Isa sa namang kwentong jeep...
Minsan ay hindi maiiwasan na makalimutan na puro buo ang dala mong pera. Mukhang ganito ang nangyari sa nakasabay ko sa jeep. Talagang naghanap sya ng barya sa bulsa nya, sa wallet nya at dalang bag. Medyo sinusuwerte ng konti kasi meron naman syang nakita. Pati yung mga 10 at 5 centavos eh ginamit na rin nya. Bat naman di mo gagamitin eh pera rin naman yun, di ba? Eto ngayon ang conflict...
Pasahero: Manong, bayad po.
Driver: (matapos bilangin ang bayad) Kulang 'to. Syete treinta'y singko lang ito (7.35)
Pasahero: Manong, walang po kasi akong smaller bill.
Driver: Sa iba ka na lang sumakay
At sabay balik ng bayad sa pasahero. Ewan ko lang pero para sa akin eh napaka-walang konsiderasyon nung driver. Ganun ba sya kagipit sa buhay para ibalik yung bayad at malaking kawalan sa kita nya yung kinse sentimos!!! Pero, yun na nga ang nangyari, bumaba yung pasahero sa jeep. For sure, eh minumura nya yung driver sa loob-loob nya. Ok lang yun dahil hindi sya nag-iisa!!!
Dahil nga sa bumaba yung pasahero eh kailangang kumuha nung driver ng isang kapalit. Meron naman syang nakita malapit sa may traffic light. Talaga ngang gipit yung driver kasi kahit green yung light eh tumigil muna sya para kunin yung pasahero. Hindi pa kami nakakalayo sa traffic light eh may naka-yellow na pumapara sa jeep namin. Hahaha!!! Huli ang jeep namin ng pulis!!! Buti nga sa yo!!!
Mabuti na lang at bingi yung pulis na humuli sa amin dahil kahit anong paliwanag ng driver namin eh hindi nya pinapakinggan. Kung hindi nya kasi pinababa yung naunang pasahero eh siguradong hindi sya mahuhuli. Siguro eh naisip nya yun habang tinitingnan ang presyo ng multa nya. Magkano ang multa nya?!! 735 pesos!! Hahaha!!! Ang galing mo, karma!!! Sapul na sapul talaga!!
At parang nang-aasar talaga ang kapalaran kasi biglang nag-air sa radyo ng jeep yung "It hurts, it hurts, you know!!!"