Sa loob ng jeep na sinakyan ko pauwi...
Calc: Manong, bayad po
Driver: Maamot 'lan 'o. 'An to?
[Paabot lang po. Saan to?]
Calc: Dyan lang po sa tawiran.
Hala, may "speech impediment" pala yung driver. Pero hindi pa dyan ang kwento. Maya-may eh may sumakay...
Pasahero: 'Anong, 'ayad o. 'An lang 'a may 'apote
[Manong, bayad po. Dyan lang sa may Zapote]
Akala mo eh nangloloko lang pero mukhang totoo. Dalawa na ngayon ang "speech impaired" sa loob ng jeep. Pero hindi pa talaga dyan ang kwento kasi nung pababa na yung mama eh doon na yung riot. Mabilis kasi yung patakbo ng jeep nung driver kaya lumampas sa bababaan nya...
Pasahero: 'ara!! 'ara!! 'ini 'o ma ma'inig!!! 'anina pa a'o 'ara ng 'ara!!!
[Para!! Para!! Hindi mo ba marinig!! Kanina pa ako para ng para!!!]
Galit na bumaba yung mama. At nung makalayo na yung pasahero eh tsaka naman nagkomento yung driver...
Driver: E' a'o 'ala yun e' 'ita 'aman nyang 'een yun 'ap light! E' 'ung ma'uli ako! 'o'o
[Eh gago pala yun eh! Kita naman nyang green yung stoplight!! Eh kung mahuli ako! Ngongo!!]
Naku... kinakagat ko talaga ang labi ko para lang hwag matawa. Ayaw kong tumingin sa mga kasama kong pasahero dahil for sure eh matatawa ako. Mapang-api na kung mapang-api pero talagang nakakatawa yung eksenang yun!! Ba'a 'aman 'agmost ayo ng arang 'o'o? Mad 'un!!! (Baka naman magpost kayo ng parang ngongo? Bad yun!!!)
No comments:
Post a Comment