Monday, September 05, 2005

Meralco Theater

Matagal-tagal din ang huli kong punta rito. Ito ang dahilan kung bakit di ko na matandaan kung nasaan ang theater. Dalawa lang ang alam ko...malapit ito sa Robinson's Galleria at may dumadaan na jeep dito. Eh di punta ako sa Galleria, ok. Punta ako sa may jeep terminal, ok. Since wala na akong idea kung saan ang theater ay kailangan na nating magtanong. At ang pumasok sa isipan ko na pagtanungan ay ang driver ng jeep na kasalukuyang nagpupuno ng jeep...

Calc: Manong, dadaan po ba kayo ng Meralco Theater?
Driver: Oo.

Ayos!!! Sakay na agad ako. Umupo ako sa tabi ng driver para kita ko yung both sides ng kalsada at para na rin di ako mahirapang maghanap.

Calc: Manong, pakisabi na lang po sa akin kung nasa Meralco na po tayo?
Driver: Oo.

Since nasa terminal ako, kailangang hintayin munang mapuno ang jeep. Inabot siguro ng mga twenty minutes bago napuno kasi mahina ang dating ng mga tao.

Matapos ang mahabang paghihintay ay umalis na kami sa terminal. Expected ko ay malayo yung lugar kaya todo bantay ako sa magkabilang side ng daan. Di pa nakakalayo ang jeep namin ay biglang tumigil ito sa pangatlong kanto.

Driver: Meralco theater na 'to. Tawid ka na lang sa kabila

Lingon ako sa direksyon na kanyang tinuro. Ano!!!! Nandito na tayo!!! Ang hirap talagang ipaliwanag. Aba'y mas matagal pa ang inupo ko sa jeep kaysa sa tinakbo nito. Wala pa ngang dalawang minuto yung tinakbo namin. Bumaba ako sa jeep ng gulat na gulat at di maipaliwanag ang gagawin. Syempre, nakakaasar yung nangyari. Eh kitang-kita ko pa ang Galleria, yung flyover at yung terminal!!! Pwede naman palang lakarin.

Panalo ka talaga, mamang driver. Eto ang isang kantang nararapat sa iyo...

"Mamang kay lupit
Ang puso mo'y di na nahabag"

No comments: