There are 42 balls taken 6 at a time. The total number of combination for lotto is 5,245,786. Kung gusto mo yung sure win na panalo, kailangan mong tayaan lahat ng combination. In short, kung 10 pesos ang isang combination, kailangan mong gumastos ng 52,457,860 pesos para manalo. Hintayin mo lang na maging more than 52 million ang jackpot prize para may kick-back ka.
Ito ang aking lotto strategy. Since wala na akong magagawa sa combination na lalabas, ang pwede ko na lang gawin ay i-minimize ang number of winning person para maunti ang magiging kahati ko kung saka-sakaling mananalo ako. Paano ko gagawin yon? Ganito....
Each combination is equally likely to be the winning number. Ibig sabihin ang (2, 34, 21, 10, 18, 22) at ang (10, 42, 34, 27, 3, 11) ay pareho ang chance na pwedeng maging winning number. Therefore it also follows na ang (11, 12, 13, 14, 15, 16), which is also included in the total number of combination, ay pareho rin ang chance na maging winning number. At since, kalimitan sa mga tumataya ay gumagamit ng random numbers kaysa sa sequential number lumalabas na pag sequential numbers ang tinayaan ko, mataas ang probability na pag ako ang nanalo ay solo ko lang ang jackpot prize. Hahaha!!!!
Paano naman kaya sa balato? Hmmm....
No comments:
Post a Comment