Sabi ng mga kapatid ko, umiinit na raw. Ganun din ang mga officemates ko. Pero, ako eh parang di ko naman nararamdam. Medyo nilalamig pa nga ako. Mataas lang siguro ang resistance ko sa init. Doon yata kasi ang punta ko kaya sinasanay ko na! hahaha!!!
Bakit hindi ako pwedeng magsabi ng "hindi ko alam yan", "hindi pwede yun", "ewan ko", "mahirap gawin", "mahirap i-explain"?
Mas masarap ang tulog ko ngayon kung sa sahig ako natutulog kaysa pag sa kama.
Bakit once a day na lang pati ako kumakain?!! Iinom lang ako ng tubig sa umaga at parang solve na ang tyan ko. Pupunta ako sa canteen ng lunch pero wala akong ganang kumain kasi parang busog pa ako. Gabi na ako nakakaramdam ng gutom.
sa pagitan ng pagkabulag o pagkabingi, mas gusto ko ang mabulag. Pag bulag eh naeenhance ang sense of hearing at touch. Pero pag bingi eh hindi naman naeenhance ang sense of sight at touch mo.
Ilang beses na akong naaksidente pero ang tigas pa rin ng ulo ko kasi laging sa unahan pa rin ako sumasakay... walang kadala-dala!!! bakit pati ang mga nasasakyan ko eh yung mga takaw-aksidente, mabilis magpatakbo, malakas ang preno at color-blind!
Nawawala ba ang meaning ng near-death experience pag lagi itong nangyayari sa isang tao? Kung unang beses eh syempre mapapaisip ka kasi binigyan ka ng second chance. Eh paano kung mangyayari uli, siguro, swerte. Eh paano kung lumampas na ng dalawa?!
Inspired by Jessica Zafra's book, who are the people I might meet in hell? Hmmm...
No comments:
Post a Comment