Hindi ito inborn talent but more o acquired ability kasi natuto lang akong magspeed reading during college days. Magkaiba ang speed reading sa scanning kasi sa scanning hinahanap mo lang ang main idea pero wala namang comprehension.
Isa kasi sa time-consuming element ng normal reading ay yung "left to right" eye movement para magbasa. Tapos pagdating mo sa end ng line ay ibabalik mo ang eye focus sa beginning ng next line. May mga eye exercise sa speed reading para mawala itong habit na ito sa pagbabasa.
Sa una syempre eh mahirap pag-aralan ang speed reading. Andami mo kasing babaguhin na reading habit. Pero once na makuha mo yung technique eh madali na sya. Parang pag nagbubuo ka ng Rubik's cube. Mahirap at nakalilito pero once na makuha mo yung technique nito eh kahit na nakapikit eh kaya mo ng buuin.
May advantage pag marunong ka ng speed reading. Syempre, una sa lahat ay makakatipid ka sa oras. Di mo kailangang mag-ubos ng tatlong araw para tapusin ang The Da Vinci Code. Makakatipid ka rin ng oras sa pagbabasa ng mga emails kasi one or two glance eh tapos na ang pagbabasa mo. Di rin mauubos ang araw mo sa pagbabasa ng newspaper at magazine.
Ang nakatatawa lang sa speed reading ay mahirap papaniwalain yung mga nasa paligid mo na marunong ka ng speed reading. Ganun lang talaga kasi nga tulad ng nauna kong sabi. Tinuruan tayo nung maliit pa tayo na ganito lang ang paraan ng pagbabasa. Left-to-right. Victims of dogma ika nga nila. Biruin mo sa kanila eh three minutes nilang babasahin yung isang page tapos sa yo eh 5 seconds lang. Ano yun? Lokohan!!!
Pero, for me, advantage talaga ang speed reading. Thirty minutes lang eh andaming ko ng nabasang blogs at comments!!!
No comments:
Post a Comment