguro itong accident na 'to. Ang idinahilan ng driver eh inaantok daw sya. Eh bat ka nagdrive?! Resulta eh may nahagip syang bystander na sa kasamaang palad eh hindi pinalad na makaligtas. Buti na lang at di tumakbo yung driver...

Going to work ako ng biglang sumabog yung gulong ng jeep. Buti na lang at early morning sya kaya hindi nahirapan yung driver na itabi yung sasakyan. Medyo nakakatawa kasi yung ibang pasahero na natutulog eh biglang nagising. Hehe...

Inaayos yung isang street sa loob ng Sta. Ana at doon dumaan yung tricyle namin. Ayos na yung left side tapos yung right side naman eh bagong hukay pa. Katulad ng monday event eh mali ang iwas kaya ang resulta, hulog yung isang side ng tricyle sa hukay. Buti na lang at sa may likod ako ng driver naka-angkas medyo ok lang.

Naisipan kong maglakad pauwi. Ok na sana ang lahat kaso pagdaan ko doon sa isang street eh saktong inabutan ko na nagtatakbuhan ang mga tao. Bakit? May lasing daw na nagwawala! Eh di nakitakbo na rin kaya ako. Nakakatakot yung hawak nyang jungle bolo eh!!

Iwasan nyong sakyan ang MRT elevator sa Quezon Avenue, Ayala at Boni. Tumitigil kasi. Kung nagmamadali kayo eh magstairs na lang para sigurado.

Kaya sa inyo eh laging isuot ang seat belt. Pinapataas ng seat belt ang chance mong makasurvive sa isang accident. Pag nasa jeep o bus naman eh laging humawak sa mga handles. Bumababa ang inertia ng katawan pag humawak ka sa mga handles. Pagdating sa aksidente, importante ang bawat integer, bawat decimal point at bawat percent!!! AT, higit sa lahat, i-memorize ang Act of Contrition!! Between hell and purgatory, eh, sa purgatory na lang ako, di ba?! At least, may chance ka pa sa heaven.

Monday, February 26, 2007

Random Stuffs

Sabi ng mga kapatid ko, umiinit na raw. Ganun din ang mga officemates ko. Pero, ako eh parang di ko naman nararamdam. Medyo nilalamig pa nga ako. Mataas lang siguro ang resistance ko sa init. Doon yata kasi ang punta ko kaya sinasanay ko na! hahaha!!!

Bakit hindi ako pwedeng magsabi ng "hindi ko alam yan", "hindi pwede yun", "ewan ko", "mahirap gawin", "mahirap i-explain"?

Mas masarap ang tulog ko ngayon kung sa sahig ako natutulog kaysa pag sa kama.

Bakit once a day na lang pati ako kumakain?!! Iinom lang ako ng tubig sa umaga at parang solve na ang tyan ko. Pupunta ako sa canteen ng lunch pero wala akong ganang kumain kasi parang busog pa ako. Gabi na ako nakakaramdam ng gutom.

sa pagitan ng pagkabulag o pagkabingi, mas gusto ko ang mabulag. Pag bulag eh naeenhance ang sense of hearing at touch. Pero pag bingi eh hindi naman naeenhance ang sense of sight at touch mo.

Ilang beses na akong naaksidente pero ang tigas pa rin ng ulo ko kasi laging sa unahan pa rin ako sumasakay... walang kadala-dala!!! bakit pati ang mga nasasakyan ko eh yung mga takaw-aksidente, mabilis magpatakbo, malakas ang preno at color-blind!

Nawawala ba ang meaning ng near-death experience pag lagi itong nangyayari sa isang tao? Kung unang beses eh syempre mapapaisip ka kasi binigyan ka ng second chance. Eh paano kung mangyayari uli, siguro, swerte. Eh paano kung lumampas na ng dalawa?!

Inspired by Jessica Zafra's book, who are the people I might meet in hell? Hmmm...

Wednesday, February 07, 2007

Estudyante

Kwentong-jeep uli tayo...

Pasahero 1: Manong, bayad po
Driver: (pagkatanggap sa bayad) Kanino 'tong sais?
Pasahero 1: Kakasakay lang po...
Driver: Estudyante ba?
Pasahero 1: Opo

Ok lang, di ba? Maya-maya eh may nagbayad uli...

Pasahero 2: Bayad po
Driver: (medyo inis) Kanino 'tong sais?
Pasahero 2: Sa akin po
Driver: Estudyante?
Pasahero 2: Opo, kakasakay lang po
Driver: (malakas na boses na parang nang-aasar) Sabihin nyo kung estudyante kayo o hindi!!! Obligasyon nyo yan!!!

Sa gitna ng katahimikang nakakakilabot eh may isang nangahas na magsalita...

Calc: Mama, bayad po! Hindi po estudyante!!

Wednesday, January 17, 2007

Luck

Mga 'low probability' moments na nangyari sa akin lately.

1. Ang normal seating capacity ng jeep eh 20 persons. Dalawa sa unahan at tig-siyam sa magkabilang side. Assume natin na 50% ang probability na ang gender ng sasakay eh male. By indepence, ang probability na puro lalake ang nakasakay sa jeep eh 0.00000095367431640625. Malabong nangyari pero nangyari!!

2. Anim na traffic light ang nadaanan ko at lagi syang green!!! Three days ng nangyayari!!!

3. Pag gagamit ako ng elevator eh saktong-sakto na laging andun sa floor na kinalalagyan ko!!

4. Nung Friday night sa Greenbelt eh nakakuha agad ako ng taxi!!

Eh ano naman ngayon?! Wala naman masyado...pero parang gusto kong tumaya sa lotto!

Thursday, January 11, 2007

Gospel

Talagang maraming iniisip ang mga tao ngayon. Sa dami ng iniisip eh minsan eh may mga nagagawa sila o nasasabi na sablay sa pagkakataon tulad nitong nakasabay ko...

Deacon: Katawan ni Kristo
Ale: Thank you......Amen po pala!!

Pero kung sa tingin nyo eh distracted na sya eh mas lalo naman yung pari na nagmisa!! Ang plus point pa rito eh kumakanta sya habang nangyari ito...

Pari: Ang mabuting balita ayon kay San Lukaaassss....... San Markkoo palaaa....

Malamang eh tamaan ako ng kidlat ngayon!!!