Yup! For the seventh time sa aking buhay ay nabangga ang jeep na sinasakyan ko. Sinong may kasalanan? Sa pagkakataon na ito eh kasalanan ng driver namin. Masyado kasing nagmamadali. Nagcounterflow sa kabilang lane kahit green naman ang traffic lights namin. Ambilis ng patakbo nya eh biglang may lumabas ng taxi, ayun... di kumapit yung brake nya kasi madulas yung kalsada. Bangga tuloy!! Tinamaan na nya yung taxi, sumabit pa sya dun sa van. Double-bayad!!!
Sa may driver's seat ako nakaupo kaya kitang-kita ko na babangga kami sa taxi. Sabi ko sa sarili ko, limang segundo bago bumangga sa taxi eh, "Kapit at babangga tayo". Medyo nasanay na ako kasi nga pampito ko na yan kaya alam ko na kung anong gagawin ko. Natawa nga lang ako sa mga sigaw ng mga pasahero sa loob kasi sabay-sabay ang pagsigaw nila ng "Maaammmaaa!!!"(falsetto range pa yan!!). Hindi naman ganon kalakas yung impact namin sa taxi kasi kahit naman papaano eh kumapit pa rin yung brake. Yun nga lang, tumama pa rin yung noo ng driver sa manibela. Nagkapasa tuloy sya. Sa mga pasahero naman eh, high blood lang naman ang inabot nila. Wala rin namang nasaktan sa side ng taxi at nung van.
Sa kabuuan, eh very mild road accident lang ito. Walang nasaktan at konti lang ang damage. Maganda na rin yun kung ikukumpara sa anim kong previous na aksidente. Ay sus!! Yung nakikita nyong mga super wasak na aksidente sa TV? Parang ganun!! Nakaligtas ba ako? Natural!!! Eto nga at naiblog ko pa!!! Eh kailan naman kaya ang pangwalo? Sira-ulo!!!