Nitong mga nakalipas na araw ay kalaro ko ang officemate ko sa larong scrabble. Meron kasi syang scrabble program sa computer nya. Napansin ko din kasi na laging computer ang kalaban nya kaya niyaya ko ng one-on-one. Yung first game ay katuwaan lang muna. Pero ngayon ay race to 7 na ang laro, parang scrabble tournament.
Monday yata namin sinimulan yung game at currently ang standing score namin ay 6-0 in favor of my officemate. In tagalog, nilalampaso ako!!! Magaling ba yung officemate? Magaling syempre!!! Sa anim na game namin ay tatlong beses syang naka-scrabble samantala ako ay wala. Ako pa nga itong laging naghahabol sa score nya. She's really good also in letter placing.
Ang maganda pa nito ay may pustahan yung game namin. Libre ng pizza, hindi lang sya pati yung mga audience namin. Hahaha!!! Syempre, hindi mawawala sa tournament ang mga audience. At pag may audience, di mawawala ang kantyawan at asaran. Syempre, sa akin ang bagsak ng lahat ng asar. Ganon naman talaga yun? Panalo man o talo, ako pa rin ang sasalo. Hahahaha!!!!
Affected ba ako sa score na 6-0? Syempre, hindi!! Mas maganda nga ang laban ngayon para sa akin kasi "Nothing to lose but everything to gain". Pero ang nakakatawa nito ay yung barkada ko ang pinaka-affected sa score ko. Bakit daw pinaabot ko sa ganung score yung laban? Tapos sinermonan pa nila ako na hwag na kasi akong maglaro ng may partida. Eh kung hindi ko naman kasi lalagyan ay hindi naman ako mag-eenjoy. At tsaka may mga pagkakataon na mas malaki ang premyo pag ikaw ang natalo kaysa pag ikaw ang nanalo.
Tuloy ba ang game bukas? On-hold muna kasi hinihintay ko yung 'regression from the mean' ng officemate ko. Mananalo ba ako? Tingnan natin. Abangan sa susunod na blog....
No comments:
Post a Comment