Saturday, August 26, 2006

Sickness II

Makalipas ang isang buwan, I'm still 'unbreakable'. Para nga naman akong sira-ulo kasi hinihiling ko na magkasakit ako.

It's been 10 years since magkasakit ako. Combination sickness nga yun eh. Typhoid fever with amoebiasis. Nakuha ko malamang yun sa paligid ng UST. One week din akong na-confine sa hospital. After recovering eh hindi na nasundan pa uli. Ewan ko pero after that moment eh lumakas talaga ang resistensya ko.

Kainan sa isang birthday party. Si mama, mga kapatid ko, tita, pinsan, pamangkin ko at ako ay kumain ng kare-kare. Si daddy lang ang hindi kumain. Kinagabihan, lahat ng kumain ng kare-kare ay nagkaroon ng diarrhea. Na-confine pa nga yung asawa ng pinsan dahil dehydrated na talaga. Si daddy naman eh hindi naapektuhan. Ako na nakatatlong-balik sa kare-kare ay ni hindi man lang nasira ang tyan!!!

Minsan naman kung uso ang sipon, lagnat o trangkaso eh ako na lang talaga natitira. Kalimitan ay dalawang araw lang ang tinatagal ng sipon sa akin. Lagnat naman eh itulog ko lang sa gabi eh wala na agad sa umaga.

Pero, maganda na rin siguro ang hindi ako magkasakit. Aba'y dapat lang dahil sa panahon ngayon eh bawal na bawal talaga ang magkasakit!!!

Tuesday, August 08, 2006

Sickness

BAKIT AKO NA LANG ANG HINDI NAGKAKASAKIT?!!!