Sunday, July 31, 2005

Dito lang yan

Namili ako ng mga anime CDs dito sa may StarMall. Sale kasi kaya dinamihan ko na ang bili para mura. Almost 450 rin yung binili ko. Inabutan ko 500 pesos yung saleslady. Tapos may ginawa yung saleslady sa inabot kong 500 pesos. First time kong makakita na ganon!! Biruin nyo, pinagpag nya yung 500 pesos don sa mga CD na nakadisplay. Tinanong ko sya kung ano yung ginagawa nya. Sabi nya sa akin ay para raw mahawa yung ibang CD at maging mabenta. Dito lang yan!!!!

-oo0oo-


Eto pa ang isang bagay na dito lang sa Pinas. Napapansin nyo ba minsan yung mga tindahan sa mall na may nakasabit na upuan sa pintuan? Kalimitan nyo 'tong makikita kapag sarado pa yung tindahan. Bakit kailangan pa yung upuan kung super kandado naman yung tindahan? Nakita ko ang sagot dyan nung minsang maaga ako sa mall. Kalimitan pala kasi ay tatlo ang lock ng isang store. Isa sa baba, isa sa gitna at isa sa taas. Madaling buksan yung lock sa baba at sa gitna. Ngayon yung lock sa taas kalimitan ay hindi abot ng magbubukas kaya kailangan nya yung upuan para maabot yung lock. Parang kwentong-barbero pero kung iisipin nyo nga naman, pinoy lang ang makakaisip ng ganyan. Dito lang yan!!!!

-oo0oo-


Customer: Miss, hanggang anong oras ang midnight sale nyo?
Saleslady: Hanggang 10 pm po...

Panalo talaga!!! San ka pa?!!

Sunday, July 24, 2005

Think Tank



Ang mga tumutulong sa akin sa oras ng pag-iisip. Multi-religion na, multi-cultural pa!!! May pwersa ng Christianism, Hinduism at Buddism. Samahan mo pa ng mga statue galing sa Easter Island. Idagdag mo pa si Mr. Wizard ng Enchanted Kingdom, ang mahiwagang "Pearl of Lao-Tze" at si General Grievous. Saan ka pa?!!!

Sunday, July 17, 2005

Physics of "Beating-The-Red-Light"

Kasabay ko nung minsan sa taxi ang isa sa mga "think tank" friends ko. Nung papalapit na kami sa intersection biglang naging yellow yung traffic light kaya ang ginawa nung driver namin ay binagalan nya yung takbo. Habang nakatigil yung taxi namin ay bigla ba naman akong binigyan ng ganitong question...

Q: Our taxi was running at 60 km/h. Nung papalapit na tayo sa intersection ay biglang naging yelow yung traffic light. Alam natin na it takes 2 seconds for the yellow light to turn to red. Estimate natin na mga 30 meters ang layo natin sa intersection. Given that the intersection is 12 meters away and you have an estimated maximum deceleration of -6 m/s2, should we stop or should we beat the red light?
Calc:(kunwari ay nag-iisip) Beat the red light dapat tayo.
Q: Yun naman pala. Eh di dapat nagbeat the red light na lang tayo.
Calc: Di pwede.
Q: Aabot naman tayo!!
Calc: Di talaga pwede.
Q: Bakit naman?
Calc: May pulis kasi sa kabilang kanto. Huli tayo sigurado!!

* Kita ko sa salamin na napangiti yung driver natin. At naiimagine ko rin na nakangiti kayo ngayon *

Thursday, July 14, 2005

Eye Blog

Nearsighted ka kung malinaw ang mga bagay na malapit sa yo at malabo naman kung malayo. Farsighted ka kung malabo ang mga bagay na malapit at malinaw naman ang mga nasa malayo.

oo0oo


Bakit pupil ang tawag sa gitna na mata? Ganito yan...
Ang original kasing meaning ng pupil ay "small child" o "doll". Pag tumingin ka sa mata ng iba, you see a small "doll-like" reflection of yourself. Ang galing, di ba?!!

oo0oo


Eh ano naman ang ibig sabihin ng 20/20 vision?
If you can still read clearly characters at a distance of 20 feet, then you have a 20/20 vision.

oo0oo


Duling: from the Malay juling meaning "cross-eyes"

Monday, July 11, 2005

Saturno: Bakit ang daming balat ng Maxx(candy) dito?
Placido: Iniipon ko kasi
Saturno: Bakit?
Placido: Eh di ba may contest sila. Yung may pera sa wrapper. Bubuuin mo yung letters.
Saturno: Eh hindi naman Maxx yun, Halls!!!
Placido: Hah!!! Kaya pala wala akong mabuong letter!

Pag-untugin ko kayong dalawa!!

oo0oo


Naisipan kong kumain kanina ng squidball. Kaya punta naman ako sa Ayala para bumili. Ang style ko kasi ay kuha lang muna ako ng kuha. Tsaka na ang bayad tutal sa may harapan lang naman ako ng stand pumupuwesto. Ang kaso nga lang bawal ang magtinda sa kahabaan ng Ayala. Hinuhuli ang vendor and kinukumpiska pa yung mga gamit. Eh di yun na nga, dumating yung mga guards. Eh di syempre takbuhan yung mga vendor kasi nga huhulihin sila. Ako naman nandon pa rin sa pwesto ko, inuubos pa yung squidball ko. Andami ko ring nakain. 50 pesos din yun!!! Hahaha!!! Swerte!!!

Saturday, July 09, 2005

Percent of what?

Ano ba ang percent, singular or plural? Hehe!!! Alam nyo ba na ito ay pwedeng pareho. It depends on what it's a percent of:

Thirty percent of the oranges are gone.
Thirty percent of the orange juice is gone.


Ang galing, di ba? Pareho din ba yan sa fraction? Oo naman!!!

One-fourth of the voters are undecided.
One-fourth of the electorate is undecided.

Friday, July 08, 2005

Exciting Day

Today is an exciting day!!! Single issue lang makikita mo sa TV, maririnig sa radyo at mababasa sa dyaryo.

-oo0oo-


Iisang news pero iba't-ibang camera angle ang mapapanood mo sa TV. Pag nagsawa ka sa isang anggulo ay lipat ka muna sa iba. Kung di mo makita ang isang anggulo ay punta ka muna sa kabila kasi baka mas maganda ang camera shot nila.

-oo0oo-


Dito sa office ay sa radyo namin pinakikinggan ang mga aksyon. Sa kanan ay may nagpapatugtog ng MP3, sa gitna yung radyo tapos sa kaliwa naman ay MP3 uli. May background music ka tuloy ngayon habang nakikinig.

-oo0oo-


Ano kayang mangyayari kung biglang umulan dito sa Ayala? Saan kaya pupunta yung mga ralyista? Nakasarado ang mga underpass at mga buildings dito kaya malamang ay sa kalsada lang sila. Pero, umulan man o hindi ay isa lang ang totoo. Karamihan sa pumunta dyan ay binayaran lang. Nakita ko na minsan kung saan sila binayaran.

-oo0oo-


Ako ay pumusta na hindi sya magreresign. At this point in time ay nasa kanya ang advantage both strategic and mathematical. Kailangang baguhin ng oposisyon ang takbo ng ilog para mapunta sa kanila ang pwersa nito.

Thursday, July 07, 2005

Andami pala nating "anak ng ..." expression. Anak ng tupa, anak ng tokwa, anak ng tipaklong, anak ng patis, anak ng tinapa, anak ng pating, anak ng hweteng, anak ng pusa at ang pinakapaborito ng lahat, anak ng teteng!

-oo0oo-

Minsan ay may nagtanong sa akin ng direksyon...

Manong: Saan pa ba ang papuntang (name of place)?
Calc: Nakikita nyo po ba yung building sa dulo?
Manong: Oo, yun na ba yung lugar?
Calc: Lampas pa po don. Malayo pa po...

Eto ang isang variation na natutunan ko lang lately...

Manong: Saan pa ba yung papuntang (name of place)?
Calc: Diretso po kayo tapos kanan po sa kanto, doon po kayo magtanong kung saan

* pasaway talaga *

Wednesday, July 06, 2005

Back In Action

Im back!!! Balik blogging na naman ako. Sabi ng psychiatrist ko at ng mga kaibigan kong ermintanyo ay kailangan kong ipagpatuloy itong blogging. "To preserve mental stability" or something to that effect yung dahilan nila. At dagdag pa nila na dapat ay everyday ang update ko at hindi katulad ng dati na once a week.

-oo0oo-


Birthday ko last Monday, July 4. Napakadaling tandaan nitong birthday ko kasi Fil-American holiday ito. Dito sa office namin ay wala talaga akong kawala. June pa lang ay nagpaparamdam na sila sa birthday ko. Kahit ang mga iba kong kakilala ay talaga namang nakatatak na sa isipan nila ang birthday ko.

-oo0oo-


25 na ako ngayon, 100 years pa bago ko mareach ang target age ko.

-oo0oo-


Today is the death anniversary of someone very special to me. Maaga man siyang lumisan dito sa mundo but maybe it's for the best. She will never age nor fade for me. Alam ko na masaya ka na dyan sa lugar mo ngayon kaya please lang hwag ka ng mang-istorbo sa gabi. May pasok pa ako sa umaga!!!