Sunday, August 28, 2005

Toast

Naobserbahan ko nung minsan ang paggawa ng kapatid ko ng toasted bread. Ganito yung ginagawa nya.(tawagin kong A, B at C para di nakakalito)

Ipasok si A at B sa toaster               (30 seconds)
Baligtarin at i-toast ang kabilang side (30 seconds)
Tanggaling si A at B. Ipasok si C        (30 seconds)
Baligtarin si C                                 (30 seconds)

2 minutes ang total time nya para makapagtoast ng tatlong tinapay. Meron bang mas mabilis na paraan? Aba'y biruin nyo, meron pala!!!

Ipasok si A at B sa toaster         (30 seconds)
Baligtarin si A at ipalit si C kay B  (30 seconds)
Palitan si A ni B at baligtarin si C  (30 seconds)

Three toasted bread in just ninety seconds!!! At alam nyo ba ang ibig sabihin ng aking natuklasan. Ibig sabihin ay kailan ko ng maglalabas ng bahay. Kung anu-ano na kasi ang naiisip ko!!!

Sunday, August 21, 2005

Scrabble!!!

Nitong mga nakalipas na araw ay kalaro ko ang officemate ko sa larong scrabble. Meron kasi syang scrabble program sa computer nya. Napansin ko din kasi na laging computer ang kalaban nya kaya niyaya ko ng one-on-one. Yung first game ay katuwaan lang muna. Pero ngayon ay race to 7 na ang laro, parang scrabble tournament.

Monday yata namin sinimulan yung game at currently ang standing score namin ay 6-0 in favor of my officemate. In tagalog, nilalampaso ako!!! Magaling ba yung officemate? Magaling syempre!!! Sa anim na game namin ay tatlong beses syang naka-scrabble samantala ako ay wala. Ako pa nga itong laging naghahabol sa score nya. She's really good also in letter placing.

Ang maganda pa nito ay may pustahan yung game namin. Libre ng pizza, hindi lang sya pati yung mga audience namin. Hahaha!!! Syempre, hindi mawawala sa tournament ang mga audience. At pag may audience, di mawawala ang kantyawan at asaran. Syempre, sa akin ang bagsak ng lahat ng asar. Ganon naman talaga yun? Panalo man o talo, ako pa rin ang sasalo. Hahahaha!!!!

Affected ba ako sa score na 6-0? Syempre, hindi!! Mas maganda nga ang laban ngayon para sa akin kasi "Nothing to lose but everything to gain". Pero ang nakakatawa nito ay yung barkada ko ang pinaka-affected sa score ko. Bakit daw pinaabot ko sa ganung score yung laban? Tapos sinermonan pa nila ako na hwag na kasi akong maglaro ng may partida. Eh kung hindi ko naman kasi lalagyan ay hindi naman ako mag-eenjoy. At tsaka may mga pagkakataon na mas malaki ang premyo pag ikaw ang natalo kaysa pag ikaw ang nanalo.

Tuloy ba ang game bukas? On-hold muna kasi hinihintay ko yung 'regression from the mean' ng officemate ko. Mananalo ba ako? Tingnan natin. Abangan sa susunod na blog....

Monday, August 15, 2005

On This Day

Here are the important events in history that happened on this day, Aug 15:

1057: In events later used by William Shakespeare in one of his greatest tragedies, the Scottish king Macbeth is killed by Malcolm Canmore, the son of King Duncan I, whom Macbeth had murdered 17 years before.

1534: Saint Ignatius of Loyola founds the Jesuits, a Roman Catholic order of men, in Paris, France.

1769: Birth of Napoleon Bonaparte

1939: The film version of The Wizard of Oz, starring Judy Garland as Dorothy, has its premiere in Hollywood, California.

1947: Indian independence from Britain is proclaimed, with the former colony partitioned into the two nations of India and Pakistan.

1969: On the opening day of the Woodstock Arts and Music Fair in upstate New York, promoters overwhelmed by the hundreds of thousands in attendance decide to waive admission fees.

2001: Astronomers announced the discovery of the first solar system outside our own.

2004: Calculus started blogging

Sunday, August 14, 2005

THS



Yang pic na yan ay schedule na galing sa isang kilalang computer school. Normal sya, di ba? Sa unang tingin siguro pero kung titingnan mong mabuti yung days, merong letter 'H'. Ano yung letter H? Anong araw ang nagsisimula sa letter H? Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday. Saan dyan ang araw na may letter H? Nung tinanong ko kung ano yung letter H, ang sabi sa akin ay 'Huwebes". ANO!!!!!!! Nasambit ko talaga ang pambansang mura ng Pilipinas nung malaman ko. Kakaiba talaga. Akala nyo dyan natatapos ang kwento? Hindi!!! Dahil eto pa ang mas malupit...

Ang nakalagay sa schedule ay "THS". Akala nya ay Thursday at Saturday ang klase nya. After a while ay tinanong sya ng classmate nya kung bakit di sya pumasok sa Tuesday class nya. Ang sabi naman nya ay wala namang tuesday sa schedule nya. Nung pinakita nya yung schedule list nya sa classmate nya ay doon nya nalaman na ang tunay pala nyang schedule ay "Tuesday Huwebes Saturday" at hindi "THursday Saturday" lang!!!

Panalo talaga!!!! May exam pa naman sila nung Tuesday!!! Hahaha!!!

Sunday, August 07, 2005

Guilty Ice Cream

Last night, di inaasahan, ay bigla kaming inimbitahan nung bagong kapitbahay namin sa condo. Wala pa kasi siguro yung kasama nya kaya gusto nya ng kausap. So, pumayag naman kami since tabing unit lang naman. Eh di kwentuhan, ako, yung apat kong kasama at tsaka sya. Maya-maya, sabi nya ay ikukuha nya kami ng ice cream para naman daw may kinakain kami habang nagkwekwentuhan. Doon ngayon iikot ang blog ko...sa ice cream na dinala nya.

Paglapag nung ice cream sa table, problema na agad. Apat na double dutch at isang ube. Bakit problema? Paborito nung apat ang double dutch!!! Simula pa lang yan. Pagkalapag kasi nung mga ice cream ay medyo nagkahiyaan pa. Wala munang kumukuha. Tuloy muna sa kwentuhan. Kwento, kwento, kwento... At habang nagkwekwentuhan nga ay kinuha na nung tatlo yung double dutch. Natira ngayon sa tray ay isang double dutch at isang ube.

"Kung kukunin ko yung ube, di ako mag-eenjoy pero at least di naman ako maguguilty. Pero kung kukunin ko naman yung double dutch, mag-eenjoy ako pero maguguilty naman ako sa pagkuha nito. Ano ang dapat kong gawin?"

Pero ang tanong, "dapat ba akong maguilty kung kukunin ko yung last na double dutch?" Kung ang kinuha sana ni Hi ay yung ube eh di puro double dutch na lang ang natira para sa amin. Lumalabas na medyo guilty si HI dahil ako ngayon ang pinapahirapan nya sa pag-iisip. Same goes don sa dalawa.

Lumalabas na ganito ngayon ang scenario, 80% ay mas gusto ang double dutch kaysa sa ube. Nung kinuha ni HI yung unang double dutch, ang chance ngayon na gusto nung tatlo yung double dutch ay 40% (.8 x .8 x .8 x .8). Ibig sabihin hindi masyadong guilty si HI sa pagkuha nung unang double dutch.

Yun nga lang pagdating sa akin, ang chance na gusto ni Q yung last double dutch ay naging 80% na!!! Pressured ngayon ako!! Pero kung iisiping mabuti, kasamang nagpataas ng chance yung mga naunang kumuha ng double dutch. Lumalabas na guilty rin dapat sila.

Sana pala ay sa simula pa lang ay nagtanong na ako kung sino ang may gusto ng ube. Para kung meron mang kumuha nito, libre ko ng kunin yung double dutch na walang guilty-guilty!!! Eh paano kung walang gustong kumuha nung ube? Dyos ko!! Pati ba naman yung ube, guilty!!!

Sasabihin ko na lang sana na di ako gutom. At least, para akong bayani. Gesture of selflessness. Kaya lang napansin ko na nakangiti yung tatlo sa akin. Parang alam nila yung iniisip ko...

Ganito ngayon ang ginawa kong move para maresolve ang problema. Ibubuhos ko lahat ng guilt sa bago namin kapitbahay. "Wala na bang double dutch? Bakit kasi ube yung isa?!" Panalo!!! Kinuha nyo yung ube at pinalitan ng double dutch. Haha!!! Panalo ang strategy ko pero pakiramdam ko ay yun na ang last time na iimbitahan nya ako. Tingin nyo?