Monday, May 22, 2006

Monopoly

Isa sa mga favorite board games ko ito. Simple lang naman ang concept. Magpayaman at i-bankrupt ang kalaban mo. Normally ay kailangan ng 5 players and above para ma-enjoy ko ang larong ito at hangga't maaari eh ako ang unang player. Maaga palang dapat eh bumili ka na agad ng bumili.

Ang isa sa mga importanteng rule ng monopoly ay kailangang makumpleto mo ang isang color set bago ka makapagpatayo ng bahay at hotel. Kaya kalimitan ay may additional rule para sa property trading. At dito sa rule na ito ako malimit na nagwawagi.

Bago magsimula ang laro eh kalimitan nilang sinasabi sa akin na, "Di na ako magpapauto sa mga sinasabi mo" o kaya naman eh "Hinding-hindi ako makikipagdeal sa yo kahit anong mangyari". Pero in the end ay sila pa ang nakikipag-usap sa akin dahil walang mangyayari sa laro nila kung di sila dadaan sa akin.

May konting math na involve sa Monopoly. You have to play the chances and statistics of the board. Advantage rin kasi yan eh. Hindi porke't nalagyan mo na ng hotel ang Park Place at Boardwalk eh panalo ka na. In the long run of the game, yung dalawang slot na yun ang may pinakamababang chance na babagsakan mo. Meron ako dating nakalaban na ganun. May hotel na yung Park Place at Boardwalk at ang aking property lang ay yung apat na railroad at dalawang utility, biruin mo, nabankrupt ko pa sya. Pakiramdam nya eh nadaya ko sya (lagi naman eh!) pero legal na legal naman...

Isa pang importanteng pag-aralan sa monopoly ay ang paghagis ng dice. Kailangan pag minsan ay kaya mong palabasin ang gusto mong number of moves. Crucial trick yan lalo na pag dadaan ka sa puro hotel na properties. Pang-iwas bayad!!!

Ano ang favorite area ko sa Monopoly? Syempre, yung jail!!!!

No comments: