Monday, September 26, 2005

Request

Gusto ng parents ko na...
... magtipid ako.
... umuwi naman ako ng probinsya.
... hwag magpagabi sa lansangan.
... mag-ingat sa pagsakay-sakay sa mga bus.
... tumawag kung gagabihin.
... sundin ang mga hiling ng mga sisters ko.

Hiling ng mga sisters ko na...
... linisin ko ang kwarto ko.
... itapon ko ang basura.
... maglaro ng badminton.
... mag-iba na ng cable operator.
... bigyan sila ng pang-'shopping'.
... tumaya sa lotto.

Request ng mga tita ko na...
... i-print ang laman ng digital camera.
... magdala ng alcohol at tissue para sa kanila.
... magtrabaho na lang ako sa ibang bansa.
... hwag pumasok ng Sabado at Linggo dahil wala namang bayad.
... palitan na ang salamin ko
... iboto si Franzen sa Pinoy Big Brother.

Gusto ng mga officemates ko na...
... mag-aral akong magdrive.
... magconduct ako ng echo training sa HTML at Perl.
... gawin na ang version 3 kahit wala pang version 2.
... gumawa ng CSS para sa kanilang friendster profile.
... magpareserve ako sa ABS para makapanood sila ng ASAP.

At ang iba naman ay humihiling sa akin ng...
... autographed Footloose CDs
... laban sa Naruto video game
... isa pang 'inspirational' speech
... friendster acceptance
... share-a-load para makapag-text unlimited
... thesis advice
... movie watching
... blog update

Sa lahat ng mga ito ay isa lang naman ang gusto ko. Walang iba kundi world peace!!!

Sunday, September 18, 2005

Sonnet

I love you without knowing how, or when, or from where.
I love you straightforwardly, without complexities or pride;
So I love you because I know no other way than this

Very rare na makatanggap ka ng mga ganyang lines sa cellphone, di ba? Yung iba kasing mga quotes ay super coated ng asukal kahit langgam magkaka-diabetes. As a reward ay hindi ko muna dinelete itong message na 'to.

Wala sa dugo ko ang pagiging poetic pero that line was taken from Pablo Neruda's 100 Sonnets of Love XVII. The sonnet started like this...

I do not love you as if you were a salt rose, or topaz
or the arrow of carnations the fire shoots off.
I love you as certain dark things are to be loved,
in secret, between the shadow and the soul.

Do women of today still digs poetry? Maybe, maybe not. Pero kung ako ang magsasabi nyan sa harap ng girl, baka magdilim ang mga paningin nila!!!

Sunday, September 11, 2005

Advice

A fresh advice from my psychiatrist...

"Anything worth doing is worth delaying"


At dahil dyan ay next meeting na lang ang blog ko. Class dismissed!!!

Monday, September 05, 2005

Meralco Theater

Matagal-tagal din ang huli kong punta rito. Ito ang dahilan kung bakit di ko na matandaan kung nasaan ang theater. Dalawa lang ang alam ko...malapit ito sa Robinson's Galleria at may dumadaan na jeep dito. Eh di punta ako sa Galleria, ok. Punta ako sa may jeep terminal, ok. Since wala na akong idea kung saan ang theater ay kailangan na nating magtanong. At ang pumasok sa isipan ko na pagtanungan ay ang driver ng jeep na kasalukuyang nagpupuno ng jeep...

Calc: Manong, dadaan po ba kayo ng Meralco Theater?
Driver: Oo.

Ayos!!! Sakay na agad ako. Umupo ako sa tabi ng driver para kita ko yung both sides ng kalsada at para na rin di ako mahirapang maghanap.

Calc: Manong, pakisabi na lang po sa akin kung nasa Meralco na po tayo?
Driver: Oo.

Since nasa terminal ako, kailangang hintayin munang mapuno ang jeep. Inabot siguro ng mga twenty minutes bago napuno kasi mahina ang dating ng mga tao.

Matapos ang mahabang paghihintay ay umalis na kami sa terminal. Expected ko ay malayo yung lugar kaya todo bantay ako sa magkabilang side ng daan. Di pa nakakalayo ang jeep namin ay biglang tumigil ito sa pangatlong kanto.

Driver: Meralco theater na 'to. Tawid ka na lang sa kabila

Lingon ako sa direksyon na kanyang tinuro. Ano!!!! Nandito na tayo!!! Ang hirap talagang ipaliwanag. Aba'y mas matagal pa ang inupo ko sa jeep kaysa sa tinakbo nito. Wala pa ngang dalawang minuto yung tinakbo namin. Bumaba ako sa jeep ng gulat na gulat at di maipaliwanag ang gagawin. Syempre, nakakaasar yung nangyari. Eh kitang-kita ko pa ang Galleria, yung flyover at yung terminal!!! Pwede naman palang lakarin.

Panalo ka talaga, mamang driver. Eto ang isang kantang nararapat sa iyo...

"Mamang kay lupit
Ang puso mo'y di na nahabag"

Thursday, September 01, 2005

Ham Sandwich

Nakakatuwa itong math theorem na 'to. Bagay na bagay sya sa title ng blog ko.

The theorem states that the volume of any three solids can always be simultaneously bisected by a (n-1) dimensional hyperplane no matter where these three solids are placed or no matter what size or shape they are.

Nasaan yung sandwich dyan? Paanong naging applicable yan sa sandwich? Ganito... Three solids, yung dalawang slice ng bread at yung filling. Hyperplane naman ay yung knife cut.

Pinapakita ng theorem na ito na, with a single knife cut, ay pwede mong hatiin ang isang sandwich into exactly two halves. Ang galing, di ba? Very reassuring!!!! Panatag na ngayon ang loob!!!

Pero nakalagay ba dyan sa theorem kung saan ko dapat hatiin ang sandwich ko? Paano ang hati na dapat kong gawin para ma-maximize ko ang area ng fillings with respect to the area of the bread?

Yan ang problema ngayon. Ang sabi lang ng theorem ay pwede mong hatiin ang sandwich pero hindi nakalagay kung saan mo dapat hatiin.

Mahirap talaga ang kumain ng ham sandwich!!!