Sunday, August 07, 2005

Guilty Ice Cream

Last night, di inaasahan, ay bigla kaming inimbitahan nung bagong kapitbahay namin sa condo. Wala pa kasi siguro yung kasama nya kaya gusto nya ng kausap. So, pumayag naman kami since tabing unit lang naman. Eh di kwentuhan, ako, yung apat kong kasama at tsaka sya. Maya-maya, sabi nya ay ikukuha nya kami ng ice cream para naman daw may kinakain kami habang nagkwekwentuhan. Doon ngayon iikot ang blog ko...sa ice cream na dinala nya.

Paglapag nung ice cream sa table, problema na agad. Apat na double dutch at isang ube. Bakit problema? Paborito nung apat ang double dutch!!! Simula pa lang yan. Pagkalapag kasi nung mga ice cream ay medyo nagkahiyaan pa. Wala munang kumukuha. Tuloy muna sa kwentuhan. Kwento, kwento, kwento... At habang nagkwekwentuhan nga ay kinuha na nung tatlo yung double dutch. Natira ngayon sa tray ay isang double dutch at isang ube.

"Kung kukunin ko yung ube, di ako mag-eenjoy pero at least di naman ako maguguilty. Pero kung kukunin ko naman yung double dutch, mag-eenjoy ako pero maguguilty naman ako sa pagkuha nito. Ano ang dapat kong gawin?"

Pero ang tanong, "dapat ba akong maguilty kung kukunin ko yung last na double dutch?" Kung ang kinuha sana ni Hi ay yung ube eh di puro double dutch na lang ang natira para sa amin. Lumalabas na medyo guilty si HI dahil ako ngayon ang pinapahirapan nya sa pag-iisip. Same goes don sa dalawa.

Lumalabas na ganito ngayon ang scenario, 80% ay mas gusto ang double dutch kaysa sa ube. Nung kinuha ni HI yung unang double dutch, ang chance ngayon na gusto nung tatlo yung double dutch ay 40% (.8 x .8 x .8 x .8). Ibig sabihin hindi masyadong guilty si HI sa pagkuha nung unang double dutch.

Yun nga lang pagdating sa akin, ang chance na gusto ni Q yung last double dutch ay naging 80% na!!! Pressured ngayon ako!! Pero kung iisiping mabuti, kasamang nagpataas ng chance yung mga naunang kumuha ng double dutch. Lumalabas na guilty rin dapat sila.

Sana pala ay sa simula pa lang ay nagtanong na ako kung sino ang may gusto ng ube. Para kung meron mang kumuha nito, libre ko ng kunin yung double dutch na walang guilty-guilty!!! Eh paano kung walang gustong kumuha nung ube? Dyos ko!! Pati ba naman yung ube, guilty!!!

Sasabihin ko na lang sana na di ako gutom. At least, para akong bayani. Gesture of selflessness. Kaya lang napansin ko na nakangiti yung tatlo sa akin. Parang alam nila yung iniisip ko...

Ganito ngayon ang ginawa kong move para maresolve ang problema. Ibubuhos ko lahat ng guilt sa bago namin kapitbahay. "Wala na bang double dutch? Bakit kasi ube yung isa?!" Panalo!!! Kinuha nyo yung ube at pinalitan ng double dutch. Haha!!! Panalo ang strategy ko pero pakiramdam ko ay yun na ang last time na iimbitahan nya ako. Tingin nyo?

No comments: